Pumunta sa nilalaman

Interaksiyong mahina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mahinang puwersa)
Ang radyoaktibong pagkabulok na beta ay dahil sa interaksyong mahina, na binabago ang isang neutron sa isang proton, isang elektron, at isang antineutrino.

Sa pisikang nukleyar at pisikang partikula, ang interaksyong mahina, na tinatawag din na puwersang mahina o puwersang nukleyar na mahina, ay isa sa apat na kilalang mga interaksyong pundamental, na ang iba pa ay ang elektromagnetismo, ang interaksyong malakas, at grabitasyon. Ito ang mekanismo ng interaksyon sa pagitan ng mga partikulong subatomiko na responsable para sa radyoaktibong pagkabulok ng mga atomo: Lumalahok ang mahinang interaksyon sa pisyong nukleyar. Tinatawag minsan ang teoriya na sinasalarawan ang gawi at epekto nito bilang quantum flavourdynamics (QFD); bagaman, bihirang gamitin ang katawagang QFD, dahil mas madaling maunawaan ang puwersang mahina sa electroweak theory (EWT).[1]

Limitado ang epektibong layo ng puwersang mahina sa mga distansyang subatomiko at mas mababa ito sa diyametro ng isang proton.[2]

Nagbibigay ang Pamantayang Modelo ng pisikang partikula ng unipormeng banghay para sa pagkaunawa ng mga interaksyong elektromagnetiko, mahina at malakas. Nangyayari ang isang interaksyon kapag ang mga partikula (tipikal, subalit hindi kinakailangan, kalahating-buumbilang na spin ng mga fermion) ay nakikipagpalitan ng spin na buumbilang, at mga boson na nagdadalang-puwersa. Ang mga fermion na sangkot sa mga ganoong palitan ay maaring maging maski alin sa elementarya (e.g., mga elektron o quark) o komposito (e.g., mga proton o neutron), bagaman sa antas na pinakamalalim, sa huli, lahat ng mga interkaksyong mahina ay nasa pagitan ng mga partikulang elementarya.

Sa interaksyong mahina, nakikipagpalitan ang mga fermion ng tatlong uri ng mga nagdadalang puwersa, at ang mga ito ay ang mga boson na W+, W, at Z. Mas malayong mas malaki ang masa ng mga boson na iyon kaysa sa masa ng isang proton o neutron, na konsitente sa maikling layo ng mahinang puwersa.[3] Sa katunayan, tinawag ang puwersa na mahina dahil ang lakas ng lawak nito sa kahit anumang tinakdang distansya ay tipikal na ilang dami ng kalakhan mas mababa kaysa sa yaong puwersang elektromagnetiko, na siyang ilang dami ng kalakhan mas mababa sa malakas na puwersang nukleyar.

Noong 1933, pinanukula ni Enrico Fermi ang unang teoriya ng interakakysong mahina, na kilala bilang interaksyong Fermi. Minungkahi niya ang pagkabulok na beta na maaring ipaliwanag sa pamamagitan ng isang interaksyon na apat na fermion, na kinakasangkutan ng isang puwersang nakipagniig na walang hangganan.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Griffiths, David (2009). Introduction to Elementary Particles (sa wikang Ingles). pp. 59–60. ISBN 978-3-527-40601-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Schwinger, Julian (1957-11-01). "A theory of the fundamental interactions". Annals of Physics (sa wikang Ingles). 2 (5): 407–434. Bibcode:1957AnPhy...2..407S. doi:10.1016/0003-4916(57)90015-5. ISSN 0003-4916.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nave, CR. "Fundamental Forces - The Weak Force" (sa wikang Ingles). Georgia State University. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2023. Nakuha noong 12 Hulyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fermi, Enrico (1934). "Versuch einer Theorie der β-Strahlen. I" [Search for a theory for beta-decay]. Zeitschrift für Physik A (sa wikang Ingles). 88 (3–4): 161–177. Bibcode:1934ZPhy...88..161F. doi:10.1007/BF01351864. S2CID 125763380.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Wilson, Fred L. (Disyembre 1968). "Fermi's theory of beta decay". American Journal of Physics (sa wikang Ingles). 36 (12): 1150–1160. Bibcode:1968AmJPh..36.1150W. doi:10.1119/1.1974382.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)