Demokrasya
Ang demokrasya (Griyego: δημοκρατία, dēmokratiā, mula sa dēmos 'mga tao' at kratos 'pamamahalaan') ay isang uri ng pamamahala kung saan may awtoridad ang mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang lehislasyon. Kung sinu-sino ang mga tao at kung paano hinahati ang awtoridad ang mga pangunahing suliranin para sa teorya, pagsusulong, at saligang batas ng demokrasya. Kabilang sa pundasyon ng mga suliraning ito ang kalayaang magtipon-tipon at magsalita, inklusibidad at pagkakapantay-pantay, pagkamamamayan, pagsasang-ayon, pagboboto, karapatang mabuhay at mga karapatan ng minorya.
Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng demokrasya: tuwiran at kinatawan. Sa tuwirang demokrasya, pinag-uusapan at pinagpapasiyahan ng mga tao mismo ang lehislatura. Sa kinatawang demokrasya, inihahalal ng mga tao ang mga kinatawan upang pag-usapan at pagpasiyahan ang lehislatura, tulad sa parlamentong o pampanguluhang demokrasya. Pinagsasama ng likidong demokrasya ang mga elemento nitong dalawang saligang uri. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, pinababago ang pangngalang "demokrasya" ng higit sa 3,500 pang-uri na nagmumungkahi na mayroon itong mga uri na nakaiiwas sa at nakaliligta ng dualidad na ito.[1]
Ang naging pinakakaraniwang kaparaanan sa pagpapasiya ng mga demokrasya ay panuntunan ng karamihan,[2][3] ngunit naging kasinghalaga rin ang mga ibang kaparaanan tulad ng supermayorya at pagkaisahan. Nagsisilbi ang mga ito sa napakahalagang layunin ng inklusibilidad at mas malawakang pagkalehitimo sa mga sensitibong paksa, na nagiging panimbang sa mayoritarismo, at sa gayon ay kadalasang nangingibabaw sa antas ng saligang batas.
Sa karaniwang uri ng demokrasyang liberal, ginagamit ang kapangyarihan ng karamihan sa loob ng balangkas ng isang kinatawang demokrasya, ngunit nililimitahan ng saligang batas ang karamihan at pinoprotektahan ang minorya, karaniwan sa pagtatamasa ng lahat ng mga tiyak na pansariling karapatan, hal. kalayaan sa pagsasalita, o kalayaan sa pakikisama.[4][5] Bukod sa mga ganitong uri ng demokrasya, mayoon pang napakaraming uri. Ang mga republika, bagaman madalas iniuugnay sa demokrasya dahil sa pagkaparehong prinsipyo ng pamamahala ng pagsang-ayon ng mga pinamamahalaan, ay hindi palaging demokrasya, dahil hindi tinutukoy ng republikanismo kung paano mamamahala ang mga tao.[6]
Ang demokrasya ay sistema ng pagpoproseso ng mga salungatan kung saan nakadepende ang mga kalalabasan sa ginagawa ng mga kalahok, ngunit walang nag-iisang puwersa na may hawak sa nangyayari at ang kanyang mga kalalabasan. Kalakip sa demokrasya ang kawalang-katiyakan sa mga kalalabasan. Pinipilit ng demokrasya na magpunyagi nang walang tigil ang lahat ng mga puwersa upang matanto nila ang kani-kanilang mga interes at inililipat ang kapangyarihan mula sa mga pangkat ng tao tungo sa mga alituntunin.[7] Itinuturing na nagmula ang Kanluraning demokrasya, iba sa umiral sa mga pre-modernong lipunan, sa mga estadong-lungsod tulad ng Klasikong Atenas at ng Republikang Romano, kung saan nakita ang iba't ibang pamamaraan at antas ng pagbibigay ng karapatan sa malayang populasyon ng kalalakihan bago ito nawala sa Kanluran sa simula ng hulihan ng antikwidad.
Ayon kay Larry Diamond, isang Amerikanong makapulitikang siyentipiko, binubuo ang demokrasya ng apat na pangunahing elemento: isang sistemang pampulitika para mapili at mapalitan ang pamahalaan sa pamamagitan ng malayang at makatarungang halalan; aktibong pakikibahagi ng mga tao, bilang mga mamamayan, sa pulitika at buhay sa komunidad; pagtatanggol ng karapatang pantao ng lahat ng mga mamamayan; isang pamamahala ng batas, kung saan pantay-pantay na kumakapit ang mga batas at pamamaraan sa lahat ng mga mamamayan.[8] Magkagayunman, itinatawag-pansin ni Todd Ladman sa atin ang katotohanan na magkaibang konsepto ang demokrasya at karapatang pantao at "dapat mayroong higit na pagtitiyak sa pagsasakonsepto at pagpapatakbo ng demokrasya at karapatang pantao".[9]
Lumitaw ang kataga sa ika-5 siglong BK upang tumukoy sa mga sistemang pampulitika na umiral sa mga Griyegong estadong-lungsod, lalo na sa Atenas, upang mangahulugang "pamumuno ng mga tao", salungat sa aristokrasya (ἀριστοκρατία, aristokratía), na nangngangahulugang "pamumuno ng mga piling tao". Samatalang magkasalungat ang mga kahulugan na ito ayon sa teorya, lumabo ang pagkakaiba nila sa kasaysayan.[10] Bilang halimbawa, ipinagkaloob ng sistemang pampulitika ng Klasikong Atenas, ang demokratikong pagkamamamayan sa mga malayang kalalakihan at ipinuwera ang mga alipin at kababaihan sa pakikibahagi sa pulitika. Sa halos lahat ng mga demokratikong pamahalaan mula sinaunang hanggang modernong kasaysayan, binubuo ang demokratikong pagkamamamayan ng mga piling tao, hanggang napagwagian ang buong pagbigay ng karapatan sa lahat ng mga mamamayang adulto sa karamihan ng mga modernong demokrasya sa pamamagitan ng mga kilusang paghahalal ng mga ika-19 at ika-20 siglo.
Magkabaligtad ang demokrasya at iba pang uri ng pamahalaan kung saan hinahawak ang kapangyarihan ng iisang indibidwal, tulad sa monarkiyang ganap, o kung saan hinahawak ang kapangyarihan ng mga limitadong bilang ng mga indibidwal, tulad sa oligarkiya. Gayunman, ang mga kasalungat na ito, na minana sa pilosopyang Griyego,[11] ay hindi na tiyak dahil pinagsama-sama ng mga kapanahong pamahalaan ang mga elemento ng demokrasya, oligarkiya, at monarkiya. Nagbigay-kahulugan si Karl Popper sa demokrasya taliwas sa diktadura o paniniil, kaya nakatuon ito sa mga pagkakataon ng mga taong magkontrol sa kanilang mga pinuno at magpaalis sa kanila nang walang kinkailangang himagsikan.[12]
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext] Pinakademokratiko (pinakamalapit sa 10) Pinakadi-demokratiko (pinakamalapit sa 0) |
Walang kasunduan kung paano magbigay-kahulugan sa demokrasya, ngunit natukoy ang legal na pagkakapantay-pantay, makapulitikang kalayaan at pamamahala ng batas bilang mga mahahalagang katangian nito.[14][15] Ipinapakita ang mga prinsipyong ito sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga mamamayang nararapat sa harap ng batas at pagkakaroon ng magkapantay na daan sa mga proseso ng pambatasan.[kailangan ng sanggunian] Halimbawa, sa isang kinatawang demokrasya, magkasimbigat ang bawat boto, walang maikakapit na di-makatuwirang paghihigpit sa sinumang nagnanais na maging kinatawan,[ayon kanino?] at sinisiguro ang kalayaan ng kanyang mamamayang nararapat sa naisalehitimong karapatan at kalayaan na karaniwang pinoprotektahan ng saligang batas.[16][17] Kabilang sa ibang paggamit ng "demokrasya" ang yaong sa tuwirang demokrasya.
Sinasabi ng isang teorya na kinakailangan ng demokrasya ang tatlong pangunahing alituntunin: pamamahalang pataas (ang kapangyarihan ay nasa pinakamababang antas ng awtoridad), pagkakapantay-pantay sa pulitika, at pamantayang panlipunan kung saan isinaalang-alang ng mga indibidwal at institusyon ang mga kaayaayang gawa na sumasalamin sa unang ikalawang alituntunin ng pamamahalang pataas at pagkakapantay-pantay sa pulitika.[18]
Paminsan-minsan, ginagamit ang katagang "demokrasya" bilang palayaw para sa demokrasyang liberal, na isang uri ng kinatawang demokrasya na maaaring maglakip ng mga elemento tulad ng pluralismong pampulitika; pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; karapatang magpetisyon sa mga nahalal na opisyal para sa paglulunas ng mga hinaing; kaukulang proseso; kalayaang sibil; karapatang pantao; at mga elemento ng lipunang pambayan sa labas ng pamahalaan.[kailangan ng sanggunian] Ikinakatuwiran ni Roger Scruton na ang demokrasya sa ganang sarili ay hindi makakapagbigay ng kalayaang personal at pulitikal maliban kung naroon din ang mga institusyon ng lipunang pambayan.[19]
Sa mga ilang bansa, tulad ng Reyno Unido kung saan nagmula ang sistemang Westminster, ang nangingibabaw na alituntunin ay yaong sa soberanya ng parlamento, habang pinapanatili ang kalayaang hudisyal.[20][21] Sa Estados Unidos, kadalasang sinisipi ang paghihiwalay ng mga kapangyarihan bilang isang sentrong katangian. Sa Indiya, napasasailalim ang soberanya ng parlamento sa Saligang Batas ng Indiya na kinabibilangan ng pagsusuring hudisyal.[22] Bagaman karaniwang ginagamit ang katagang "demokrasya" sa konteksto ng isang estadong pulitikal, maaaring ikapit ang mga alituntunin nito sa mga pribadong organisasyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Gagnon, Jean-Paul. 2020. "Democracy with Adjectives Database, at 3539 entries". Latest entry April 8. Provided by the Foundation for the Philosophy of Democracy and the University of Canberra. Hosted by Cloudstor / Aarnet / Instaclustr". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2020. Nakuha noong 15 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of DEMOCRACY". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Locke, John. Two Treatises on Government: a Translation into Modern English. Quote: "There is no practical alternative to majority political rule – i.e., to taking the consent of the majority as the act of the whole and binding every individual. It would be next to impossible to obtain the consent of every individual before acting collectively ... No rational people could desire and constitute a society that had to dissolve straightaway because the majority was unable to make the final decision and the society was incapable of acting as one body."Google Books.
- ↑ Oxford English Dictionary: "democracy".
- ↑ Watkins, Frederick (1970). "Democracy". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 7 (ika-Expo '70 hardcover (na) edisyon). William Benton. pp. 215–23. ISBN 978-0-85229-135-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ R. R. Palmer, The Age of the Democratic Revolution: Political History of Europe and America, 1760–1800 (1959)
- ↑ Przeworski, Adam (1991). Democracy and the Market. Cambridge University Press. pp. 10–14.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diamond, L., Lecture at Hilla University for Humanistic Studies 21 January 2004: "What is Democracy"; Diamond, L. and Morlino, L., The quality of democracy (2016). In Diamond, L., In Search of Democracy. London: Routledge. ISBN 978-0-415-78128-2.
- ↑ Landman, Todd (2018). "Democracy and Human Rights: Concepts, Measures, and Relationships". Politics and Governance. 6 (1): 48. doi:10.17645/pag.v6i1.1186.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wilson, N.G. (2006). Encyclopedia of ancient Greece. New York: Routledge. p. 511. ISBN 0-415-97334-1.
- ↑ Barker, Ernest (1906). The Political Thought of Plato and Aristotle. Chapter VII, Section 2: G.P. Putnam's Sons.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link) - ↑ Jarvie, 2006, pp. 218–19
- ↑ "Democracy Index 2017 – Economist Intelligence Unit" (PDF). EIU.com. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Pebrero 2018. Nakuha noong 17 Pebrero 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Staff writer (22 Agosto 2007). "Liberty and justice for some". The Economist. Economist Group.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ O'Donnell, Guillermo (2005), "Why the rule of law matters", sa Diamond, Larry; Morlino, Leonardo (mga pat.), Assessing the quality of democracy, Baltimore: Johns Hopkins University Press, pp. 3–17, ISBN 978-0-8018-8287-6.
{{citation}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Preview. - ↑ Dahl, Robert A.; Shapiro, Ian; Cheibub, José Antônio (2003). The democracy sourcebook. Cambridge, Massachusetts: MIT Press. ISBN 978-0-262-54147-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Details. - ↑ Hénaff, Marcel; Strong, Tracy B. (2001). Public space and democracy. Minneapolis: University of Minnesota Press. ISBN 978-0-8166-3388-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kimber, Richard (Setyembre 1989). "On democracy". Scandinavian Political Studies. 12 (3): 201, 199–219. doi:10.1111/j.1467-9477.1989.tb00090.x.
{{cite journal}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Full text. Naka-arkibo 2016-10-17 sa Wayback Machine. - ↑ Scruton, Roger (9 Agosto 2013). "A Point of View: Is democracy overrated?". BBC News. BBC.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kopstein, Jeffrey; Lichbach, Mark; Hanson, Stephen E., mga pat. (2014). Comparative Politics: Interests, Identities, and Institutions in a Changing Global Order (ika-4, revised (na) edisyon). Cambridge University Press. pp. 37–39. ISBN 978-1-139-99138-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Parliamentary sovereignty". UK Parliament. Nakuha noong 18 Agosto 2014
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); "Independence". Courts and Tribunals Judiciary. Nakuha noong 9 Nobyembre 2014.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Daily Express News (2 Agosto 2013). "All-party meet vows to uphold Parliament supremacy". The New Indian Express. Express Publications (Madurai) Limited. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2016. Nakuha noong 18 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)