Pumunta sa nilalaman

Malaking isaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kolon o malaking isaw ay isang bahagi ng isaw o malaking bituka, na itinuturing na huling bahagi ng sistemang panunaw sa karamihan ng mga bertebrado; hinahatak at kinakatas (ekstrasksiyon) ang tubig at asin mula sa mga tae (buong dumi) bago ang mga ito alisin mula sa katawan. Ito ang pook kung saan nagaganap ang permentasyon ng mga materyal na hindi nasipsip ng katawan, at tinutulungan ng sanghalamanan (karamihang mga bakterya). Hindi katulad ng maliit na bituka, ang kolon o malaking isaw ay hindi gumaganap sa pangunahing tungkulin ng pagsipsip ng mga pagkain at ng mga sustansiya o nutriyente. Subalit, ang kolon ay hindi sumisipsip ng tubig, sodyum, at ilang mga bitaminang natutunaw sa taba.[1]

Sa mga mamalya, ang kolon ay binubuo ng apat na mga seksiyon" ang paakyat na isaw o pataas na kolon, ang pahalang na kolon (kolong transberso), ang pababang kolon, at ang kolong sigmoid (ang pinakamalapit na kolon ay pangkaraniwang tumutukoy sa paakyat na kolon at pahalang na kolon). Ang kolon, sekum, at tumbong (rektum) ang bumubuo sa malaking bituka.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Colon Function And Health Information Naka-arkibo 2012-09-05 sa Wayback Machine., nakuha noong 2010-01-21
  2. "Large intestine". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-11. Nakuha noong 2012-01-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.