Pumunta sa nilalaman

Maleta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang tipikal na maleta

Ang maleta ay isang uri ng bagahe. Kadalasang itong pantay na hugis parihaba na bag na may bilugang gilid, na yari sa metal, matigas na plastik, tela o vinyl o balat na higit kumulang pinapanatili ang hugis. Mayroon itong bitbitan sa isang bahagi at pangunahing ginagamit ito bilang lalagyan ng mga damit at iba pang gamit sa paglalakbay. Nabubuksan ito sa bisagra na parang pinto. Karaniwang may kandado ito na may susi o kombinasyong kodigo para mabuksan.