Pumunta sa nilalaman

Ekonomiyang pampamamahala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Managerial economics)

Ang ekonomiyang pampamamahala (Ingles: managerial economics), ayon sa kahulugan na ibinigay ni Edwin Mansfield ay nakatuon sa paglalapat ng mga diwang pang-ekonomiya at pagsusuring pang-ekonomiya sa mga suliranin ng paglikha ng makatwirang mga kapasyahang pampamamahala.[1] Paminsan-minsan itong tinutukoy bilang ekonomiks na pangnegosyo at ito ay isang sangay sa larangan ng ekonomika (ekonomiks) na naglalapat ng pagsusuring mikroekonomiko sa mga paraan ng pagpapasya ng mga kanegosyuhan o iba pang mga yunit ng pamamahala. Bilang ganiyan, pinagtatagpo nito ang teoriyang pang-ekonomiya at ang isinasagawang ekonomiks.[2] Malakihang kumukuha ito mula sa mga teknikong kuwantitatibo o pandami na katulad ng analisis ng regresyon at korelasyon, at kalkulus.[3] Kung mayroong isang nakapagkakaisang tema na tumatakbo sa halos lahat ng ekonomiks na pampamamahala, ang pagtatangka na ma-ioptimisa ang mga pagpapasyang pangnegosyo na mayroong ibinigay na mga layunin ng kompanya at ibinigay na mga balakid na ipinataw ng kakulangan, halimbawa na ang sa pamamagitan ng paggamit ng pananaliksik ng mga operasyon o mga pagpapatakbo, pagpoprogramang pangmatematika, at teoriya ng laro para sa mga kapasyahang pang-estratehiya,[4] at iba pang mga paraang pangkomputasyon.[5]

Ang mga pook na kinabibilangan ng kapasyang pampamamahala ang:

  • pagtataya ng maipupuhunang mga pondo
  • pagpili ng pook na pangnegosyo
  • pagpili ng produkto
  • pag-alam sa kinalabasang optimal
  • pag-alam ng presyo ng produkto
  • pag-alam sa kumbinasyon ng kinalabasan at teknolohiya
  • pagtataguyod na pangpagbebenta.

Halos lahat ng kapasyahang pangnegosyo ay maaaring suriin sa pamamagitan ng mga tekniko ng ekonomiks na pampamamahala, ngunit karamihan na pangkaraniwan itong inilalapat sa:

  • Pagsusuri ng panganib o risk analysis - sari-saring mga huwaran ang ginamit upang masukat ang dami ng panganib at asimetriko o hindi pantay na impormasyon at upang magamit ang mga ito sa mga panuntunan ng pagpapasya upang mapamahalaan ang panganib.[6]

Sa mga pamantasan, ang paksang ito ay pangunahing itinuturo sa masusulong na mga hindi pa nagtatapos ng pag-aaral (undergraduate) at mga nagtapos na ng pag-aaral (graduate) mula sa mga paaralan na pangnegosyo. Hinaharap ito bilang isang paksa ng pagsasama o integrasyon. Iyon ay pinagsasama-sama nito ang maraming mga diwa ng isang malawak na kasamu't sarian ng mga kursong prerekisito (mga kurso na kailangang makuha muna). Sa maraming mga bansa, maaaring makabasa ng isang degri sa Ekonomiks na Pangnegosyo o Business Economics na kadalasang sumasaklaw sa ekonomiks na pampamamahala, ekonomiks na pampananalapi, teoriya ng laro, pagtataya na pangnegosyo (business forecasting) at ekonomiks na pang-industriya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. W. B. Allen, K.Weigelt, N. Doherty, at E. Mansfield , 2009. Managerial Economics Theory, Applications, and Cases, ika-7 edisyon. Norton. Contents.
  2. William J. Baumol (1961). "What Can Economic Theory Contribute to Managerial Economics?," American Economic Review, 51(2), pp. 142-46. Abstract[patay na link].
       • Ivan Png at Dale Lehman (2007, ika-3 edisyon). Managerial Economics. Wiley. Paglalarawan Naka-arkibo 2011-07-26 sa Wayback Machine. at mga kawing sa paunang pagpapakita ng kabanata.
       • M. L. Trivedi (2002). Managerial Economics: Theory & Applications, ika-2 edisyon, Tata McGraw-Hill. Mga kawing sa paunang pagpapatingin ng kabanata.
  3. NA (2009). "managerial economics," Encyclopedia Britannica. Nakaimbak na lahok lamang na nasa Internet.
  4. Carl Shapiro (1989). "The Theory of Business Strategy," RAND Journal of Economics, 20(1), pp. 125-137.
       • Thomas J. Webster (2003). Managerial Economics: Theory and Practice, ch. 13 & 14, Academic Press. Paglalarawan. Naka-arkibo 2012-10-18 sa Wayback Machine.
  5. Para sa isang diyaryo hinggil sa huling paksa, tingnan ang Computational Economics, kabilang na ang kawing sa Aims & Scope (Mga Layunin at mga Sakop).
  6. • James O. Berger (2008)."statistical decision theory," The New Palgrave Dictionary of Economics, 2nd Edition. Abstract.
       • Keisuke Hirano (2008). "decision theory in econometrics," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon. Abstrakto.
       • Vassilis A. Hajivassiliou (2008). "computational methods in econometrics," The New Palgrave Dictionary of Economics, ika-2 edisyon. Abstrakto.
  7. • Trefor Jones (2004). Business Economics and Managerial Decision Making, Wiley. Paglalarawan at mga kawing sa paunang pagpapakita ng kabanata.
       • Nick Wilkinson (2005). Managerial Economics: A Problem-Solving Approach, Cambridge University Press. Paglalarawan at paunang pagpapatanaw.
       • Maria Moschandreas (2000). Business Economics, ika-2 edisyon, Thompson Learning. Paglalarawan at mga kawing na paunang nagpapakita ng kabanta.