Pumunta sa nilalaman

Manuel Arguilla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Manuel Arguilla
Kapanganakan17 Hunyo 1911[1]
  • (La Union, Ilocos, Pilipinas)
Kamatayan25 Agosto 1944[1]
LibinganSementeryo Norte ng Maynila
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas[1]
Trabahomanunulat,[1] propesor ng unibersidad[1]

Si Manuel Estabillo Arguilla (Hunyo 17, 1911 – Agosto 30, 1944) ay isang Ilokanong manunulat sa Ingles, bayani at martir.

Siya ay nakilala sa kanyang maikling kuwento na "How My Brother Leon Brought Home a Wife", ang pangunahing kuwento sa koleksiyon na How My Brother Leon Brought Home a Wife and Other Short Stories na nanalo ng unang gantimpala sa Commonwealth Literary Contest noong 1940.

Inilimbang ang kanyang mga kuwento na "Midsummer" at "Heat" sa Estados Unidos ng Prairie Schooner.

Karamihan sa mga kuwento ni Arguilla ay nagpapakita ng tagpo sa Barrio Nagrebcan, Bauang, La Union kung saan siya ipinanganak. Ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayang kapanganakan, pinagtibay ng kanyang pakikisalamuha sa mga magsasaka ng Ilocos, ay nanatiling matibay kahit na lumipat siya sa Maynila. Natapos niya ang kursong BS Education noong 1933 sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya ay naging kasapi at pagkaraan ay naging pangulo ng U.P. Writer's Club at editor ng Literary Apprentice ng unibersidad.

Ikinasal siya kay Lydia Villanueva, isa ring matalinong nanunulat sa Ingles, at naniraha sa Ermita, Maynila.

Siya ay naging guro ng malikhaing pagsusulat (creative writing) sa University of Manila, at pakaraan ay nagtrabaho sa Bureau of Public Welfare bilang managing editor ng Welfare Advocate, ang lathalain ng tanggapan, hanggang 1943. Pagkaraan ay hinirang siya sa Board of Censors. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lihim siyang nagtatag ng guerrilla intelligence unit laban sa mga Hapon.

Noong Oktubre 1944, siya ay nahuli, pinahirapan at binitay ng hukbong Hapon sa Fort Santiago.

Maiikling kuwento:

  • How My Brother Leon Brought Home a Wife
  • Midsummer
  • Heat
  • Morning in Nagrebcan
  • Ato
  • A Son Is Born
  • The Strongest Man
  • Mr. Alisangco
  • Though Young He Is Married
  • The Maid, the Man, and the Wife
  • Elias
  • Imperfect Farewell
  • Felisa
  • The Long Vacation
  • Caps and Lower Case
  • The Socialists
  • Epilogue to Revolt
  • Apes and Men
  • Rice
  • Dictionary of Philippine Biography, Volume 3, Filipiniana Publications, Quezon City, 1986
  • Filipino Writers in English by Florentino B. Valeros and Estrellita V. Gruenberg, New Day Publishers, Quezon City, 1987
  • "Maysa a Ruknoy ken ni Manuel E. Arguilla," RIMAT Magazine, Quezon City, Oktubre 2004
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 Manuel E. Arguilla, Wikidata Q58082895