Pumunta sa nilalaman

Maoismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Tsinong pampropagandang poster noong 1968 na inilalarawan si Mao Zedong, isang komunistang pinuno na siyang tukayo at pangunahing tagapagtaguyod ng Maoismo. Ang teksto sa ibaba ay nagsasalin: "Si Tagapangulong Mao ay ang Pulang Araw sa Ating mga Puso".

Ang Maoismo, opisyal na tinatawag na Kaisipang Mao Zedong ng Partido Komunista ng Tsina, ay isang baryante ng Marxismo-Leninismo na binuo ni Mao Zedong binuo para sa pagsasakatuparan ng isang sosyalistang himagsikan sa agrikultural at pre-industriyal na lipunan ng Republika ng Tsina at sa kalaunan sa Republikang Bayan ng Tsina. Ang pilosopikal na pagkakaiba ng Maoismo at ang tradisyonal na Marxismo–Leninismo ay ang mga mambubukid ang mapanghimagsikang taliba sa mga lipunan bago ang industriyal kaysa sa proletaryado. Ang pagbabago at pag-aangkop na ito ng Marxismo–Leninismo sa mga kundisyong Tsino kung saan pangunahin ang rebolusyonaryong praktika at pangalawa ang ideolohikal na ortodokso ay kumakatawan sa Marxista–Leninistang lunsod na inangkop sa pre-industriyal na Tsina. Ang pag-aangkin na inangkop ni Mao Zedong ang Marxismo–Leninismo sa mga kundisyon ng Tsino ay umunlad sa ideya na binago niya ito sa isang pangunahing paraan na naaangkop sa mundo sa kabuuan.[1][2][3][4][5][6]

Aspeto

Bagong Demokrasya

Ang bagong demokrasya o bagong demokratikong himagsikan ay konseptong batay sa teorya ng Bloke ng Apat na Panlipunang Uri ni pagka-manghihimagsik na Tsina, kung saan nangatuwiran si Mao na ang demokrasya sa Tsina ay tatahak ng landas na maiiba sa anumang bansa. Isinaad niya na bawat bansang kolonyal o malakolonyal ay magkakaroon ng sarili nitong natatanging landas tungo sa demokrasya dahil sa sariling mga kalagayang materyal at panlipunan na partikular sa bawat bansa. Naglalayon ang bagong demokrasya na ibagsak ang pyudalismo at maging malaya mula sa kolonyalismo. Gayunpaman, sinasalungat nito ang panuntunang hinulaan ni Karl Marx na karaniwang susundin ng uring kapitalistang ang gayong pakikibaka, sa halip ay naghahangad na direktang pumasok sa sosyalismo sa pamamagitan ng isang koalisyon ng mga uri na lumalaban sa lumang naghaharing kaayusan. Maipapasailalim ang koalisyong ito sa pamumuno ng uring manggagawa at partido komunista nito, na makikipagtulungan sa mga komunista anuman ang kanilang mga ideolohiyang katunggali upang makamit ang mas agarang layunin ng isang "bagong demokratikong kaayusan". Ang pananaw na ito ay ibinahagi ni Vladimir Lenin na nakipaghiwalay sa mga Menchevique sa ideya na ang uring manggagawa ay maaaring mag-organisa at mamuno sa demokratikong himagsikan sa isang atrasadong bansa tulad ng Rusya kung saan ang mga kondisyong obhektibo para sa sosyalismo ay hindi pa umiral.[7] Inihayag ni Mao na ang konseptong ito'y sa kaibhan ng Sobyetikong diktadura ng proletaryado na inakala niyang magiging dominanteng istrukturang pampolitika ng isang mundong pagka-kapitalista. Ukol sa istrukturang pampolitika ng Bagong Demokrasya, isinaad ni Mao sa Seksyon V ng kanyang gawang "Sa Bagong Demokrasya", na isinulat noong Enero 1940, ang sumusunod[8]:

Ang Tsina ay maaari na ngayong magpatibay ng isang sistema ng mga kongresong bayan, mula sa kongresong bayang pambansa hanggang sa mga kongresong bayang panlalawigan, pankondado, pandistrito at pambayan, na ang lahat ng antas ay maghahalal ng kani-kanilang mga katawang pampamahalaan. Ngunit kung magkakaroon ng pagkakatawang nararapat para sa bawat uring manghihimagsik ayon sa katayuan nito sa estado, isang nararapat na pagpapahayag ng kaloobang bayan, isang direksyong nararapat para sa mga pakikibakang manghihimagsik at isang pagpapakitang nararapat ng diwa ng Bagong Demokrasya, kung gayon isang sistema ng talagang unibersal at suprahiyo, anuman ang kasarian, kredo, ari-arian o edukasyon, ay dapat ipakilala. Ganyan ang sistema ng demokratikong sentralismo. Ang pamahalaang nakabatay sa demokratikong sentralismo lamang ang ganap na makakapagpahayag ng kalooban ng lahat ng bayang manghihimagsik at pinakamabisang labanan ang mga kaaway ng himagsikan. Dapat mayroong diwa ng pagtanggi na maging "pagmamay-aring pribado ng iilan" sa pamahalaan at hukbo; kung walang tunay na sistemang demokratiko hindi ito makakamit at ang sistema ng pamahalaan at ang sistema pang-estado ay mawawalan ng pagkakatugma. – Mao Zedong, Sa Bagong Demokrasya, Piling mga Akda ni Mao Zedong, Enero 1940

Ang bloke ng mga uri na sumasalamin sa mga prinsipyo ng bagong demokrasya ay isinasagisag ng mga bituin sa bandila ng Tsina. Ang pinakamalaking bituin ay kumakatawan sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina at ang apat na bituing mas maliit na nakapalibot ay kumakatawan sa Bloke ng Apat na Uri: magbubukid, manggagawa, petiburgesya, at burgesyang pambansa. Ito ang mga uring magiging bahagi sa koalisyon para sa bagong demokratikong himagsikan. Ipinaliwanag ni Mao na ang Blokeng ito bilang isang kapus-palad ngunit kinakailangang bunga ng imperyalismo tulad ng inilarawan ni Lenin. Inasahan ng mga komunistang Tsino na ang uring manggagawa ay makakabuo ng sosyalismo at komunismo sa kabila ng mga naglalabanang makauring interes ng mga uring panlipunan sa bloke.

Binansagan ni Mao ang kinatawang demokrasya sa Kanluran bilang Lumang Demokrasya, kung saan pinupuna niya ang sistemang parlamentaryo bilang isang instrumento upang itaguyod ang diktadura ng uring burges sa pamamagitan ng pahintulot sa pagmamanupaktura. Kapag naitatag ang Bagong Demokrasya, sa paraang binalangkas ng teorya ni Mao, ang bansa ay kasunod na idedeklara bilang ideolohikong sosyalista at magtatrabaho patungo sa komunismo sa ilalim ng pamumuno ng nangungunang partidong komunista nito, at ang mga mamamayan ay aktibong kasangkot sa pagtatayo ng sosyalismo. Ang mga halimbawa nito ay ang Malaking Luksong Pasulong at Dakilang Proletaryong Himagsikang Pangkalinangan na nakita Mao bilang demokrasyang partisipatibo na konseptong likas ng bagong demokrasya.[9]

Sanggunian

  1. Lenman, B. P.; Anderson, T., eds. (2000). Chambers Dictionary of World History. p. 769.
  2. "The five main contributions of Maoism to communist thought". Nuovo PCI. Nuovo Partito Comunista Italiano. 18 Oktubre 2007. Nakuha noong 6 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Brown, Nikolai (5 Agosto 2011). "What is Maoism?". Anti-imperialism. Revolutionary Anti-Imperialist Movement. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hunyo 2014. Nakuha noong 6 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Marxism-Leninism-Maoism Basic Course". Massalijn. Communist Party of India (Maoist). 11 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2019. Nakuha noong 6 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Moufawad-Paul, J. (2016). Continuity and Rupture: Philosophy in the Maoist Terrain. New York City: Zero Books. ISBN 978-1785354762.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lovell, Julia (2019). Maoism: A Global History. Knopf Doubleday Publishing Group. ISBN 978-0-525-65605-0. OCLC 1135187744.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1905/apr/12b.htm Naka-arkibo 2018-07-15 sa Wayback Machine.
  8. "ON NEW DEMOCRACY". www.marxists.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-09. Nakuha noong 2018-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Zedong, Mao (1940). On New Democracy. Peking: Foreign Language Press. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-10-18. Nakuha noong 2010-09-18.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)