Marangal na Dalit ng Katagalugan
National awit ng Haring Bayang Katagalugan (1896-1897) Pilipinas | |
Liriko | Julio Nakpil, 1896 |
---|---|
Musika | Julio Nakpil, 1896 |
Ginamit | 1896 |
Itinigil | 1897 |
Ang Marangál na Dalit ng̃ Katagalugan ay ang makasaysayang awitin ng Haring Bayang Katagalugan na maituturing kauna-unahang pambansang awit ng Pilipinas. Ito ay sa huli pinamagatang Salve Patria ("Mabuhay, Amang Bayan"). Ito ay isinulat ni Julio Nakpil noong Nobyembre 1896 sa kapanahunan ng Himagsikang Pilipino.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang awit ay isinulat ni Nakpil sa hiling ni Andres Bonifacio upang ipagdiwang ang pagkatatag ng Katipunan. Ito ay unang ipinatugtog malapit sa Balara noong Nobyembre 1896. Kahit na ito ay sinadya bilang dalit ng Katipunan, ito ay sa huli naging awitin ng Haring Bayang Katagalugan. Noong 1903, binago ni Nakpil ang awit bilang alay kay Jose Rizal gamit ang panibagong pamagat na “Salve, Patria”, ngunit ang mga tanging natitirang sipi ng tugtugin ay nasunog noong 1945, dahilan ng Labanan sa Maynila (1945). Ang kasalukuyang panitik ay muling binuo ni Nakpil mula sa kanyang isipan noong siya ay nasa mga ika-walumpu.[1]
Panitik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tagalog | Saling Ingles | Saling Kastila |
---|---|---|
|
|
|
Pag-iwan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nang maging Pangulo ng Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 1897, ipinalit ang Lupang Hinirang bilang pambansang awit, na binuo noong 1898 ni Julián Felipe. Kasalukuyan pa rin itong pambansang awit ng Pilipinas simula pa noong 1998.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The National Anthem's predecessor and influences". malacanang.gov.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-03. Nakuha noong 2018-03-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)