Pumunta sa nilalaman

Mariz Umali

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mariz Umali
Kapanganakan
Marie Grace Michelle Umali

1980
NasyonalidadPilipino
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas
TrabahoMamamahayag, punong-abala sa telebisyon
Aktibong taon2001–kasalukuyan
AmoGMA Network
TelebisyonBalitanghali, I-Witness, Born to Be Wild
AsawaRaffy Tima (k. 2012)

Si Marie Grace Michelle Umali-Tima, o mas kilala bilang Mariz Umali (ipinanganak noong 1980), ay isang Pilipinang mamahayag sa telebisyon. Kilala siya bilang tagapagbalita ng Balitanghali ng GMA News TV tuwing Sabado at Linggo.[1] Nagtapos siya Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa kursong Pangmadlang Komunikasyon ngunit nagsimula siya bilang mag-aaral sa kursong Parmasiya.[2][3] Nagsimula siya sa GMA Network bilang isang mananaliksik/prodyuser ng balita para sa pag-ulat ng halalan noong 2001.[2] Bukod sa Balintanghali, napabilang din siya sa mga programang dokumentaryo na I-Witness,[4] Out of Control[5] at Born to Be Wild.

Karera sa pamamahayag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nais maging doktor ni Mariz Umali kung kaya't kinuha niya ang mga kursong may kaugnay sa medisina, ang kursong Parmasiya, ngunit lumipat si Umali sa kursong Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) kung saan nagtapos siya bilang cum laude.[2][6] Noong 2000, tumakbo siya bilang Tagapangulo ng Konseho ng Mag-aaral ng UPD ngunit natalo siya kay Raymond Palatino[7] na ang hinaharap na Kinatawan ng Kabataan Partylist sa Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas. Naging kasapi si Umali sa UP-CMC Broadcast Association na organisasyon ng Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon ng UPD.[8]

Noong halos 21 gulang pa lamang si Umali, nagsimula siya bilang prodyuser/mananaliksik ng GMA Network para sa pag-uulat sa halalan ng Pilipinas noong 2001 at sa kalaunan naging tagapag-ulat siya. Isa sa mga tinuturing niyang malaking oportunidad sa kanyang karera ay ang eksklusibong panayam sa mga pinaghihinalaang pumatay kay Nida Blanca noong 2001.[2] Nagkaroon din siya ng ilang mapanganib na pag-uulat tulad ng pag-uulat sa Himagsikan sa Manila Peninsula at sa Bagyong Pepeng.

Bukod sa pag-uulat, si Umali ay naging tagapagbalita at punong-abala ng ilang mga programa sa GMA Network at GMA News TV tulad ng Balitanghali, News TV Live, Born to Be Wild[9] at Out of Control. Nagbigay din siya ng balita sa dating bawat-oras na balitang programa ng GMA Network na GMA Flash Report. Sa programang Hired ng dating QTV-11 na GMA News TV na ngayon, ginawaran siya ng Tatak Anak TV.[2][10] Sa programang Kape at Balita, nanomina si Umali at ang kanyang mga kasamang sina Susan Enriquez, Joel Reyes Zobel, Michael Fajatin at Valerie Tan bilang mga Magagaling na Punong-abala ng isang Pang-umagang Programa ng Star Awards para sa Telebisyon noong 2013.[11] Sa mga ilang mga pagkakataon, naiimbita si Umali bilang punong-abala o tagapasalita sa mga iba't ibang mga kaganapan.[12][13]

Noong 2016, sa panayam niya sa papasok na Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, sinutsutan siya nito.[14] Dahil dito, nagkumento ang kanyang asawang si Raffy Tima na hindi wasto at kawalan ng respeto sa babae ang ginawa ni Duterte sa kanyang asawa.[15] Hindi na umaasa si Umali ng isang apolohiya mula kay Duterte.[16] Bagaman, sinabi ng tagapagsalita ni Duterte na si Salvador Panelo na hindi naman hinangad ni Duterte na saktan ang damdamin ni Umali.[17] Dagdag pa ni Panelo na tingnan lamang ang pagsutsot bilang biro o papuri (compliment).[18]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumaki si Umali sa katuruang Katoliko at ipinagmamalaki niya ito.[12] Si Umali ay kinasal kay Raffy Tima, na isa ring mamahayag ng GMA Network, noong 2012.[19] Nakasama niya si Tima sa GMA Network noong pang 2001 sa programang Reporter's Notebook. Noong 2012 din, napabilang si Umali sa isa sa mga magaganda o hottest na mamamahayag ayon sa Spot.ph, isang websayt pang-libangan.[20]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Back-to-back news and public service". The Philippine Star (sa wikang Ingles). 22 Mayo 2011. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Camposano, Jerni May (13 Marso 2011). "Mariz Umali: Broadcast Muse". The Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "UP College of Mass Comm holds homecoming Sept 20". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 8 Setyembre 2014. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Mariz Umali's documentary 'Nanay' airs this Saturday on 'I-Witness'". GMA News (sa wikang Ingles). 10 Enero 2015. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Eye-opening docu-reality show". The Manila Standard (sa wikang Ingles). 20 Nobyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2016. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Encarnacion, Andre (3 Hulyo 2015). "Broadcast media bigwigs brunch with UP officials". Unibersidad ng Pilipinas (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-11. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Eder, Ederic (Abril 10, 2000). "Militants capture UP Student Council". Titik ni Ederic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2016. Nakuha noong Hunyo 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "UP BROADCASTING ASSOCIATION". Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 1, 2016. Nakuha noong Hunyo 3, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Doc Nielsen Donato and Mariz Umali face 'Alien Fish' on 'Born to be Wild'". GMA News (sa wikang Ingles). 2 Enero 2012. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "GMA-7, QTV11 bag top honors at Anak TV Seal Award". GMA News (sa wikang Ingles). 2008-12-03. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "ABS-CBN nabs 139 nominations in Star Awards for TV". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 2013. Nakuha noong 1 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 "Broadcaster gives 'proud Catholic' testimonial". Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (sa wikang Ingles). 10 Hunyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-30. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "#CEUTHROWBACKTHURSDAY: DORIS BIGORNIA AND MARIZ UMALI AT CEU". Centro Escolar University (sa wikang Ingles). Pebrero 4, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-08-06. Nakuha noong Hunyo 3, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Husband of 'wolf whistle' reporter cries foul". The Philippine Star (sa wikang Ingles). 3 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "GMA reporter scores Duterte for catcalling wife Mariz Umali". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Almo, Nerisa (2 Hunyo 2016). "Mariz Umali not expecting an apology from president-elect Rodrigo Duterte". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Montano, Efren (2 Hunyo 2016). "Furor over wolfwhistle". Journal Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-06. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Duterte's wolf-whistling a compliment - Panelo". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2016. Nakuha noong 3 Hunyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ching, Mark Angelo (12 Oktubre 2012). "GMA News reporter Mariz Umali says upcoming wedding with Raffy Tima will be a 'celebration'". Philippine Entertainment Portal (sa wikang Ingles at Tagalog). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Hulyo 2016. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "'TV Patrol' reporter named hottest newswoman". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 11 Setyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Agosto 2016. Nakuha noong 30 Mayo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)