Martin Weinek

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Martin Weinek
Capparoni Zich Weinek.jpg
Si Martin Weinek sa kanan, kasama sina Denise Zich at Kaspar Capparoni
KapanganakanMartin Weinek
(1964-06-05) Hunyo 5, 1964 (edad 55)
Leoben, Austria
Hanapbuhayaktor, aktor na may tiyakan at palagiang katauhan
AsawaEva Weinek

Si Martin Weinek ['martin 'vainɛkʰ] (isinilang sa Leoben sa Steiermark noong 1964) ay isang artistang Austriyano. Isa rin siyang artistang madalas gumaganap sa iisang partikular na katangian ng tauhan, tagagawa ng alak sa Austria, negosyante, at tagapagpasaya ng madla o mga manonood. Higit na kilala siya sa pagganap bilang Inspector Fritz Kunz sa seryeng pantelebisyong Inspector Rex.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nag-aral ng drama si Weinek mula 1963 hanggang 1986 sa ilalim ng propesor na si Professor Peter P. Jost. Mula 1986, naging bahagi siya ng Group 80 (Pangkat 80) sa mga tanghalan ng Vienna at nagkaroon ng maliit na papel sa pelikulang Nachsaison (Pagkaraan ng Panahon), kung saan gumanap siya bilang isang tagapagpaandar ng elebeytor.

Noong 1987, gumanap siya sa pestibal ng Recklinghausen sa ilalim ng direksiyon ni Georg Mittendrein para sa pelikulang The Lechner Edi looks into Paradise (Tumingin si Lechner Edi sa Paraiso) at bilang isang tagapagwalis sa pelikulang Müllomania sa ilalim ng direksiyon ni Dieter Berner. Nagkaroon siya ng pagganap sa tanghalang Jura Soyfer sa Vienna mula 1988-1989, at maging sa iba pang entablado. Naging direktor din siya ng drama at produksiyon na nasundan ng pamamahalaang pangsining sa tanghalan ng Lungsod ng Hernalser mula 1990 hanggang 1991.

Sa pagitan ng mga ito, naging aktibo rin si Weinek sa pelikula at telbisyon, katulad ng animang seryeng Calafati Joe noong 1989.

Bukod sa pagiging aktor, gumagawa rin siya ng alak sa Vienna, katulong ang asawang si Eva. Naghanapbuhay bilang isang dramatista ang asawa niyang si Eva makaraang mag-aral ng drama. Nagsimula sila sa paglikha ng alak bilang libangan lamang noong 1993, na may tanimang ubasan na sumusukat sa tatlong hektarya malapit sa Heiligenbrunn.

Talapelikulahan (pilmograpiya)[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]



TalambuhayTelebisyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.