Mas maliit na kalamnang pandibdib
Itsura
Pectoralis minor | |
---|---|
Latin | musculus pectoralis minor |
Ayon kay Gray | subject #122 438 |
Pinagmulan | ikatlo hanggang ikalimang mga tadyang, malapit sa kanilang mga kartilagong kostal (butong-murang pangtadyang) |
Pagkakasingit | midyal na hangganan at superyor o pang-itaas na pang-ibabaw ng prosesong korakoid ng paypay (iskapula) |
Arterya | sangang pektoral ng katawang torakoakromial |
Nerbiyo | midyal na nerb na pektoral (C8, T1) |
Mga galaw | nagpapatatag ng paypay sa pamamagitan ng paghila sa paypay sa ibaba at sa ibabaw laban sa pader na torasiko |
Ang mas maliit na kalamnang pandibdib (Ingles: pectoralis minor, Latin: musculus pectoralis minor, na kilala rin bilang hindi pangunahing kalamnan ng dibdib, o munting kalamnang pangdibdib, ay isang payat at hugis tatsulok na masel, na nakalagak sa pang-itaas na bahagi ng dibdib, sa ilalim ng mas malaking kalamnan na pandibdib. Nagsisimula ito doon sa ikatlo, ikaapat, at ikalimang mga tadyang. Kumakabit ito sa malapit sa hugpungan ng balikat. Pangunahing tungkulin nito na tulungan ang paghila sa mga balikat papunta sa harapan.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Campbell, Adam. The Men'sHealth Big Book of Exercises, Meet Your Muscles, Chest, Pectoralis Minor, Kabanata 4, Rodale, New York, 2009, pahina 33.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.