Pumunta sa nilalaman

Las Piñas National High School

Mga koordinado: 14°28′52″N 120°58′53″E / 14.4811091°N 120.9814959°E / 14.4811091; 120.9814959
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mataas na Paaralan ng Las Pinas)

14°28′52″N 120°58′53″E / 14.4811091°N 120.9814959°E / 14.4811091; 120.9814959

Las Piñas National High School
Mataas na Paaralang Pambansa ng Las Piñas

Itinatag1966 (1966)[1]
Punong-guroBb. Phondora Capistrano
HeadmasterGng. Pacita Masapol (Araling Panlipunan); Mrs. Elizabeth Aseron (Matematika); Gng. Laprizal Castueras (Agham); Gng. Norma Palafox (Filipino); Bb. Guadalupe Mamuri (Music, Arts, Physical Education, Health (MAPEH))
Mga GuroAgham, MAPEH, Filipino, Araling Panlipunan, Technology and Livelyhood Education (TLE), Matematika, Ingles, Values Education
Teaching staff100
Estudyantemahigit-kumulang 6000
Grades7-12(JHS-SHS)
LokasyonSultana Road, Tabon 1, Daniel Fajardo,
Lungsod ng Las Piñas, Pambansang Punong Rehiyon, Pilipinas
TaguriMunicipal
PahayaganAngkawan (Tagalog), Saltgrains (Ingles)


Ang Mataas na Paaralang Pambansa ng Las Piñas (Ingles:Las Piñas National High School) ay isang mataas na paaralan sa Lungsod ng Las Piñas, Pilipinas. Ito ang kauna-unahang paaralang munisipal ng Pilipinas na nagsimula noong 1966[1] Upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral ng Las Piñas na makapag-aral nang libre at walang binabayaran, napagdesisyunan ng konseho ng Las Piñas sa pangunguna ng punong-lungsod na si Dr. Filemon Aguilar na magpatayo ng isang paaralang sekundarya.

Kasalukuyang Punong Guro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Phondora Capistrano (nagsimula noong 2009)

Mga Kagawaran

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ingles

Ang Kagawaran ng Ingles ay binubuo ng apat na ugnay na sumasakop sa Apat na taon sa paaralan. Sinasaklawan din nito ang iba't ibang mga sekta sa paaralan tulad ng Speech Laboratory na kung saan ay sinasanay ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng maigi. Hawak din nito ang Saltgrains na Ingles na pahayagan ng paaralan na kung saan ay nakatala ang mga pangyayari sa loob ng isang taon sa Wikang Ingles. Ipinagdiriwang ang buwan ng Ingles tuwing Nobyembre.

  • Matematika
  • Araling Panlipunan
  • Values
  • Agham

Ang Kagawaran ng Agham ay binubuo ng apat na ugnay na sumasakop sa apat na taon sa paaralan. Sa kasalukuyan, pinamumunuan ito ni Gng. Laprizal Castueras. Sinasaklawan din nito ang iba't ibang mga sekta sa paaralan tulad ng NBB. Hawak din nito ang "YES-O" o "Youth for Environment in Schools Organization"

  • TLE
  • MAPEH
  • Filipino

Binubuo ng anim (6) na mga gusali ang buong paaralan. Sa taong 2011, matatapos ang ginagawang bagong gusali. Ang mga gusali ay:

  • RB (Rodrigues Building)- ito ang pinakaunang gusali sa paaralan pagkatapos ito magawa noong 1969. Ito ay binubuo ng dalawang palapag, 22 silid-aralan na binubuo ng 11 kada isang palapag. Dito rin makikita ang Departamento ng Filipino, Klinika, Angkawan, Saltgrains, at kantina.
  • CAV (Cyntia A. Villar)- ito ang pinakabagong gusali sa paaralan na kung saan ay may talong palapag, bawat palapag ay may tatlong silid-aralan. Sa gusaling ito makikita ang Departamento ng TLE, Stockroom, at ang iba pang silid-aralan.
  • VB (Villar Building)- ito gusali ay ipinangalan sa dating House Speaker Manny Villar na ipinatayo niya noong representate pa siya. Ito ay binubuo ng tatlong palapag na may 24 na silid aralan, 8 sa bawat palapag. Makikita dito ang Silid ng Punong-Guro, Speech Laboratory, at ang Departamento ng Matematika.
  • SEDP (Secondary Education Development Project)- ito ang pumangalawa sa RV Building sa pinakaluma. Ito ay binubuo ng 7 silid-araln, 4 sa unang palapag habang 3 sa pangalawa. Dito makikita ang Departamento ng Agham, Laboratory ng Agham, Departamento ng Values, at stockroom ng Agham.
  • MB (Marcos Building)- ito ay ginibang gusali ngayong taon dahil na rin sa kalumaan nito. Dati ay binubuo lamang ito ng 10 silid aralan ngunit dahil sa pagpapatayo ng Stage at pangyayaring lindol noong 1991, kalahati ng estruktura ay nagiba. Ngayon ay nasa pagpapaayos ito ay ito ang bagong gusali sa paaralan.
  • NB (New Building)- ito ang pinakabagong istrukturang makikita sa paaralan. Kasalukuyang mayroon itong dalawang gusali.
NBA (New Building A)- ito ay binubuo ng tatlong palapag na may dalawang silid aralan sa bawat palapag, na sa kabuuan ay mayroong anim na kwarto.
NBB (New Building B)- ito ay binubuo ng tatlong palapag na may tatlong silid aralan sa bawat palapag, na sa kabuuan ay mayroong siyam na kwarto. Sa kasalukuyan, hindi pa natatapos ang paggawa sa ikatlong palapag kaya ang una at ikalawang palapag lamang ang nagagamit.
  1. 1.0 1.1 "Kasaysayan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Las Piñas". Pangunahing Websayt ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Las Piñas. LPNHS. 2013. Nakuha noong Marso 27, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.