Maxim Magazine
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Editor-in-chief | Joe Levy (US) (April, 2008–present) |
---|---|
Kategorya | Men's |
Dalas | Monthly |
Tagalathala | Dennis Publishing (UK) Alpha Media Group (US) |
Unang sipi | 1995 (UK) 1998 (US) |
Huling sipi | 2009 (UK) Currently Published (US) |
Bansa | United Kingdom, United States, others |
Wika | English, many others |
Websayt | maxim.com |
Ang Maxim ay isang internasyonal na magazine na pang lalaki na nakabase sa United Kingdom at kilala sa mga pictorials na pinagbibidahan ng mga sikat na artista, mang-aawit, at modelo, na kung minsan ay kakaunti lamang ang bihis ngunit hindi naman ganap na hubo't hubad.
Sa Estados Unidos, ang Maxim ay nangunguna sa industriya. Mayroon silang humigit-kumulang 2.5 milyong mambabasa at sinasabi nilang sapat ang bilang na ito upang masabi na sila ang nangunguna sa lahat ng kanilang mga kakompetensiya kahit pagsamahin pa ang GQ, Esquire, at Details.
Paglawak ng tatak Maxim
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dahil sa tagumpay nito sa kanyang pangunahing merkado, ang Maxim ay pinalawak sa marami pang mga bansa, kabilang ang Argentina, Canada, Indiya, Indonesia, Israel, Belgium, Romania, Czech Republic, France (ibinenta bilang "Maximal"), Germany, Bulgaria, Brazil, Chile, Greece, Italy, Korea, Mexico, Netherlands, Poland, Russia (kung saan dito ito ngayon pinakasikat), Serbia, Pilipinas, Singapore, Espanya, Thailand, Ukraine, at Portugal (ibinibenta bilang Maxmen). Isang wireless na bersyon ng magasin ay inilunsad noong 2005 sa lahat ng cellular carriers sa dalawampung bansa sa Europa at Asya.[2] [kailangan ng sanggunian]
Noong 1999, nilikha MaximOnline.com. Ito ay naglalaman ng ilang bahaging hindi kasama sa mga bersyong inilalathala at nakatutok sa parehong pangkalahatang paksa, kasama ang mga eksklusibong seksiyon gaya ng "Girls ng Maxim" galleries at ang "Joke of the Day". Ang "Maxim Video" ay naglalaman ng mga video clip ng interbyu, music videos, photo shoots, at orihinal na nilalaman. Ang tagumpay ng website na ito ang naging inspirasyon ni Dennis Digital upang lumikha ng iba pang site para sa nialng pahayagan, tulad ng Blender.[kailangan ng sanggunian]. [3]
Noong Enero 2002, ang Dennis Publishing ay nagtatag ng isang online video division, Dennis Media Group. Noong 2005, ang dibisyong ito ay binuwag at binuong muli upang mag-focus sa paglikha ng mga video at multimedia content para sa mga editoryal na sangay ng Digital Dennis. [kailangan ng sanggunian][4]
Noong 5 Pebrero 2005, ang Maxim Radio, tampok ang male-oriented talk programming, ay inilunsad sa Sirius Satellite Radio. Alinsunod sa Sirius-XM merger bandang katapusan ng 2008, ang Maxim na tatak ay pinalitan, at ang channel ay kilala na bilang Sirius XM Stars Too.
Noong 5 Hunyo 2006, sila ay naghayag nga planong bumuo ng isang casino sa Las Vegas Strip hilaga ng Circus Circus, ngunit hindi ito nagtagumpay dahil sa reklamo ng mga may-ari ng condominiums. Naniniwala silang dahil sa casinong ito, papangit ang tanawin sa kanilang lugar. Ang lupa ay ibinenta sa MGM Mirage.[1] [6]
Noong 15 Hunyo 2007, ang Quadrangle Group, isang pribadong kompanya, kasama ang long-time media executive Kent Brownridge, ay naghayag ng pagbili sa parent company ng Maxim, Blender, Stuff, at MaximOnline.com. Sa araw ng 23 Abril 2009, ipinahayag ng Dennis Publishing na ito ay hindi na magpatuloy sa paglalathala ng Maxim sa UK, bagaman ang website para sa UK bersyon ay mananatili.
Ang Maxim sa Estados Unidos ngayon ay inilalathala na ng Alpha Media Group. [kailangan ng sanggunian] [7]
Noong Hulyo 2009, nakipagtulungan ang Maxim sa UFC para sa kauna-unahang Maxim UFC Octagon Girl Search sa UFC Fan Expo.[2][9]
Mayo 40 mga babae ang lumahok sa paligsahan. Si Natasha Wicks ang nagwagi.[3][11]
Isinuko ng Quadrangle Group ang kanilang investment sa Alpha Media Group noong Agosto 2009. Dahil dito, ang Cerberus Capital Management na ang majority partner. [kailangan ng sanggunian]
High profile na mga kaganapan at kontrobersiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinuligsa ang Maxim dahil ito, diumano, ay mapanghikayat na uminom ng labis na alak at maengganyo para sa mga gawaing sekswal.[4]
Noong 2004, ang Maxim ay ipinrotesta ng gender issues department ng Thunder Bay, Ontario's Lakehead University habang may "Maxim Coors Light Girl Search" sa pamantasan.[5] Noong 2002, ang sikat ng football club ng Alemanya FC St. Pauli ay tinanggal ang Maxim magazine advertisements mula sa stadium ng koponan bilang pagtugon sa mga protesta ng mga tagahanga sa depictions ng mga kababaihan sa mga ads.[6][17]
Noong Hunyo 2007, inimbitahan ni David Saranga, isang Israeli diplomat, ang Maxim sa bansa. Nagsagawa ang magazine ng mga photo shoots ng mga halos-hubad nang mga kababaihan ng Israel. Ito ay kalaunang nakilala bilang "beers and babes". Lubos itong ikinagalit ng tagagawa ng batas na si Colette Avital, isang dating diplomat na naglingkod bilang consul-general ng Israel sa New York City noong 1990s.[7][18] Inilarawan ni Prof. John H. Brown ng Georgetown University ang pagkalat na ito bilang unang kaganapan sa isang bagong sangay ng pampublikong diplomasya.[8][19]
Noong Pebrero 2008, ang Maxim ay tinuligsa ng rock band na The Black Crowes para sa isang pagrepaso ng kanilang mga darating na CD, Warpaint. Sinabi ng banda na sinuri ng magazine ang kanilang album nang hindi man lamang ito napakikinggan.[9] Ayon sa Black Crowes manager na si Pete Angelus, ang magasin ay nagpahayag sa isang email na "Syempre, kami ay palaging gustong [22] makinig ng musika, ngunit kung minsan may mga malaking album na hindi namin nais huwag pansinin na wala naman para pakinggan, na siyang nangyari sa mga Crowes. Ang patnugot ng magazine na si James Kaminsky ay humingi ng paumanhin kinalaunan at sinabing "Ito ay polisiyang editoryal ng Maxim upang magtalaga ng mga ratings doon lamang sa mga album na narinig na nila sa kabuuan. Sa kasamaang palad, ang patakaran ito ay hindi nasunod sa isyu ng Marso 2008 ng aming magazine at humihingi kami ng paumanhin sa aming mga mambabasa. " [10] [24]
Celebrity profiles
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa loob ng mga nagdaang taon, maraming mga kilalang tao (mang-aawit, artista, modelo, atbp) ang minsan nang nag-pose para sa Maxim. Kabilang sa mga halimbawa:
Film
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Miley Cyrus (Enero 2010-Nobyembre 2010 Mayo 2009-Disyembre 2009, July-Agosto 2008)
- Alice Eve (Abril 2010)
- Kaley Cuoco (Marso 2010)
- Amanda Bynes (Pebrero 2010)
- Amy Weber (Enero 2010)
- Rebecca Romijn (Hunyo 1998 Hulyo 2000, Nobyembre 2002)
- Eliza Dushku (Mayo 2001 Marso 2009)
- Shawnee Smith (Hunyo 2001)
- Laura Prepon (Enero 2001)
- Helena Bonham Carter (Setyembre 2001)
- Brittany Murphy (Hulyo 2001 Mayo 2005)
- Lucy Liu (Setyembre 2002 Hulyo 2003)
- Jennifer Love Hewitt (Nobyembre 1999 Marso 2005, Mayo 2009)
- Shannon Elizabeth (Enero 2000 Disyembre 2003, Hunyo 2008)
- Jessica Alba (Oktubre 2000 Nobyembre 2003)
- Kristen Bell (Marso 2006)
- Hilary Duff (Mayo 2005 Hulyo 2010)
- Sophia Bush (Nobyembre 2006)
- Mary Elizabeth Winstead (Marso 2007)
- Louise Cliffe (Hunyo 2007)
- Britney Spears (Enero 2011 and 2010)
- Danneel Harris (2008,2009)
- Milla Jovovich (Setyembre 2004 Setyembre 2009)
- Avril Lavigne (Marso 2008 Nobyembre 2010)
- Cobie Smulders (Disyembre 2010)
Next Attractions
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lady Gaga (2009)
- Marion Raven (2009)
- Fergie (2009)
- Amber Heard
International editions
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Maxim ay naglunsad ng international edition ng kanilang magasin mula noong 1995. Kamakailan lamang, ito ay naglunsad ng ikas-26 at 27 na international [11][28] edisyon sa Greece kung saan ito ay inilathala sa pamamagitan ng Attica Media. Kapansin-pansin, ang mga magasin ay nagpapaikot-ikot na sa South Korea, India, Japan, Estados Unidos, Russia,[12][13][32] Serbia, Greece,[14] [34] Bulgaria, Canada, Brazil, Philippines, Germany at France.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Stutz, Howard (19 Abril 2007). "MGM buys parcels for new center". Las Vegas Review-Journal. pp. A1+A8.
{{cite news}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong); Cite has empty unknown parameter:|coauthors=
(tulong); More than one of|author=
at|last=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UFC and Maxim Partner Up For the First-Ever Octagon Girl Search at UFC Fan Expo". MMAWaves.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-12. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maxim UFC Octagon Girl Search Highlight Video". MMAWaves.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-25. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jha, Alok (2006-03-30). "Lad Culture Corrupts Men as much as it Debases Women". guardian.co.uk.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cruickshank, Shannon Protesting Maxim Girl Search at Lakehead University Naka-arkibo 2008-02-13 sa Wayback Machine., Thunderbay IMC, 3 Nobyembre 2004. Accessed 7 Marso 2008.
- ↑ "vfb-fanclub-berlin". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-19. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Friedman, Matti. Maxim Features Models From Israeli Army, ABC News, 20 Hunyo 2007. Accessed 7 Marso 2008.
- ↑ Public Diplomacy Goes 'Pubic' Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine., John H. Brown, University of Southern California public diplomacy site, 11 Hulyo 2007.
- ↑ "Maxim Magazine reviews album without hearing it". blackcrowes.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-25. Nakuha noong 2008-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maxim Apologizes for Black Crowes Review". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-02. Nakuha noong 2008-02-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-11. Nakuha noong 2011-04-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Russia's "sexy spy" in provocative photoshoot". Reuters. 2010-10-19. Nakuha noong 2010-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [30] "Russian spy Anna Chapman blows her cover for men's magazine". News.com.au. 2010-10-19. Nakuha noong 2010-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ May, Kevin (2005-05-13). "Maxim ready for Serbian and Greek launch". Media Week. Haymarket. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-13. Nakuha noong 2010-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
External links
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maxim U.S. site
- Maxim U.K. site
- Maxim Hot 100 site Naka-arkibo 2020-04-28 sa Wayback Machine.