Maximiliano I ng Mehiko
Maximiliano I ng Mehiko | |
---|---|
Kapanganakan | 6 Hulyo 1832
|
Kamatayan | 19 Hunyo 1867
|
Libingan | Imperial Crypt |
Mamamayan | Imperyo ng Austria |
Trabaho | politiko, botaniko |
Asawa | Carlota ng Mehiko (27 Hulyo 1857–unknown) |
Magulang |
|
Pamilya | Karl Ludwig ng Austria |
Pirma | |
Si Maximilian I o Maximiliano I (na ipinanganak bilang Ferdinand Maximilian Joseph noong 6 Hulyo 1832 – namatay noong 19 Hunyo 1867) ay ang nag-iisang monarka ng Ikalawang Imperyo ng Mehiko. Tinatawag din siyang Maximiliano, Emperador ng Brazil sa ibang mga sanggunian.[1] Nakikilala rin siya bilang Fernando Maximiliano José Maria ng Habsburgo-Lorena.
Pagkaraan ng isang marangal na karera sa Hukbong Pandagat ng Austria, ipinahayag siya bilang Emperador ng Mehiko noong ika-10 ng Abril, 1864, na sinuportahan ni Napoleon III ng Pransiya at ng isang pangkat ng mga monarkistang Mehikano na naglalayon na muling buhayin ang monarkiyang Mehikano. Maraming mga pamahalaang dayuhan, kabilang na ang ng Estados Unidos, ang tumangging kilalanin ang kaniyang administrasyon. Nakatulong ito sa paniniyak ng tagumpay ng mga puwersang republikano na pinamunuan ni Benito Juárez, at nadakip at pinatay si Maximiliano noong 1867.
Sa Mehiko, siya at ang kaniyang konsorteng pinakasalan niya ay nakikilala bilang ang tambalang Maximiliano at Carlota (Maximilian at Charlotte) (si Carlota ay pinsan ni Reyna Victoria ng Nagkakaisang Kaharian).[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Maximilian, Emperador ng Brazil". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 34.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Awstriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.