Mayang paking
Mayang Paking | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | L. punctulata
|
Pangalang binomial | |
Lonchura punctulata (Linnaeus, 1758)
| |
Map showing the breeding areas in Asia and Oceania | |
Kasingkahulugan | |
Loxia punctulata |
Ang Mayang Paking (Lonchura punctulata[2], na tinatawag na Scaly-breasted Munia o Spotted Munia sa ingles), ay isang pipit na katutubong taga-Asya. Isang Espesye sa saring Lonchura, isa lamang ito sa mga maraming uri ng pipit na pinapangalanang "maya" sa wikang Pilipino.
Ito ay may hugis-kaliskis na marka sa mga balahibo nito sa dibdib at tiyan. Ang indibidwal na nasa wastong edad ay kayumanggi at may maitim at hugis-alimusod na tuka. Ang espesyeng ito ay may 11 subespesye sa kanilang saklaw na tirahan na siyang may munting mga pagkakaiba sa hugis at kulay.
Pangkaraniwan nitong pagkain ang mga punla ng damo maliban sa mga maliliit na bungangkahoy at munting mga kulisap. Madalas silang mangalap ng pagkain bilang isang lupon at nag-uusap sa pamamagitan ng mayuming huni at sipol. Sila'y sadyang mahilig makipagkapwa at minsa'u maaaring makipag pagpamugaran sa ibang pipit.
Ang espesye na ito ay natatagpuan sa mga kapatagan at pastulang tropikal, at likas na natatagpuan mula sa India at Sri Lanka pasilangan sa Indonesia at sa Pilipinas. Naiangkat na rin ito sa maraming bahagi ng mundo at at may mga lipong mailap sa Puerto Rico at Hispaniola, at sa mga bahagi ng Australia at Estados Unidos.
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maya
- Mayang Simbahan (Passer montanus o Eurasian Tree Sparrow)[3]
- Mayang Bato (Lonchura leucogastra o White-bellied Munia)[3]
- Mayang Costa (Padda oryzivora)[4][3]
- Mayang Pula (Lonchura atricapilla)[5][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ BirdLife International (2012). "Lonchura punctulata". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2013.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan. Nakuha noong 26 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://philbiodiversitypartnerships.com/index.php/reports/progress-reports/financial-progress-reports/article/1137-scaly-breasted-munia-mayang-paking[patay na link]
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 http://www.fao.org/docrep/x5048e/x5048e0g.htm
- ↑ http://www.irri.org/index.php?option=com_k2&view=item&id=11686:plight-of-the-rice-birds&lang=en
- ↑ http://ebonph.wordpress.com/2013/07/03/10-most-common-urban-birds/
Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.