Mayday
Ang mayday ay isang salitang internasyunal na ginagamit sa patakarang emerhensiya bilang isang hudyat tuwing may panganib na sinasabi sa komunikasyon sa radyo.
Pangunahing ginagamit ito ng mga abyador at marino upang magbigay hudyat sa isang emerhensiyang nagbabanta sa buhay ngunit sa ilang mga bansa, ginagamit din ito ng mga lokal na organisasyon tulad ng mga bumbero, pulis at samahang transportasyon. Hinihingi ng kumbensyon na ulitin ang salita ng tatlong beses na tuluy-tuloy sa panahon ng pagdedeklera ng emerhensiya ("Mayday mayday mayday") upang maiwasan itong ipagkamali sa ilang katunog na salita o kasabihan sa isang maingay na mga kondisyon, at upang matukoy ang aktuwal na tawag na mayday mula sa isang mensahe tungkol sa isang tawag na mayday.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Radio Information for Boaters" (sa wikang Ingles). US Dept of Homeland Security - US Coast Guard. 2016-09-15. Nakuha noong 2018-09-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)