Pumunta sa nilalaman

Mas malaking kalamnang pandibdib

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mayor na muskulong pektoral)
Pectoralis major
Pectoralis major
Ayon kay Gray subject #122 436
Pinagmulan Ulong pambalagat: pangharapang pang-ibabaw ng panggitnang kalahati ng balagat.
Ulong isternokostal: pangharapang pang-ibabaw ng isternum, ang pang-itaas na anim na butong-murang pangdibdib, at ang aponeurosis ng panlabas na patagilid na masel
Pagkakasingit    Lateral o patagilid na labi ng ukang intertuberkular ng humerus
Arterya sangang pandibdib ng katawang torakoakromial
Nerbiyo patagilid na nerbiyong pangdibdib at panggitnang nerbiyong pangdibdib
Ulong pambalagat: C5 at C6
Ulong isternokostal: C7, C8 at T1
Mga galaw Ulong pambalagat: nagbabaluktot ng humerus
Ulong isternokostal: nagpapahaba, nagbabanat, o nag-uunat ng humerus
Bilang isang kabuuan, nagtatapat (aduksiyon) and pagitnang pinaiikot ang humerus. Paharapan at palikurang hinihila rin nito ang paypay.
MeSH Pectoralis+Muscles

Ang mas malaking kalamnang pandibdib (Ingles: pectoralis major muscle, Latin: musculus pectoralis major), kilala rin bilang higit na malaking kalamnan ng dibdib, lalong malaking kalamnan sa dibdib, o pangunahing kalamnang pandibdib, ay isang makapal at hugis pamaypay na masel na nakalagak sa dibdib (anteryor o bahaging "nauuna" o "nasa harapan") ng katawan. Binubuo ito ng kakapalan o kabuntunan ng mga masel ng dibdib sa kalalakihan at nakahimlay sa ilalim ng mga suso ng kababaihan. Nasa ilalim ng mas malaking kalamnang pandibdib ang mas maliit na kalamnang pandibdib, na isang manipis at hugis tatsulok na masel.

Paglalarawan at tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang pangunahing masel sa dibdib, tungkulin nito ang hilahin ang mga bisig papunta sa gitna ng katawan, habang nakakabit sa loob ng buto ng pang-itaas na bisig. Kapag umiikli o umuurong ang mas malaking kalamnang pandibdib, umiiksi ang mga hibla ng masel, na humihila sa pang-itaas na bisig papunta sa panggitnang bahagi ng dibdib, na pinagmumulan ng masel na ito. Ang mga hibla ng mas malaking kalamnan ng dibdib ay nagsisimula sa tatlong mga pook sa dibdib: una, mula sa balagat (o "butong panleeg"); ikalawa, mula sa buto ng dibdib; at ikatlo, mula sa mga tadyang (na nasa ilalim lamang ng buto ng dibdib).[1]

Ang mga hibla ng masel na ito na bumubuo sa bahaging pambalagat ay ang kadalasang tinatawag bilang pang-itaas na dibdib. Samantala, ang bahaging pang-isternum o isternal ng mas malaking kalamnang pandibdib ay madalas namang tinatawag bilang pang-ibabang dibdib.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Campbell, Adam. The Men'sHealth Big Book of Exercises, Meet Your Muscles, Chest, Pectoralis Major, Kabanata 4, Rodale, New York, 2009, pahina 33.

TaoAnatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.