Pumunta sa nilalaman

Melpomene

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Melpomene, na may hawak na maskara ng trahedya.

Sa mitolohiyang Griyego, si Melpomene (Griyego: Μελπομένη, "umawit" o "ang isang may [matamis na] himig") ay isang diyosang anak ni Zeus at Mnemosyne. Kasama ng kanyang walo pang mga kapatid na babae, isa siya sa mga musa o patron ng mga sining at mga agham. Sa partikular, siya ang Musa ng Trahedya na may sagisag na maskara ng trahedya at ng kasuotan sa paang buskin o cothurnus, isang sapin sa paa na alanganing bota o sandalyas na isinusuot ng sinaunang mga aktor ng trahedya sapagkat umaabot hanggang sa pagitan ng tuhod at sakong.[1] Malimit din siyang inilalarawang may hawak na batuta o patalim sa isang kamay, habang nasa isang kamay ang maskara ng trahedya. Sa ulo, nilalagyan siya ng isang korona ng sipres.

Una siyang itinuturing na Musa ng Pag-awit bago naging Musa ng Trahedya. Hinango ang pangalan ni Melpomene mula sa pandiwang Griyegong melpô o melpomai na may ibig sabihing "magdiwang na may sayaw at awit."

Kabilang sa kanyang mga kapatid na babaeng musa sina: Calliope (musa ng epikong panulaan), Clio (musa ng kasaysayan), Euterpe (musa panulaang lirikal), Terpsichore (musa ng pagsasayaw), Erato (musa ng panulaang erotiko), Thalia (musa ng komedya), Polyhymnia (musa ng mga himno), at Urania (musa ng astronomiya).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Buskin; cothurnus - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.