Pumunta sa nilalaman

Talang-gunita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Memoire)

Ang talang-gunita o talang-alaala (Ingles: memoir, /mem-war/, memoirs kung sa anyong maramihan) ay isang kalipunan ng pagsasalaysay o kuwento ng buhay na pinagdaanan o pag-ala-ala sa nakalipas o mga bagay na naalala, ngunit maaari ring tumukoy sa isang sanaysay o aklat hinggil sa isang paksang natatangi, at maging isang ulat ng pagpupulong ng isang pangkat o kapisanan.[1] Nagmula ang katawagan nito sa Ingles na memoir sa Pranses na mémoire, nagbuhat naman sa Lating memoria na nangangahulugang "ala-ala", "memorya", "reminisensya", "gunita", o "salamisim".[1] Bilang isang anyo o uri ng panitikan, bumubuo ito sa isang subklase o kabahaging klase ng autobiyograpiya, bagaman halos napagpapalitan ang 'talang-gunita' at 'autobiyograpiya' sa makabagong pananalita. Pagsusulat na autobiyograpikal ang sa talang-gunita, ngunit hindi lahat ng mga pagsulat na pang-autobiyograpiko ay sumusunod sa pamantayan para sa isang talang-gunita. Matatawag na memorista ang may-akda ng talang-gunita, batay sa Ingles na memoirist.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Memoir, memoirs; reminiscence - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.