Pumunta sa nilalaman

Mephitidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mepitido)

Skunk
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Carnivora
Superpamilya: Musteloidea
Pamilya: Mephitidae
Bonaparte, 1845
Genera

Conepatus
Mydaus
Mephitis (type)
Spilogale

Ang Mephitidae (Kastila: mofeta, Ingles: skunk) ay isang mamalyang karaniwang may isang puting guhit sa likod at may makapal na balahibong buntot. Pinakanatatanging bahagi ng katawan nito ang pampuslit ng mga mabahong likido mula sa ilalim ng buntot, partikular na ang dalawang butas na nasa loob ng tumbong nito. Isinasagawa ng mopeta ang pagpapatalsik ng maamoy na likidong ito upang bugawin ang ibang mga hayop na maaaring makapanakit sa kanya. Kumakain ito ng halaman at maliliit na mga hayop katulad ng bulati, palaka, ahas, ibon, mga itlog, at mga bungang ratiles, dahon, damo, at mga mani. Pinakakilala sa mga uri ng mopeta ang guhitang mopeta na may timbang na mula 2.5 hanggang 14 mga libra (1.2–6.3 kg) at may haba ng katawang 13 hanggang 18 pulgada (33–46 sentimetro), hindi kasama ang buntot. May habang 7 hanggang 10 mga pulgada (18–25 sentimetro) ang buntot, at may puting dulo kung minsan.

This list is generated from data in Wikidata and is periodically updated by Listeriabot.
Edits made within the list area will be removed on the next update!

Larawan Genus Ibang tawag MSW
Brachyprotoma
Conepatus en:Hog-nosed skunks
es:Zorrinos
tr:Domuz burunlu kokarca
Mammal Species of the World
Mephitis tr:Şeritli kokarca Mammal Species of the World
Mydaus Mammal Species of the World
Osmotherium
Spilogale en:Spotted Skunks
tr:Benekli kokarca
zh:斑臭鼬屬
Mammal Species of the World
End of auto-generated list.

Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.