Pumunta sa nilalaman

Angels and Demons (pelikula)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angels and Demons
DirektorRon Howard
PrinodyusRon Howard
Brian Grazer
John Calley
SumulatNovel:
Dan Brown
Screenplay:
David Koepp
Akiva Goldsman
Itinatampok sinaTom Hanks
Ewan McGregor
Ayelet Zurer
Stellan Skarsgård
Pierfrancesco Favino
Nikolaj Lie Kaas
and Armin Mueller-Stahl
MusikaHans Zimmer
SinematograpiyaSalvatore Totino
In-edit niDaniel P. Hanley
Mike Hill
Produksiyon
TagapamahagiColumbia Pictures
Sony Pictures Entertainment
Inilabas noong
Australia:
May 14, 2009
United States:
May 15, 2009
Haba
140 minutes
146 (extended editon)
BansaPadron:FilmUS
Italy
WikaEnglish
Italian
French
German
Polish
Spanish
Cantonese
Thai
Badyet$150 million
KitaNorth America
$133,375,846
Rest of the World
$352,524,484
Worldwide
$485,900,330[1]

Ang Angels and Demons (Ingles para sa "Mga Anghel at mga Demonyo") ay isang Amerikanong pelikula na ginawa noong 2009 na basi sa libro ni Dan Brown sa parehong pangalan. Ang pelikula ay sequel sa The Da Vinci Code, kahit na unang inalathala ang librong Angels and Demons at nangyari bago ang The Da Vinci Code. Ang pelikula ay ginawa sa Roma, Italya, at ang estudyo ng Sony Pictures sa Lungsod ng Calver, Kalipornya. Gumanap ulit bilang Robert Langdon si Tom Hanks habang bumalik si direktor Ron Howard, prodyuser Hans Zimmer at screenwriter Akiva Goldsman.

Daloy ng kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa tulong ni Padre Silvano Bentovoglio at Dra. Vittoria Vetra, ang Europeong Organisasyon para sa Pananaliksik ng Nuklear (CERN) sinimulan ang Large Hadron Collider at nakadakip ng tatlong vials ng antimatter. Agad-agad pagkatapos, may pumatay kay Padre Silvano at ninakaw ang Vial.

Habang naman ang Simbahang Katoliko Romano ay nagdadalamhati sa pagkamatay ni Santo Papa Pius XVI sa Roma. Naghahanda naman ang Lunsod ng Batikano ng konklabeng papal namamamili ng susunod na Santo Papa. Si Karmelengo Patrick McKenna ay temporaryong lumululok sa upuan ng Simbahan habang maraming tao ay naghihintay sa Tuwiran ni San Pedro para sa matagumpay na boto. Dinurukot ang 'prefiriti' (Papabile|ang apat na malamang maging elektadong Santo Papa) ng Illuminati bago ang konklabe ay sinimulan. Sila'y nagtatangka na patayin ang isa't isa sa mga binihag sa bawat na isang oras at wawasakin nila daw ang Batikano sa pagputok ng isang ilaw. Isang Sekurity Kamera ay pinapakita ang nawawalang vial, na sasaog at wawasakin ang Batikano.

Hinamon ng Batikano ang Ekspert sa Simbolo na si Robert Langdon mula sa Unibersidad ng Harvard at si Vittoria Vetra mula sa CERN na lutasin ang mga tangka ng illuminati, iligtas ang prefiriti, at palitan ang mga batterya ng vial bago ito'y sasabog. Pagkatapos narinig ni Langdon ang mensahe ng Illuminati ay pinagbatyan niya na ang apat na kardinal ay papatayin sa apat na altar sa Daan ng Iluminasyon. Subalit walang nakakaalam kung saan matatagpuan ang apat na altar.

Sa pagaasang mahahanap ang pangalan ng tao na pumatay kay Padre Silvano sa kanyang aklat talaarawan, hiningi ni Vittoria ang kanyang aklat talaarawan niya mula sa Suwisa. Humingi ng permisyon si Langdon para maka pasok sa Sekretong Arhives ng Batikano para makita ang orihinal na kopya ng binawal na libro ni Galileo Galilei para mailutas kung saan ang unang Altar. Sa pagaasang maliligtas ang unang Kardinal mula sa kamatayan agad-agad sila'y pumunta sa unang simbahan, na kung saan natagpuan nila unang kardinal, Kardinal Ebner, patay, ang bibig niya'y puno ng alikabok, at pinagpye-pyestahan ng mga Daga at ang kanyang dibdib ay may nakapakong salita "Alikabok". Sumunod ay nahanap nila ang lokasyon ng ikalawang altar ang Tuwiran ni San Pedro kung saan na tagpuan nila si Papa Lamassé, ang kanyang mga baga ay butas butas at ang kanyang katawan ay may salita na ipinako "Hangin". Habang binabasa ni Vetra ang aklat talaarawan ni Silvano ay hinahanap ni Langdon at mga alagad ng Batikano ay hinanap ang ikatlong simbahan kung saan natagpuan ang ikatlong kardinal, Kardinal Guidera, na nasa bingit ng kamatayan. Nagpakita ang Suspek sa pagpatay kay Silvano at ang mga kardinal sa simbahan at pinatay ang mga kasama ni Langdon maliban sa kay Langdon. Nabigong iligtas nila si Kardinal Guidera na namatay sa sunog at ang kanyang katawan ay "Apoy".

Pagkatapos sa pagtakas, kinubinsi ni Langdon ang dalawang alagad na Carabinieri na samahan siya sa ikaapat at ikahuli na altar ang Simbahan ng Tubig, pero ang Suspek ay pinatay lamang ang mga alagad at inihulog niya ang ikaapat na Kardinal, Kardinal Baggia, sa Pauten ng Apat na Ilog. Tagumpay na iniligtas ni Langdon ang kardinal, agad-agad pumunta sa Castel Sant'Angelo ang Carabinieri, Batikanong Gendarmerie, at ang mga Suwisong Bantay kasama si Langdon at Vetra pagkatapos sinabi ni Kardinal Baggia kung saan sila tinago ng Salarin. Natagpuan nila ang Van na ginamit ng Suspek na kung saan na tagpuan nila ang dalawang alagad ng Carabinieri patay na akala nila'y dead end. Sila'y umalis para halughogin ang buong kastilya pero naiwan si Langdon at Vetra na kung saan sila'y nakahanap ng sikretong daanan papuntang Batikano. Sila'y nakahanap ng isang brand na may dalawang susi, ang Simbolo ng Santo Papa. Na kung saan nalaman nila na ang brand ay para sa kay Karmelengo McKenna, agad-agad sila tumagad kay McKenna pero'y nabigo ng nahuli sila ng Suspek at kinonpronta sila na hindi sila papatayin dahil hindi sila armado at hindi siya ibinayaran para patayin sila. Pagkatapos ay inamin niya na mga nag utos sa kanya na patayin ang mga Kardinal ay mga tao galing sa Simbahan Katolika. Siya'y agad tumakas sa sikretong daanan papuntang Batikano at tinagpuan ang saksakyan na binayaran niya pero'y napatay dahil may sumabog na bomba nang pinapandar niya ito.

Si Langdon at Vetra nadiskobre na ang huling biktima ay si Karmelengo McKenna. Natagpuan nila si Karmelengo McKenna nakapako ang kanyang katawan ng simbolo ng Santo Papa at si Commander Richter malapit sa kanya na may hawak-hawak na baril, para mailigtas ang karmelengo ay ibinaril ng mga bantay si Richter. Habang namamatay na si Richter ay ibinigay niya isang susi para sa kanyang opisina. Pagkatapos ay ang karmelango, Langdon, Vetra at ang mga Suwisong bantay ay nahanap ang nawawalang antimatter vial, nang nahanap na nila ito'y malapit na maubos ang batterya at minuto nalang ito'y sasabog. Para iligtas ang Batikano ay inagaw niya ang vial at ginamit ang helikopter para doon ipasabog ang bomba. Inandar niya pagkatapos ang autopilot at tumakas sa tulong ng parachute. Pagkatapos ng ilan na sekundo ay sumabog na ang bomba at lumapag ang karmelengo at ngayon ay tinuturing na isang bayani at inikomerenda ng Kolehiyo ng mga Kardinal na siya ay pinaka-magandang kandidato para sa pagiging Santo Papa.

Habang naman si Vetra at Langdon ay ginamit ang susi para panoorin ang sekurity bidyo na pinapakita na ang salarin sa pagpatay sa Santo Papa at ang pagnanakaw ng Antimatter at pagpatay ng prefiriti ay ang karmelengo hindi ang Illuminati. Sa bidyo ay tinangka arrestuhin ni Richter si McKenna, ang Pari ay pinako sa sarili ang isang simbolo na katulad sa pabaligtad na krusipiks ni San Pedro at inakusa na si Richter ay bahagi ng Illuminati. Pagkatapos ay pinakita ni Langdon ang bidyo sa mga kardinal. Pagkatapos nalaman ng karmelengo na nalaman ang kanyang masamang balak, sinunog niya ang kanyang sarili sa langis sa isa sa mga 99 banal na mga lampara sa loob ng Basiliska ni San Pedro.

Inahayag ng Batikano na namatay ang karmelengo dahil sa mga sugat na natamo niya sa pagbasak habang ang publiko ay nagdedemanda na siya'y kanonisahin. Si Kardinal Baggia ay ang bagong Santo Papa (na pinili pangalan niya maging Luke) at si Kardinal Strauss bilang ang bagong karmelengo. Sa pagsasalamat ng bagong Santo Papa at ang bagong karmelengo kay Langdon ay ipinahiram sa kanya ang "Diagramma Veritas" ni Galileo para sa kanyang sanggunian at nagpapakiusap na sa huling habilin ni Langdon ay ibabalik niya ito sa Batikano pagkatapos ng kanyang kamatayan. Tumapos ang pelikula ng Lumalabas sa balkonahe ang bagong Santo Papa habang nagsisiyahan ang mga tao sa Tuwirin ni San Pedro.

  • Tom Hanks bilang Robert Langdon, isang Propesor ng Symbolohiya ng Unibersidad ng Harvard
  • Ayelet Zurer ay gumaganap bilang Vittoria Vetra, isang Dalubhasa ng CERN na nakawan ng Antimatter ng Illuminati para gamit ito bilang isang bomba.
  • Ewan McGregor ay gumaganap bilang Karmelengo McKenna (Carlo Ventresca sa Aklat)
  • Stellan Skarsgård gumaganap bilang Kumander Maximilian Richter, ang pinuno ng Suwisong Bantay
  • Pierfrancesco Favino gumaganap bilang Inspektor Ernesto Olivetti ng Gendarme Corps of Vatican City State.
  • David Pasquesi gumaganap bilang Claudio Vincenzi, isang Batikanong Pulis na pinadal sa Roma para humonin si Propesor Langdon.
  • Nikolaj Lie Kaas bilang Mr. Gray na naniniwala na siya'y nagtatrabaho para sa Illuminati.
  • Armin Mueller-Stahl bilang Kardinal Strauss, Deen ng Kolehiyo ng mga Kardinal at ang papal na konklabe
  • Thure Lindhardt bilang Lieutenant Chartrand, isang opisyal ng mga Suwisong Bantay
  • Elya Baskin bilang Kardinal Petrov, isang kardinal na bahagi ng Preferiti

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Angels & Demons (2009)". Box Office Mojo. Nakuha noong Oktubre 28, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga palabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]