Bulubundukin ng Zagros
Ang Bulubundukin ng Zagros (Persa: رشته كوههاى زاگرس, Asiryo: ܛܘܪ ܙܪܓܣ, Kurdo: زنجیرهچیاکانی زاگرۆس, Lori: کو یه لی زاگروس, Arabe: زاجروس الجبال) ay ang pinakamalaking kahanayan ng mga kabundukan o bulubundukin sa Iran at Irak. Sa pagkakaroon ng kabuoang haba na 1,500 km (932 mga milya), mula hilagang-kanlurang Iran, at bahagyang umuugnay sa kanlurang hangganan ng Iran, umaabot ang sakop ng mga bundok ng Zagros sa buong haba ng kanluran at timog-kanlurang talampas ng Iran at nagwawakas sa mga kipot ng Hormuz. Pinakamataas na mga dulong tulis sa loob ng Bulubundukin ng Zagroa ang Zard Kuh (4,548m) at ang Bundok ng Dena (4,359m). Humuhubog ang Hazaran massif sa loob ng lalawigan ng Kerman ng isang makapanlabas na sakop, ang Jebal Barez na umaabot sa Sistan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Iran ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.