Pumunta sa nilalaman

Ebanghelyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mga Ebanghelyo)
Bagong Tipan ng Bibliya

Ang ebanghelyo[1] (Ingles: gospel) ay isang salitang hinango mula sa wikang Griyego na nangangahulugang "mabuting balita hinggil sa kaligtasan". Binubuo ang Bibliya, ng apat na mga ebanghelyo: ang mula kina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Mayroong sagisag ang bawat isa ayon kay propeta Ezequiel: "Tao" para kay Mateo, "Leon" para kay Marcos, "Baka" para kay Lucas, at "Agila" naman kay Juan.[1]

Orihinal na nasasatitik sa Griyego ang mga ebanghelyo nina Marcos, Lucas, at Juan, samantalang ang nasusulat sa Arameo ang kay Mateo. Tinaguriang mga "sinoptiko" ang mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas dahil may pagkakaisa ang mga ito sa kanilang nilalaman at kabuoran.[1])

Nagkaroon ng apat na mga sagisag ang bawat isang ebanghelyo dahil sa mga ilang kadahilanan. Sinasagisag ng mabuting balita ni San Mateo ang tao sapagkat nagsimula ito sa pag-ungkat sa mga kaninununuan ni Hesukristo, na pawang mga yari sa laman. Binigyan naman ng simbolong leon ang kay Marcos, dahil sa pagsisimula nito sa kuwentong ukol kay Juan Bautista na isang taong may "tinig na sumisigaw sa ilang." Iniugnay ang baka sa ebanghelyo ni Lucas sapagkat nagbungad ito ng paglalahad tungkol sa mga paghahain ng alay ni Zacarias, isang pari. Ginagamit ang hayop sa mga pag-aalay. Kaugnay naman ng ibong agila ang mabuting balita ni Juan sapagkat agad nitong inihahayag ang katotohan ng pagiging Diyos ni Hesukristo sa unang mga pahina ng aklat.[1]

Ang Injil ("Pagpapakita") ay ang pangalang Arabe para sa kauna-unahang Ebanghelyong ibinigay kay Hesus (Issa), isa sa apat na mga Islamikong Aklat na Banal na kinikilala ng Islam bilang galing sa Diyos (Allan). Hindi tinutukoy ng Injil ang kalahatan ng Bagong Tipan (Anajil) ni sa apat na Ebanghelyo[2]. Ang panananlig sa Injil ay kailangan, ayon sa kautusan ng isa sa anim na Islamikong mga Artikulo ng Pananampalataya.

Maraming Muslim ang naniniwala na ang naunang ebanghelyong ito ay dumaan sa maraming mga pag-iiba, tahrif, sa paglipas ng panahon. Iminumungkahi ng ilang mga Muslim na ang kasalukuyang mga ebanghelyong Kristiyano ay maaaring nagtataglay ng mga butil-butil ng tunay na mensahe ni Hesus, ngunit naniniwala sila na ang malaking bahagi ng tunay na mga aralin ay nasira na at hindi na maaaring maibalik pa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Ebanghelyo, p. 1431". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-02-25. Nakuha noong 2011-02-06.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]