Korea
- Para sa ibang lugar na Korea, tingnan ang Korea (paglilinaw).
- Para sa ibang mga gamit, tingnan ang Korea (paglilinaw).
Korea | |
---|---|
Kabisera | Pyongyang, Seoul |
Wikang opisyal | Korean |
Lawak | |
• Kabuuan | 223,170 km2 (86,170 mi kuw) (ika-84 kung muling magkakaisa) |
• Katubigan (%) | 2.8 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2007 | 72,014,000 (ika-17 kung muling magkakaisa) |
• Densidad | 328.48/km2 (850.8/mi kuw) |
Salapi | Won (₩) (N/S) |
Sona ng oras | UTC+9 (KST) |
Kodigo sa ISO 3166 | KP |
Tumutukoy ang Korea[1] (Hangul: 한국, Hanguk, ginagamit ng mga taga-Timog Korea; 조선, Joseon, ginagamit ng mga taga-Hilagang Korea) sa Timog Korea[1] (Republika ng Korea) at Hilagang Korea[1] (Demokratikong Republikang Bayan ng Korea) kapag pinagsama, na naging magkasamang bansa hanggang 1945. Matatagpuan sa Tangway ng Korea sa Silangang Asya, pinapaligiran ng Tsina sa hilaga-kanluran at Rusya sa hilaga-silangan. Mayroong parehong komposisyon (homogeneous) ang populasyon ng grupong etniko, ang mga Koryano, na nagsasalita ng naiibang wika (Koreano). Hinango ang pangalan mula noong panahon ng Goryeo ng kasaysayan ng Korea, na hinango din ang pangalan sa Goguryeo.
Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ng Unyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib (Unification Flag) sa mga pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea.
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Koreano ang wika ng dalawang Korea, ngunit may mga kaibahan ang isa't isa. Higit na "pinalilinis" ng Hilaga ang mga salita upang matanggal ang impluwensiyang banyaga. Salungat naman ito sa Timog, kung saan tumatanggap sila ng mga salitang dayuhan, kabilang na ang Ingles.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Andrea (tagapagsalin). "Korea," "Hilagang Korea," "Timog Korea," "Koreano," mga salitang ginamit sa balitang "H. Korea, puputulin ang daang panlupa nila ng T.Korea," China Radio International - Filipino, Filipino.CRI.cn
Ang lathalaing ito na tungkol sa Korea ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.