Pumunta sa nilalaman

Mga Suludnon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Panayanon Sulud
Kabuuang Populasyon
18,000 in 17 communities[1]
Rehiyong may kahalagahang populasyon
PilipinasPhilippines: Western Visayas
Wika

Sulodnon, Hiligaynon, Kinaray-a, Aklanon, Filipino, English

Relihiyon

Traditional religion and Folk Christianity (Roman Catholic).

Iba pang grupong etniko

Mga Bisaya, other Filipino peoples, other Austronesian peoples

Ang mga Suludnon,[2] kilala rin bilang mga Tumandok, Panay-Bukidnon, o Panayanon Sulud, ay katutubong mga Bisaya na naninirahan sa Capiz-Lambunao mabundok na lugar ng Panay sa Visayan islands ng Pilipinas.Natatangi sila bilang mga katutubong pangkat ng mga mga nagsasalita ng Bisaya sa Kanlurang Visayas.[3][4]

Kahit na sila ay may kaugnay na kultura sa mga nagsasalita ng Kinaray-a, Aklanon, at Hiligaynon noong una, lahat na naninirahan sa kapatagan ng Panay, ang kanilang mga paghihiwalay sa mga Espanyol ang nagresulta sa pagpapatuloy ng kultura at paniniwala bago makarating ang mga Espanyol. Nagsasalita sila ng wikang Igbok (kilala rin bilang Ligbok o Sulod), miyembro ng bahagi ng wika ng Kanlurang Visaya sa Filipinas sa ilalim ng mga wikang Austronesio.

Sikat ang mga Sulud/Tumandok sa kanilang sayaw, "Binanog", na gumagaya sa paglilipad ng Haribon, na sinasamahan ng pagtugtog ng agung. Isa pang sayaw na pareho ang ngalan ay isinasagawa ng mga Bukidnon Lumad ng Mindanao. Nagmumungkahi ito ng pagkakatulad sa kultura ng mga tao ng Kanlurang Bisaya at Hilagang Mindanao noong unang panahon. Isa pa, gumagamit rin sila ng mga kawayang panugtog, na ginagamit upang makapag-awit sa mga awiting katutubo, sayaw at epiko. Kilala rin sila sa kanilang panghahabi na kilala bilang panukbok. Ipinagdiriwang ang kasaysayan ng panukbok sa Tinubkan fashion show sa Lungsod ng Iloilo.

Ngayon, nasusubukan ang mga Sulud/Tumandok sa kanilang pamumuhay kahit na napansin na ng mga pamahalaang lokal ang kanilang halaga. Nakagagawa na rin sila ng mga proyekto na tumutulong sa pananatili ng kultura nila.

  1. "Sustained military exercises since the 1970s up to the present have continued to disrupt the lives of the 18,000 tumandoks in 17 communities in the upland villages. The Philippine Army obliged the tumandoks to pay the tumado or land rent for them to be able to stay and till their land" Tumandok people's struggle for their ancestral lands, 09/09/2009.[1] Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.
  2. Sulod: A language of Philippines. Ethnologue.
  3. Binukot: Revisiting the Western Visayas only indigenous group.
  4. "Tumandok people's struggle for their ancestral lands". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2018-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)