Mga guho ng Simbahan ng San Pablo
Ang mga guho ng Simbahan ng San Pablo (Tsino: 大三巴牌坊; Portuges: Ruínas de São Paulo) ay mga guho ng ika-17 siglong Katolikong relihiyosong complex sa Santo António, Macau, Tsina. Kabilang dito ang orihinal na Kolehiyo ng San Pablo at ang Simbahan ng San Pablo (Igreja de São Paulo), na kilala rin bilang "Mater Dei", isang ika-17 siglong Portuges na simbahang alay kay San Pablo Apostol. Ngayon, ang mga guho ay isa sa mga pinakatanyag na bantayog ng Macau at isa sa Pitong Kamangha-mangha sa Mundong Portuges. Noong 2005, pormal na itong itinala bilang bahagi ng Makasaysayang Sentro ng Macau, isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinayo noong 1602 hanggang 1640 ng mga Heswita,[1] ang simbahan ay isa sa pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya noong panahong iyon. Sa pagbaba ng halaga ng Macau, na noon ay pangunahing daungan para sa Delta ng Ilog Perlas ng Hong Kong, ang halaga ng gusali ay nabawasan, at nawasak ito ng sunog sa panahon ng bagyo noong Enero 26, 1835. Tinunghayan ni Fortaleza do Monte ang pagkasira. Ito ay maaaring sanhi ng pagpapakita ni Francesco Melzi ng codex kay Carlo Spinola sa Milano[2] o ng arkitektong si Giacomo della Porta (konektado sa Codex ni Leonardo, dating Codex Leicester, na pagmamay-ari ngayon ni Bill Gates) na nagdisenyo ng patsada ng Simbahan ng Gesù sa Roma.Maling banggit (Hindi tamang <ref>
tag;
May pangalan dapat ang refs na walang nilalaman); $2
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga guho ay binubuo ngayon ng batong patsadang nakaharap sa timog—maselang inukit sa pagitan ng 1620 at 1627 ng mga Kristiyanong Hapon na pagpapatapon mula sa kanilang bayan at mga lokal na manggagawa sa ilalim ng direksiyon ng Italyanong Heswitang si Carlo Spinola—at ang mga cripta ng mga Heswitang nagtatag at nagpapanatili ng simbahan. Ang patsada ay matatagpuan sa isang maliit na burol, na may 68 mga hagdan na bato na patungo rito. Kasama sa mga larawang inukit ang mga larawang Heswita na may mga temang oriental, tulad ng Mahal na Birheng Maria na umaapak sa isang pitong-ulo na hydra, na inilarawan sa mga Tsinong karakter bilang 'Niyuyurakan ng Banal na Ina ang ulo ng dragon'. Ang ilan sa iba pang mga larawang inukit ay mula sa nagtatag ng Ordeng Heswita, ang pagtatagumpay ni Hesus laban sa kamatayan, at sa tuktok, isang kalapati na nakaunat ang mga pakpak.
Pagpapanatili
[baguhin | baguhin ang wikitext]Buhat ng mga panawagan na huwag gibain ang delikadong patsadang nakahilig, mula 1990 hanggang 1995, ang mga lugar ng guhi ay hinukay sa ilalim ng pangangalaga ng Instituto Cultural de Macau upang pag-aralan ang makasaysayang nakaraan nito.[kailangan ng sanggunian] Natuklasan ang cripta ang ang mga planong arkitektural ng gusali. Maraming relihiyosong artepakto ang natagpuan kasama ang mga relikya ng mga Kristiyanong Tsinong martir at ang monastikong klero, kasama ang nagtatag ng kolehiyong Heswita sa Macau, si Padre Alessandro Valignano.[kailangan ng sanggunian]
Ang mga guho ay napanumbalik ng gobyerno ng Macao bilang isang museyo, at ang patsada ay binibigyan ng diniinan sa likuran ng kongkreto at asero sa paraang napapanatili ang estetikong integridad ng patsada.[kailangan ng sanggunian] Isang bakal na hagdanan ang nagpapahintulot sa mga turista na umakyat sa taas ng patsada mula sa likuran.
References
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-11-04. Nakuha noong 2020-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-07. Nakuha noong 2020-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
- Mga midyang may kaugynayan sa Ruins of St. Paul's sa Wikimedia Commons