Mga zilenyal
Ang mga Zilenyal (kilala din sa katawagang Ingles na Zillennials, Generation Zer, Snapchat Generation, at Minion Z Generation) ay isang maikling demograpikong kohort na sinundan ang Henerasyong Y o ng Mga milenyal at bago mag Henerasyong Z. Ay walang batayan sa kung anong taon nagsimula o mag tatapos, Ayon sa Unibersidad ng Boston ay nag simula ang taon mula 1992 hanggang 2002 at sa McCrindle simula sa taon nang 1993 hanggang 1998 at sa ibang websayts ay 1991 hanggang 1999.
Depinisyon sa pagitan ng henerasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang zilenyal ay isang maikling bagong henerasyon ayon sa ibang demograpiya, Ayon sa Pew Research ang mga tao na isinilang mula 1981 hanggang 1996 ay mga milenyal at 1997 hanggang 2012 ay tinatawag na mga Henerasyong Z. At sa McCrindle ang mga milenyal ay isinilang mula sa taon 1980 hanggang 1994 at Henerasyong Z mula 1995 hanggang 2009.
Sa mga taon 1995 at 1996 o ang mga tinatawag na taon na cusp na nasa pagitan ng mga milenyal at henerasyong z ay walang tiyak kung saan henerasyong grupo na nabibilang, hindi tulad sa mga taon ng 1994 na nasa hanay ng milenyal at 1997 sa henerasyong z ay malaking usapin ayon sa mga sa pagsisiyasat sa bawat websayts. Ang milenyal at henerasyong z ay naghati sa dalawang henerasyon sa Dekada 1990 mula 1990 hanggang 1994 para sa mga milenyal at 1995 hanggang 1999 para sa mga zilenyal.