Micah Hilotin
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2019)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Micah Hilotin | |
---|---|
Kapanganakan | Micah Hilotin |
Nagtapos | Unibersidad ng Pilipinas-Baguio |
Si Micah Dela Torre Hilotin ay isang Bikolanong pintor na gumagamit ng lupa bilang medyum at isa din siyang ilustrador mula sa banwaan ng Pili, Camarines Sur. Naging parte siya ng Cordillera Green Network, Inc. sa Lungsod ng Baguio bago bumalik sa kanyang lupang tinubuan.[1][2] Isa siya sa mga nag-organisa ng Pagkarahay Arts Camp & Festival 2018 Naka-arkibo 2019-03-13 sa Wayback Machine. na ginawa sa Sentral na Bikolnon na Unibersidad nin Estado kan Agrikultura (CBSUA) sa Pili, Camarines Sur.[3] Nagtapos siya ng Batsilyer sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio noong 2015.
Si Hilotin ay naging ilustrador ng librong Si Bebe, si Boboy, asin an Saindang Pankagkag, Pansighid, Pansalod nin Ati asin Magkakambal na Sundang na parte ng isang serye ng tri-lingwal na mga babasahing pambata na Boom Boom Boom An mga Aki kan Camarinezoom na isinulat ni Carlos Arejola.[4] Sa ginawang Rimpos: art-literature Exhibition[patay na link] ng Salingoy Art Group, kahanay ng kanyang mga obrang guhit ang mga rawitdawit ni Lourdes Nieva. Ang kaganapan ay ginawa sa Naga City Art Gallery sa Jesse M. Robredo Coliseum mula Mayo 4 hanggang 18, noong 2013. Nagpalabas ng isang libro na isinaayos ni Eilyn Nidea laman ang maiiksing tala tungkol sa mga mangguguhit at manunulat na kabilang sa aktibidad, mga litrato at mga katha na ipinakita sa eksibit.[5][6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Baguio-based artists hold 'future culture' exhibit Sun Star (pighugot 2018-8-5)
- ↑ UPB Summer Arts extension program enlivens Binalonan arts scene Binalonan.gov.ph (pighugot 2018-8-5)
- ↑ CBSUA and Camarines Sur art groups mount PAGKARAHAY Arts Festival 2018 Naka-arkibo 2019-03-13 sa Wayback Machine. http://www.artplus.ph
- ↑ 3 Bikolnon children's storybooks launched Naka-arkibo 2019-03-16 sa Wayback Machine. Bicolstandard.com (pighugot 2018-8-5)
- ↑ Rimpos, an art-literature exhibition, to open in Naga City this May 4[patay na link] Panitikan.com.ph (pighugot 2015-06-27)
- ↑ Salingoy stages Rimpos Art-Lit exhibit[patay na link] Panitikan.com.ph (pighugot 2015-06-27)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Micah Hilotin Facebook
- [1] Naka-arkibo 2019-03-13 sa Wayback Machine.
- [2][patay na link]