Pumunta sa nilalaman

Mikroskopyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Miksipat)
Ang mikroskopyo ni Robert Hooke (1665) - isang instrumentong ginamit sa pag-aaral ng mga nilalang na may buhay.

Ang mikroskopyo o mikroskopo (mula sa wikang Griyego: μικρόν (micron) = maliit + σκοπεῖν (skopein) = tingnan ang) ay isang instrumento para sa pagtingin o pagsilip ng mga bagay na masyadong maliit para makita ng mga mata lamang o hindi-tinutulungang mga mata. Tinatawag na mikroskopiya ang agham ng pagsusuri ng mga maliliit na bagay na ginagamitan ng ganitong kagamitan. Nangangahulugan ng masyadong maliit at hindi nakikita ng mata kung hindi tutulungan ng mikroskopyo ang salitang mikroskopiko. May halos 400 taon na ang kasaysayan nang simulang gamitin ang mga mikroskopyo sa mga paaralan at mga tahanan.

Ang pinakaunang gamiting mikroskopyo ay nilikha sa Netherlands noong mga unang panahon ng dekada 1600. May kalituhan sa impormasyon hinggil sa lumikha (imbentor) at mga petsa ng pagkakaimbento ng mikroskopyo. Tatlong magkakaibang mga manlilikha ng mga salaming pang-mata ang nabigyan ng kapurihan sa pagkakalikha ng imbensiyon: sina Hans Lippershey (na manlilikha rin ng pinakaunang tunay na teleskopyo), Hans Janssen at ang anak niyang lalaki na si Zacharias Janssen.

Ang pinakapangkaraniwang mikroskopyo, at ang pinakaunang nalikha, ay ang mikroskopyong optikal. Isa itong instrumentong optikal na naglalaman ng isa o maraming mga salaming-lente na nakalilikha ng malaking imahe ng isang bagay na nalalagay sa tipunang-patigan (focal plane) ng mga lente. Subalit mayroon pang ibang mga disenyo ng mga mikroskopyo.

Isang mikoskopyong optiko (1879) ni Carl Zeiss Jena.
Karaniwang ginagamit ang mikroskopyong stereong ito para sa may mababang-lakas na pagpapalaki ng mga malalaking paksang-bagay o ispesimen.
Stereomicroscop
Modern stereomicroscope optical design.
A - Objective B - Galilean telescopes (rotating objectives) C - Zoom control D - Internal objective E - Prism F - Relay lens G - Reticle H - Eyepiece

Maaaring malawakang paghiwalayin sa dalawang uri ang mga mikroskopyo: ang mga mikroskopyong ginagamitan ng teoriyang optiko (may mga salaming-lente na kumikinabang sa paggamit ng liwanag), at ang mga mikroskopyong paniktik (mga mikroskopyo para sa pangmalawakang mapanghimasok at mapang-tiktik na pagsusuri at pananaliksik o tinatawag sa wikang Ingles bilang mga scanning probe microscope).

Gumagana ang mga miskropyong teoriyang optiko sa pamamagitan ng teoriyang optiko ng mga lente upang mapalaki ang anyong nalilikha dahil sa pagdaan ng mga alon ng liwanag sa kalalangan ng halimbawang bagay. Maaaring elektromagnetiko (para sa mga mikroskopyong optiko) o mga sinag-elektron (para sa mga mikroskopyong elektron) ang ginagamit ng mga mikroskopyo. Ang mga klase ng mikroskopyo ay ang mga sumusunod: mikoskopyong pangsanib-liwanag (sa Ingles: compound light microscope: mikroskopyong may magkakaanib na lente upang makasagap ng mga magkakaanib na liwanag), mikroskopyong stereo, at mikroskopyong elektron.

Mga mikroskopyo na espesyal ang gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gumagamit ang mikroskopyong akostiko ng mga alon ng tunog upang masukat ang mga pagkakaiba-iba sa mga hadlang ng tunog. Katulad ng SONAR, ginagamit ito para sa mga gawaing pang-tiktik at paghuli ng mga depekto (kasiraan at kakulangan) sa ilalim ng mga mukha ng mga kasangkapan na kinabibilangang ng mga natatagpuan sa mga pinagsanib na mga palibot-ruta (Ingles: mga integrated circuit o mga integradong sirkit).[1]

Ginagamit ang mga mikroskopyong inverso sa pagsusuri at pag-aaral ng lahat ng mga uri ng mga asero at aloy. Mainam ito sa pagbibigay ng antas sa kalidad ng mga hinugisang asero, sa pagsusuri ng mga hilaw na materyales, at maging sa kayariang pang-metalurhiya matapos maidarang sa init.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mechanical part of microscope

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.