Mila Kunis

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin


Mila Kunis
Si Kunis sa isang panel ng Family Guy sa San Diego Comic-Con noong 2009
Kapanganakan Milena Markovna Kunis/Milena Markivna Kunis[1][2]
(1983-08-14) Agosto 14, 1983 (edad 34)
Chernivtsi, Ukranyanong SSR, Unyong Sobyet
Alma mater Pamantasan ng Loyola Marymount
Hanapbuhay Aktres, artista ng tinig
Mga taon ng kasiglahan 1994–kasalalukuyan
Inang-bayan Los Angeles, California
Katambal Macaulay Culkin (2002–2010)

Si Milena "Mila" Kunis (Ruso: Милена "Mилa" Кунис; Ukrainian: Мілена "Міла" Куніс;[1] ipinanganak noong 14 Agosto 1983; play /ˈmlə ˈknɪs/) ay isang Amerikanang aktres. Ang kanyang mga nagawa ay kinabibilangan ng gampanin bilang Jackie Burkhart sa seryeng pantelebisyon na That '70s Show at bilang tinig ni Meg Griffin sa mga seryeng animado na Family Guy. Gumanap din siya ng mga papel sa pelikula, katulad ng bilang Rachel Jansen sa Forgetting Sarah Marshall, bilang Mona Sax sa Max Payne, bilang Solara sa The Book of Eli at bilang Jamie sa Friends with Benefits.

Noong 2010, napagwagian niya ang Premio Marcello Mastroianni para sa bagiging Pinaka Mahusay ng Kabataang Aktor o Aktres (Best Young Actor or Actress) sa ika-67 Venice International Film Festival dahil sa kanyang pagganap bilang Lily sa Black Swan. Nanomina rin siya para sa isang Golden Globe Award for Best Supporting Actress (Gantimpalang Ginintuang Globo para sa pagiging Pinaka Mahusay na Sumusuportang Aktres) at isang Screen Actors Guild Award para sa Outstanding Performance by a Female Actor in a Supporting Role (Katangi-tanging Pagganap ng isang Babaeng Aktor na sa Gampaning Sumusuporta) sa gayun ding papel. Noong 2011, napangalanan siya bilang isa sa "100 Hottest Women of All-Time" (100 Pinaka Maiinit na mga Babae sa Lahat ng Panahon) ng Men's Health.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Ang Ruso at Ukranyano ay kapwa opisyal na mga wika sa Unyong Sobyet (Pinagkunan:Language Policy in the Soviet Union ni L.A. Grenoble), subalit Ruso ang nangibabaw sa populasyong Hudyo sa mga lungsod na Ukranyano (Pinagkunan:Harvest of Despair: Life and Death in Ukraine Under Nazi Rule ni Karel C. Berkhoff)
  2. Magkaiba ang pambabaeng patronimik ng Ruso at Urkanyano.
  3. "The 100 Hottest Women of All-Time". Men's Health. 2011. http://www.menshealth.com/sex-women/hottest-women-all-time. Hinango noong 26 Marso 2012. 



TalambuhayEstados UnidosTelebisyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.