Pumunta sa nilalaman

Minecraft

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Minecraft
NaglathalaMojang AB
Nag-imprentaMojang, Microsoft Studios, Sony Computer Entertainment
DisenyoMarkus "Notch" Persson noong 2009-2011, Jens "Jeb" Bergensten noong 2011-kasalukuyan
Programmer
  • Jens Bergensten Edit this on Wikidata
Musika
  • Aaron Cherof
  • C418
  • Gareth Coker
  • Kumi Tanioka
  • Lena Raine Edit this on Wikidata
Serye
  • Minecraft Edit this on Wikidata
Engine
  • Lightweight Java Game Library Edit this on Wikidata
Plataporma
Dyanra
  • Action-adventure game
  • sandbox game
  • survival game Edit this on Wikidata
Mode
  • Multiplayer video game
  • single-player video game Edit this on Wikidata

Ang Minecraft ay isang larong 3D tungkol sa pagsisira at paglalagay ng mga bloke, sa daigdig na yari din sa bloke. Ginawa ito noong 2009 ng isang Suwekong tagaprograma na nagngangalang Markus Persson (kilala rin bilang Notch) at nang kinalaunan, nilimbag ito ng isa ring Suwekong kompanya, ang Mojang.

Ang pangunahing karakter sa laro ay si Steve (sa Bedrock at sa Java) at si Alex (lumabas ang karakter na ito pagkatapos ang update na 1.8 sa Java). Ang larong ito ay isang sandbox video game kung saan malaya ang manlalaro na makakapagbuo ng mga istraktura o bahay para maprotektahan ang karakter ng manlalaro sa kalabang mga halimaw. Ang layunin talaga sa larong ito ay ang mapatay ang Ender Dragon (unang boss sa Minecraft). Makikita ang Ender Dragon sa "The End" na kung saan kapag nakapasok rito ay hindi puwedeng bumalik sa Overworld hanggat mapatay ang dragon. Ang Portal sa "The End" ay binubuo ng 12 na End Portal frames at Eye of Ender. Pagkatapos matalo ang Ender Dragon, makukuha ang Dragon Egg. Lalabas rin ang End Poem at ang mga kredito. Pagkatapos nito ay babalik ang manlalaro sa Overworld. Mayroon pang isang portal na tinatawag na "The Nether". Binubuo ito ng 6x4 (o higit pa) na obsidian, at Flint and Steel. Sa laro ding ito ay puwede makapaglaro kasama ang mga kaibigan sa pamamagitan ng LAN.

May mga kurokurong paliwanag tungkol sa mga karakter sa Minecraft. Isa na rito ang karakter na si Herobrine. Siya raw ay may kakayahang gumawa ng iba't-ibang istraktura at pumatay ng iba't-ibang player. Mayroon ding mga kuha sa video na makikita sa YouTube na nakita raw ng isang player na nagngangalang "Joshua Parkington". Siya raw ay lumilitaw sa mga lumang bersiyon ng laro. Ang pagkakakilanlan ng mga player kay Herobrine ay tulad din ni Steve. May mga puting mata at kapatid ni Notch. Nagpaliwanag na si Notch na wala raw siyang kapatid. Kung mayroon man, ay meron siyang half-brother pero hindi naman naglalaro ng Minecraft ang kanyang kapatid.

May mga app na nagpapatch rito upang maiedit o mabago (mod) ang paglalaro. Sa kompyuter ay mayroon aplikasyong tinatawag na Forge.

Mga Mobs (Nilalang) sa Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pasibo (Passive)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kalabang nokturnal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Creeper (isang berdeng kalaban na lumalapit sa manlalaro at pagkatapos ay sasabog)
  • Gagamba
  • Gagambang Kuweba
  • Kalansay (na may pana)
  • Silverfish
  • Uhog (Slime, nagdodoble ito kapag namamatay)
  • Spider Jockey (Kalansay na nakasakay sa Gagamba)
  • Witch o Mangkukulam
  • Zombie (Mayroon ding mga Zombie Villager)
  • Chicken Jockey o Zombie na nakasakay sa manok
  • Tagabantay o Guardian (makikita sa ocean monuments)
  • Matandang Tagabantay o Elder Guardian (makikita rin sa ocean monument)
  • Mamamatay na kuneho o Killer Rabbit

Mga Mobs na Makikita sa "Nether" o ang Impiyerno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Liyab o Blaze
  • Maninindak o Ghast
  • Kumukulong Putik Na Kuwadrado o Magma Cube
  • Nanlalantang Kalansay o Wither Skeleton
  • Nanlalanta o Wither
  • Zombified Piglin (dating Zombie Pigman)

Mga Mobs na Makikita sa " The End" o Ang Katapusan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tao Ng Wakas o Enderman (makikita rin sa Overworld)
  • Dragon Ng Wakas o Ender Dragon (nagii-spawn lamang sa End isang beses ngunit pwedeng buhayin muli)
  • Anay Ng Wakas o Endermite (makikita din sa Overworld)
  • Shulker (nakatira sa End City)

Maaari bilhin ang Minecraft para sa PC/Mac. Ang Minecraft: Pocket Edition ay available sa iOS at Android, at ang Minecraft: Xbox 360 Edition ay available sa XBLA Marketplace. Sa ngayon, 8,387,534+ tao na ang nakabili ng bersiyong para sa PC/Mac ng laro. Ang Minecraft sa PC/Mac at sa Android/IOS o Bedrock Edition ay nasa 1.21 na.

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]