Mito ng paglikha ng Sumerya
Ang pinakaunang tala ng Paglikhang mito na Sumerian at mito ng baha ay matatagpuan sa isang pragmentaryong tabletang putik na nahukay sa Nippur. Ito ay minsang tinatawag na Eridu Genesis. Ito ay isinulat sa wikang Sumeryo at pinetsahan noong 2150 BCE,[1] noong unang dinastiyang Babilonyo kung saan ang wika ng pagsulat at pangangasiwa ay nananatiling Sumeryo. Ang ibang mga mito ng paglikha mula sa petsang ito ay tinatawag na Silindrong Barton(Barton Cylinder), ang debate sa pagitan ng tagginaw at tag-init at ang debate sa pagitan ng tagginaw at tag-init ay matatagpuan rin sa Nippur.[2]
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kung saan nagpatuloy ang tableta, ang mga Diyos na sina An, Enlil, at Ninhursanga ay lumikha ng may itim na ulong mga tao at lumikha ng komportableng mga kondisyon para sa mga hayop na mamuhay at magparami. Pagkatapos nito, ang paghahari ay bumaba mula sa langit at ang unang mga siyudad ay itinatag: Eridu, Bad-tibira, Larsa, Sippar, at Shuruppak.
Pagkatapos ng nawawalang seksiyon sa tableta, ang mga Diyos ay nagpasyang hindi na iligtas ang sangkatauhan mula sa paparating na malaking baha. Nalaman ito ni Zi-ud-sura na hari at saserdote na gudug. Sa kalaunang bersiyong wikang Akkadiano, si Ea, o Enki sa Sumeryo, na Diyos ng mga tubig ay nagbabala sa bayani na sa kasong ito ay si Atra-hasis at binigyan ito ng mga instruksiyon para sa paggawa ng bangka. Ito ay nawawala sa pragmentong Sumeryo ngunit ang banggit na si Enki ay kumuha ng payo sa kanyang sarili ay nagmumungkahing ito rin ang tungkulin ni Enki sa bersiyong Sumeryo. Nang magpatuloy ang tableta, ito ay naglalarawan ng isang malaking baha. Ang isang teribleng bagyo ay yumanig sa malaking bangka sa loob ng pitong mga araw at pitong mga gabi, at pagkatapos ay si Utu na diyos na araw ay lumitaw at si Zi-ud-sura ay lumikha ng bukanan sa bangka, nagpanikluhod at naghandog ng mga baka at tupa. Pagkatapos ng isa pang hinto, ang teksto ay nagpatuloy. Ang malaking baha ay maliwanag na tapos na. Ang mga hayop ay lumabas sa arko at si Zi-ud-sura ay nagpanikluhod sa harapan nina An(Diyos ng kalawakan) at Enlil(Punong Diyos) na nagbigay sa kanya ng walang hanggang buhay at dinala siya sa Dilmun upang "ingatan ang mga hayop at ang binhi ng sangkatauhan". Ang natitira ng tula ay nawala. [3]
Arkeolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa resensiyong WB-62 ng talaan ng mga haring Sumeryo, si Ziusudra ng Shuruppak ang huling hari ng Sumerya bago ang baha. Nakumpirma ng mga arkeologo ang presensiya ng isang malawakang patong ng mga depositong silt sa mga bangko ng ilog sa Shuruppak na pinetsahan ng radio carbon na nangyari noong ca. 2900 BCE sa sandaling pagkatapos ng osilasyong Piora na gumambala sa pagkakasunod ng pagtira ng tao na nag-iwan ng ilang talampakan ng dilaw na sedimento sa mga siyudad ng Shuruppak at Uruk at hanggang sa Kish sa hilaga. Ang mga palayukang polychrome mula sa panahong Jemdet Nasr (3000-2900 BCE) ay natuklasan ng agaran sa ilalim ng stratum o patong ng baha sa Shuruppak. Ang panahong Jemdet Nasr ay sinundan ng mga artipakto ng panahong Maagang Dinastiko I sa itaas ng patong na sedimento ng baha.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ pp. 202-203 in Davila, J. R. (1995). The flood hero as king and priest. Journal of Near Eastern Studies 54(3), 199-214.
- ↑ Ewa Wasilewska (2000). Creation stories of the Middle East. Jessica Kingsley Publishers. pp. 146–. ISBN 978-1-85302-681-2. Nakuha noong 23 Mayo 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Black, J.A., Cunningham, G., Fluckiger-Hawker, E, Robson, E., and Zólyomi, G. (1998) The Electronic Text Corpus of Sumerian Literature Naka-arkibo 2019-05-02 sa Wayback Machine.. Oxford.