Pumunta sa nilalaman

Mobile Suit Gundam SEED

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mobile Suit Gundam SEED
Kidō Senshi Gandamu SEED
Titulo
機動戦士ガンダム・シード
DyanraMecha, Military, Romance
Teleseryeng anime
DirektorMitsuo Fukuda
EstudyoSunrise
Inere saMainichi Broadcasting System, Tokyo Broadcasting System
 Portada ng Anime at Manga

Ang Mobile Suit Gundam SEED (o Gundam SEED) ay isang seryeng pantelebisyong anime mula sa Japan. Bahagi ito ng franchise o prangkisa na Gundam na sinimulan noong 1979 bagaman nangyayari sa ibang santinakpan na tinatawag na Cosmic Era

Pagpapalabas sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang anime na ito ay unang ipinalabas sa Pilipinas sa pamamagitan ng ABS-CBN noong 20 Disyembre 2004, (kasagsagan ng pagkamatay ni Fernando Poe, Jr.). Ito ay unang ipinalabas sa oras na ika-6 ng Gabi, bago ang balitaang TV Patrol World. Ipinalabas din ito sa mga estasyon (mga pag-aari ng estasyon at mga affiliated stations) ng ABS-CBN sa buong bansa sa mas maagang oras. Ngunit nang kalaunan, binago ito sa alas-5:30 ng hapon para magbigay daan sa programang Search for the Star in a Million : The Road to Stardom. Tinangkilik ito ng mga Anime Otaku sa Pilipinas dahil sa mahusay na pagkakagawa ng mga disenyo at sa pagboboses ng mga karakter nito.

Ito ay idinirehe ni Michael Punzalan at pinagbobosesan sa wikang Tagalog nina:

Sa panahon ng Cosmic Era (CE), dalawang pwersa ang naglalaban, Ang Earth Alliance Force na binubuo ng mga Naturals o ordinaryong tao at ang ZAFT (Zodiac Alliance of Freedom Treaty) na binubuo ng mga Coordinators o mga genetically-modified na tao. Mga kolonyalista sa kalawakan ang mga Coordinators habang mga taga mundo ang mga Naturals. Ang alitan ng mga Naturals at Coordinators ang nag bigay daan sa Digmaang Bloody Valentine. Ang kuwento ay iikot sa isang binatang lalaki na si Kira Yamato na naging piloto ng GAT-X105 Strike. Magiging mahigpit niyang kalaban ang kanyang matalik na kaibigan na si Athrun Zala na piloto ang GAT-X303 Aegis. Habang tumatagal, makikilala ni Kira ang iba't-ibang tao gaya ni Mu La Flaga, ang tanyag na "Hawk of Endymion", Murrue Ramius, ang kapitan ng Archangel, Cagalli Yula Athha, ang anak ng Orb Representative Uzumi Nara Athha at ang kanyang nawawalang kambal na babae, Flay Allster, anak ng Atlantic Federation minister George Allster na umakit kay Kira at ang crew ng warship na Archangel. Nang pinatay ni Kira ang kaibigan ni Athrun na si Nicol Amalfi, lubos na nagalit si Athrun at pinasabog ang Aegis sa harapan ng Strike. Sa nagdalamhati ang buong Archangel at galit na galit si Cagalli kay Athrun. Walang kaalam-alam ang lahat na si Kira ay inaalagaan ni Lacus Clyne, ang sikat na singer sa PLANTs at anak ni Siegel Clyne. Tinulungan ni Lacus si Kira sa pagnakaw ng ZGMF-X10A Freedom. Sa labanan ng JOSH-A, bumalik si Kira at dito tumiwalag sa Earth Alliance Force ang Archangel at pumanig sa Orb Union. Sa Orb din nagkaayos sina Kira at Athrun at opisyal na tumiwalag sa ZAFT si Athrun at ang kasamahang si Dearka Elsman na noo'y bilanggo ng Archangel. Nang papalapit na sa katapusan ang serye, naganap sa kalawakan ang mga pinakamatinding laban ng EAF at ZAFT. Dito nabuo ang Three Ship Alliance. Hinarap nila ang ZAFT at EAF para tigilin na ang giyera. Hinarap din nila ang pinakamalakas na sandata ng ZAFT, ang G.E.N.E.S.I.S. Hinarap ni Kira sa Rau Le Creuset, ang masamang ZAFT superior na gustong wasakin ang sangkatauhan, at dito niya nalaman ang maraming sekreto sa kanyang nakaraan. Nalaman niya na siya ang "Ultimate Coordinator" at kambal niya si Cagalli. Nalaman rin ni Mu na si Raw ay kanyang kapatid dahil isa siyang clone ng kanyang ama na si Al La Flaga. Si Raw rin ang pumatay sa totoong magulang ni Kira at Mu. Unang hinarap ni Mu si Raw pero tinakasan niya ito dahil sa pinsala ng kanyang Strike. Nang pasasabugan sana ng Dominion na pinamumunuan ni Natarle Badgiruel, dating nasa Archangel, ang Archangel, pinigil ni Mu ang malakas na atake ng Dominion at sumabog ang kanyang mobile suit (pero sa malalaman sa Gundam Seed Destiny na nakaligtas siya sa pagsabog). Si Kira ang humarap kay Raw at tinalo niya ito pero wasak na wasak ang kanyang Freedom. Si Athrun naman at si Cagalli ang pumigil sa GENESIS. Sa labanan sa kalawakan dito natapos ang Digmaang Bloody Valentine.

Mga nagboses sa wikang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Natapos ang serye noong 4 Marso 2005 (isang linggong huli sa dapat nitong araw ng katapusan, 25 Pebrero 2005, araw ng ika-19 EDSA Reboulusyon) at ito ay pinalitan ng Naruto.

Makalipas ang ilang buwan, umere ang bagong anime channel ng ABS-CBN, ang Hero TV, dito ulit nasilayan ang serye. Noong Oktubre ng 2005, mga 7 buwan makalipas ang pagtatapos ng serye, ipinalabas ulit ito sa ABS-CBN tuwing Sabado ng ika-7 ng umaga, pagkatapos ng Salamat Dok. Huling nakita ito sa ABS-CBN Channel 2 noong 21 Enero 2006. Sa kasalukuyan ito ay ipinalalabas sa Hero TV.

Pagpapalabas sa Canada, at sa Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang ipinalabas ang serye sa bansang Hapon noong 25 Oktubre 2002 hanggang 7 Setyembre 2003 sa lahat ng Japan News Network stations sa buong Hapon (kasama ang Lead Network ng JNN na Tokyo Broadcasting System at ang Producing Network na Mainichi Broadcasting System). Ito ay ipinalabas tuwing Sabado, ika-6 ng gabi, oras sa Tokyo (ika-5 ng hapon oras sa Maynila)

Sa Canada, nagsimulang umere ang serye sa YTV sa kanilang "Bionix block" noong Setyembre 2004.

Cosmic Era characters
Edit this template
Earth Alliance/Atlantic Federation/OMNI Enforcer:
Flay Allster - Shani Andras - Muruta Azrael - Natarle Badgiruel - Clotho Buer - Morgan Chevalier - Al Da Flaga - Edward Harrelson - Neo Roanoke - Stellar Loussier - Auel Neider - Sting Oakley - Orga Sabnak - Tolle Koenig - Canard Pars

PLANT/ZAFT:
Nicol Amarfi - Shinn Asuka - Rey Za Burrel - Meer Campbell - Siegel Clyne - Rau Le Creuset - Gilbert Durandal - Talia Gladys - Dearka Elsman - Lunamaria Hawke - Meyrin Hawke - Courtney Heironimus - Yzak Joule - Heine Westenfluss - Patrick Zala

ORB Union/Three Ship Alliance/Terminal:
Cagalli Yula Athha - Jean Carry - Lacus Clyne - Dearka Elsman - Yzak Joule - Mu La Flaga/Neo Roanoke - Meyrin Hawke - Miriallia Haw - Murrue Ramius - Rondo Ghina Sahaku - Rondo Mina Sahaku - Andrew Waltfeld - Kira Yamato - Athrun Zala

Miscellaneous:
Lowe Guele - Prayer Reverie - ORB Military Ranks