Pumunta sa nilalaman

Naruto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Naruto
Pabalat ng unang bolyum ng mangang Hapones na Naruto
NARUTO—ナルト—
DyanraAksyon, Pakikipagsapalaran, Pantasya
Manga
Naruto (pilotong kabanata)
KuwentoMasashi Kishimoto
NaglathalaShueisha
MagasinAkamaru Jump
DemograpikoShōnen
Inilathala noong1997
Manga
KuwentoMasashi Kishimoto
NaglathalaShueisha
MagasinWeekly Shōnen Jump
DemograpikoShōnen
TakboNobyembre 1999 – kasalukuyan
Bolyum54
Teleseryeng anime
DirektorHayato Date
EstudyoStudio Pierrot
Inere saAnimax, TV Tokyo
Takbo3 Oktubre 2002 – 8 Pebrero 2007
Bilang220
Nobela
Naruto: Innocent Heart, Demonic Blood
KuwentoMasatoshi Kusakabe
NaglathalaShueisha
Inilathala noong2002
Original video animation
Naruto: Find the Four-Leaf Red Clover!
EstudyoStudio Pierrot
Inilabas noong2003
Haba17 minuto
Original video animation
Naruto: Mission: Protect the Waterfall Village!
EstudyoStudio Pierrot
Inilabas noong2004
Haba40 minuto
Original video animation
Naruto: Hidden Leaf Village Grand Sports Festival
DirektorHayato Date
EstudyoStudio Pierrot
Inilabas noong21 Agosto 2004
Haba11 minuto
Original video animation
Naruto: Finally a clash! Jonin VS Genin!! Indiscriminate grand melee tournament meeting!!
DirektorHayato Date
EstudyoStudio Pierrot
Inilabas noong22 Disyembre 2005
Haba26 minuto
Original video animation
Naruto: The Cross Roads CGI OVA
EstudyoStudio Pierrot
Haba28 minuto
Teleseryeng anime
Naruto: Shippuden
DirektorHayato Date
EstudyoStudio Pierrot
Inere saAnimax, TV Tokyo
Takbo15 Pebrero 2007 – 23 Marso 2017
 Portada ng Anime at Manga

Ang Naruto (ナルト) ay isang seryeng manga mula sa bansang Hapon na sinulat at ginuhit ni Masashi Kishimoto. Kinukuwento nito ang istorya ni Naruto Uzumaki, isang batang ninja na ninais na makuha ang pagkilala mula sa kanyang mga kauri at nangangarap rin siya na maging isang Hokage, ang pinuno ng kanyang nayon. May dalawang bahagi ang salaysay, ang unang tagpo ay noong mga taon bago pa naging tinedyer si Narutoy, at ikalawa ay noong tinedyer na siya. Batay ang serye sa dalawag one-shot o nag-iisang isyu na manga ni by Kishimoto: ang Karakuri (1995), na nag-ani para kay Kishimoto ng isang marangal na pagbanggit sa buwanang Hop Step Award ng Shueisha noong sumunod na taon, at Naruto (1997).

Nailathala ang Naruto sa magasin ng Shueisha na Weekly Shōnen Jump mula 1999 hanggang 2014, at nailabas sa anyong tankōbon (aklat) sa 72 bolyum. Nagkaroon ang mang ng adaptasyon sa anime sa telebisyon na ginawa ng Pierrot at Aniplex, na umere sa 220 kabanata sa Hapon mula 2002 hanggang 2007; ang adaptasyong Ingles ng serye ay umere sa Cartoon Network at sa YTV mula 2005 hanggang 2009. Ang sequel o ang sumunod na serye, ang Naruto: Shippuden, ay unang lumabas sa bansang Hapon noong in 2007, at natapos noong 2017, pagkatapos ng 500 kabanata. Umere ang Ingles na adaptasyon sa Disney XD mula 2009 hanggang 2011, na umere ang unang 98 kabanata, at lumipat sa Toonami sa programming block nito na Adult Swim noong Enero 2014, na sinumulan mula sa unang kabanata. Bukod sa seryeng anime, gumawa ang Pierrot ng labing-isang pelikula at labing-dalawang original video animation (OVA). Sa Pilipinas, umere ang seryeng anime sa ABS-CBN.[1]

Ang Naruto ay ang ika-apat na pinakamabentang serye ng manga sa kasaysayan, na nakabenta ng 250 milyong sipi sa buong mundo sa 46 na bansa.[2]

Yondaime Minato Namikaze - ang nagsalin ng Kyuubi sa katawan ni Uzumaki Naruto sa pamamagitan ng sealing technique

Maraming mga tauhang makikilala at ipinakikilala sa anime at manga na Naruto. Binibigyang-diin ng kuwento ang pagbuo sa mga tauhan o character development. Sa simula makikilala natin ang pangunahing tauhan na si Uzumaki Naruto. Makikilala rin natin ang kagrupo ni Naruto na sina Haruno Sakura, Uchiha Sasuke at ang kanilang guro na si Hatake Kakashi. Ipinakilala din ang guro nilang si Umino Iruka sa akademiya ng mga ninja at ang ikatlong Hokage ng bayan ng Konoha na si Sarutobi Hiruzen.

Iba't ibang antas ng Ninja

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Estudyante
    • Ang mga estudyante ay tinuturuan ng mga pangunahing kaalaman at gawain ng isang ninja o shinobi.
  • Genin
    • Ang Genin ay ang pinakamababang ranggo ng isang shinobi. Makakamit ito ng isang ninja kapag siya ay pumasa sa pagsusulit sa Akademya ng ninja. Sa kalimitan, sila ang nagsasagawa ng mga mabababang Class D na misyon.
  • Chunin
    • Ito ang rangko ng mga shinobi kapag nakapasa sila sa pagsusulit na Chunin. Sila ang mga nagsasagwa ng mga Class C misyon at ilang mga Class D na misyon.
  • Jonin
    • Ang Jonin ay ang rangko ng mga elitistang na shinobi. Sila ang tumatayo na guro ng mga bagong Genin upang magamit nila nang husto ang mga kaalaman at armas ng isang shinobi. Ang mga Jounin ang kadalasang humahawak ng mga matataas na misyong Class A at ilang Class S.
  • Kage
    • Ang mga Kage ang tumatayong punong-shinobi ng bawat bayan ng mga ninja. Ito ay bunga ng kanilang galing at kadalubhasaan sa pakikipaglaban at paggawa ng mga desisyon para mapanatiling buhay at masagana ang kanilang nasasakupang bayan. Ang ibig sabihin ng salitang "kage" sa wikang Hapon ay anino.
  • Missing-Nin
    • Ang mga Missing-Nins ay mga ninja na inabandona na ang kanilang mga village.
  • Shinobi Hunter
    • Bawat bayan ng ninja ay may grupo ng mga Shinobi Hunters. Sila ang mga humuhuli at pumapatay ng mga Missing Ninja upang hindi malaman ang mga sekreto ng kanilang village.
  • ANBU
    • Ang ANBU ay ang mga piling Chunin o Jounin na ang mga mission ay ang ipapatay ang mga unwanted visitors sa kanilang village at mga Class S na misyon. Sa kanilang natatanging galing, ang mga ANBU din ang nagsisilbing espesyal na grupo ng mga mandirigmang shinobi. May suot na maskara ang mga ANBU.

Ang ibig sabihin ng ANBU ay Ansatsu Senjutsu Tokushu Butai (暗殺戦術特殊部隊, Ansatsu Senjutsu Tokushu Butai), na ang literal na meaning ay Special Assassination and Tactical Squad.

Ang Tatlong Kasanayan ng Ninja

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taijutsu Ang Taijutsu ay hindi na nangangailangan ng Chakra upang magamit, ngunit pwedeng gamitin din ang Chakra upang maging mas mabisa ang paggamit nito. Sa ibang salita, manu-mano ang paraan ng Taijutsu, . Ang paggamit ng mga sandata ay tinuturing ding nakapaloob sa kasanayang ito. Sinasabing ang Gentle Fist Style, ang istilong pandigma na hinulma ng angkan ng Hyuuga, ang pinakamalakas at epektibong Taijutsu. Ipinagbabawal naman ang pag-gamit ng kasanayang Hidden Lotus dahil sa panganib na dulot nito, kadalasa'y ikinamamatay ng gumagamit.

Ninjutsu Ang Ninjutsu (literal: Kasanayang Ninja (Ninja Technique)) ay ang mga kasanayan na nangangailangan ng paggamit ng Chakra. Ang kasanayang ito ay nangangailangan din ng tamang pagkakasunod ng pagbuo ng mga hand seals para mamuo ang chakrang kailangan para sa kasanayang iyon. Nahahati ang Ninjutsu sa iba't-ibang pangkat. May mga Ninjutsu na limitado ang kasanayan sa isang angkan lang. Kekkei Genkai ang tawag dito. Tanging miyembro lang ng angkan na may Kekkei Genkai ang nakakaalam kung paano ginagamit nang wasto ang kanilang kakayahan. Dahil sa limitasyong ito, mas lalong pinagbubuti at pinalalawak ng bawat miyembro ng angkan ang paggamit sa nag-iisa at kakaibang nilang kakayahan. Mayroon ding mga Ninjutsu na may kinalaman sa mga elemento ng kalikasan. Ang limang pangunahing elemento ay ang apoy (Katon), hangin (Fuuton), kidlat (Raiton), lupa (Doton), at tubig (Suiton). Bawat isa ay mas kalakasan (pakanan) at kahinaan (pakaliwa). May mga pagkakataon na pinagsasama ang dalawang magkaibang elemento upang bumuo ng iba pang elemento; gaya ng yelo (Houton) na resulta ng pinagsamang tubig at hangin, at ang kahoy (Mokuton) sa pinagsamang lupa at tubig.

Genjutsu Ang Genjutsu (literal: Kasanayang Pang-ilusyon (Illusionary Technique)) ay katulad din ng Ninjutsu; kailangan din ng paggamit ng Chakra at kadalasa'y pagbuo ng mga hand seals. Ang tanging kaibahan nila ay ginagamit ang genjutsu sa mga kasanayang pang-ilusyon, halimbawa upang lituhin ang kalaban. Sinasabing ang kakayahang Genjutsu ng mga nilalang na nagtataglay ng Sharinggan, gaya ng angkan ng Uchiha, ang pinakamalakas at epektibong Genjutsu.

Mga gumanap sa Naruto (dub sa Tagalog)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang impormasyong ito ay galing sa Anime News Network.

Direktor ng Pag-du-dub: Maverick Mangaccat

Maverick Mangaccat Uzumaki Naruto
Maverick Mangaccat Sakura Haruno, Hinata Hyuuga, Anko Mitarashi
Maverick Mangaccat Sasuke Uchiha, Iruka Umino
Maverick Mangaccat Rock Lee, Kabuto Yakushi, Kankuro,
Maverick Mangaccat Tenten
Maverick Mangaccat Temari
Maverick Mangaccat Gaara
Maverick Mangaccat Hatake Kakashi(episode 1-120), Shikamaru Nara(episode 1-120)
Maverick Mangaccat Hatake Kakashi(episode 121-220), Shikamaru Nara(episode 121-220)
Maverick Mangaccat Neji Hyuuga
Maverick Mangaccat Tenten(episode 56), Tsunade, Tayuya
Maverick Mangaccat Chouji Akimichi, Orochimaru
Maverick Mangaccat Kiba Inuzuka, Sarutobi/Ikatlong Hokage
Maverick Mangaccat Inari, Ino Yamanaka, Kurenai Yuuhi, Shizune
Maverick Mangaccat Itachi Uchiha, Zaku
Maverick Mangaccat Zabuza
Maverick Mangaccat Haku, Itachi Uchiha (4th Season), Yashamaru, Neji Hyuuga (5th Season)
Maverick Mangaccat Shino Aburame
Maverick Mangaccat Konohamaru

Mga gumanap Naruto Shippuuden (dub sa Tagalog)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang impormasyong ito ay galing sa Anime News Network.

Direktor ng Pag-du-dub: Roni Abario

Maverick Mangaccat Naruto Uzumaki, Maito Gai
Maverick Mangaccat Sakura Haruno, Hinata Hyuuga
Maverick Mangaccat Sasuke Uchiha, Iruka Umino, Hiruko
Maverick Mangaccat Rock Lee, Kankuro, Jiraiya, Kabuto
Maverick Mangaccat Tsunade, Tenten
Maverick Mangaccat Temari
Maverick Mangaccat Deidara
Maverick Mangaccat Chouji Akamichi, Orochimaru, Tobi
Maverick Mangaccat Kiba Inozuka
Maverick Mangaccat Ino Yamanaka,, Moegi, Shizune
Maverick Mangaccat Neji Hyuuga, Itachi Uchiha, Zetsu, Yamato
Maverick Mangaccat Shino Aburame, Udon
Maverick Mangaccat Sasori
Maverick Mangaccat Sai

Labindalawang taon bago maganap ang mga pangyayari sa kapanahunan ng serye , ang Kyuubi no Yōko(Demonyong Lobo na nagtataglay ng Siyam na Buntot) ay umatake sa bayan ng Konohagakure(Bayan ng Lingid na Dahon). Sa lakas ng halimaw na Kyuubi,isang hampas lamang ng buntot nito'y kayang yumari ng "tsunami" at gumiba ng bundok. . Bagaman mayaman sa mahuhusay na ninja ang bayan ng Konoha(gakure), malaking kaguluhan at kapahamakan pa rin ang naidulot ni Kyuubi dito. Ngunit sa tulong ng Ikaapat na Hokage,gamit ang kanyang natatanging ninjutsu,ikinulong nya ang halimaw na lobo sa katawan ng isang sanggol na nagngangalang - Uzumaki Naruto. Namatay ang Ikaapat(na Hokage) at nailigtas ang bayan ng Konoha sa mga kuko ni Kyuubi. Ngunit naging kapalit nito ang buhay ng isang magiting at makapangyarihang Hokage.

Ang Ikaapat na Hokage ay nakilala bilang isang bayani dahil sa kanyang pagkulong sa Demonyong Lobo, at gusto rin niyang makilala si Naruto bilang bayani dahil sa pagiging kulungan niya sa Demonyong Lobo. Pero ang kinalakihang bayan ni Naruto ay may hinanakit sa kanya dahil sa delubyong naranasan ng mga tao sa harap ng mismong demonyo na nabubuhay sa loob ng katawan niya.

Ang Grupong Ninja ni Naruto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumaking ulila si Naruto sa magulang. Dahil sa halimaw na Kyuubi na nakakulong sa katawan ni Naruto,iniiwasan siya ng mga tao sa Konoha. Ito marahil ang dahilan kung kaya't madalas na lamang ang pagpapapansin ng dose-anyos na si Naruto. Makulit at madaldal ang batang si Naruto. Kung ano ang galing nito sa pang-aasar sa kapwa,ganun din ang kakulangan nya sa "ninja skills" o kakayahang pang-ninja. Sa Paaralan ng mga Ninja sa Konoha nag-aral si Naruto kasama ang iba pang mga tauhan sa katha ni Kishimoto. Dito nagtuturo si Umino Iruka na siyang gumagabay sa paglaki ni Naruto. Napalapit ang gurong si Iruka kay Naruto dahil marahil pareho silang naulila sa kanilang mga magulang.

Panahon na ng pagsusulit sa Paaralan ng Konoha upang malaman kung karapat-dapat na tawaging "ninja" ang mga magtatapos na mag-aaral,kabilang na rito si Naruto. Pumalya si Naruto sa kanyang pagsusulit kung kaya't hindi nya nakamtan ang "head gear" na siyang katibayan nang pagiging isang ninja sa Konoha. Dahil sa kapilyuhan ni Naruto,nagawa niyang nakawin ang isang sagradong kasulatan(hidden scroll) mula sa Ikatlong Hokage(pansamantalang bumalik sa posisyong Hokage matapos magbuwis ng buhay ang Ikaapat na Hokage). Hinabol siya ng gurong si Iruka at doon nadatnan nila ang isang ninja na nais din makuha ang sagradong kasulatan mula kay Naruto. Nasugatan si Iruka sa pakikipaglaban niya sa masamang ninja. Lubos na nasaktan si Naruto sa nakitang sugatan na guro. Lingid sa nalalaman ni Iruka,nagawa ni Naruto na basahin ang nilalaman ng Sagradong Kasulatan kung saan natutunan niya ang natatangi niyang kakayahang tinaguriang "Kage Bunshin no Juitsu" o Maramihang Panggagaya ng Anyo(Multiple Shadow Clone Technique sa Inggles). Ito ang kaagad na ginamit ni Naruto upang labanan ang masamang ninja. Nabugbog-sarado ang nag-iisang ninja sa laban kung kaya't si Naruto ang nagwagi rito. Dahil sa napanood ni Iruka ang pinakitang gilas ni Naruto, malugod niyang ibinigay kay Naruto ang kanyang kinasasabikang "head gear" ng isang tunay na ninja ng Konoha.

Ang Misyon ng Grupong Kakashi sa Lupain ng Alon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inatasan ang Grupong Kakashi na bantayan si Tazuna, isang inhenyero mula sa Lupain ng Alon, pabalik sa bayan nila. Ito ay itinala bilang C-ranggong misyon dahil sa pagsisinungaling ni Tazuna, ngunit sa katotohanan ito ay isang A-ranggong misyon. Lihim silang nakarating sila sa nayon ng Alon sa pamamagitan ng bangka. Sa paglalakbay nila patungo sa bahay ni Tazuna ay nakalaban nila si Zabuza, isang missing-nin galing sa Lupain ng Hamog (Land of Mist). Gusto ni Tazuna na gumawa ng tulay para makaahon ang bayan niya sa hirap. Dahil doon binigyan ni Gatou, isang gahamang negosyante na kontrolado na ang buong lupain ng Alon, si Zabuza para patayin si Tazuna at upang mapigilan ang paggawa ng tulay.

Lihim silang nakarating sa Lupain ng Alon gamit ang bangka, ngunit nakasalubong nila si Zabuza sa kanilang paglalakbay patungo sa bahay ni Tazuna. Tinalo ni Kakashi si Zabuza, pero bago niya ito mapatay ay dumating si Haku at tinira niya si Zabuza gamit ang mga parang karayom na sandata. Ang alam ni Kakashi, patay na si Zabuza dahil wala siyang naramdamang tibok ng pulso niya. Ngunit sa katotohanan dumating si Haku upang iligtas si Zabuza. Sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay ay hinimatay si Kakashi dahil sa pagkaubos ng lakas niya sanhi ng paggamit ng Sharingan. (Walang epekto ang mga angkang Uchiha sa paggamit nila ng Sharingan dahil ito ay bahagi ng kanilang "bloodline limit", kay Kakashi na hindi naman Uchiha nahihigop ang kanyang lakas sa paggamit ng Sharingan sa kaliwa niyang mata. Ito ang dahilan kung bakit kailangang takpan niya ang Sharingan niyang mata kapag hindi ito ginagamit) Namalagi sila sa bahay ni Tazuna ng isang linggo. Noong nagising si Kakashi kinutuban siya na buhay pa si Zabuza, at dagli din niyang sinanay ang tatlo niyang estudyante bilang paghahanda sa isa pang labanan. Noong naunang nagtagumpay si Sakura sa pagsasanay nila, inatasan siya ni Kakashi na bantayan si Tazuna sa kanyang paggawa ng tulay.

Sa kanilang pamamalagi sa bahay ni Tazuna ay nakilala nila ang isang bata na si Inari, apo ni Tazuna. Dating masayahing bata si Inari, ngunit nagbago ang lahat noong pinatay ng mga alagad ni Gatou ang kinikilala niyang "tatay" at bayani na si Kaiza. Nawalan ng pag-asa at parating malungkot si Inari dahil doon.

Dumating din ang malaking araw ng paglalaban nila. Nilusob ng dalawa sa mga alagad ni Gatou ang bahay ni Tazuna, at kinidnap nila ang nanay ni Inari. Lumakas ang loob ni Inari mula sa pagiging duwag niya at tinangka niyang iligtas ang nanay niya. Noong tinangka na patayin ng mga alagad si Inari, dumating si Naruto upang sagipin siya at ang nanay niya, at tinalo niya ang dalawang alagad ni Gatou.

Samantala, naglalaban na si Haku at Zabuza at si Sasuke at Kakashi. Nandoon din si Sakura upang bantayan si Tazuna. Dumating din si Naruto upang tulungan si Sasuke sa labanan nila kay Haku, ngunit matindi ang labanan nila. Ngunit noong halos mapatay ni Haku si Sasuke ay nagalit si Naruto, na sa sobrang galit ay naging demonyong lobo siya. Doon natalo si Haku dahil hindi niya nakayanan ang panibagong lakas ni Naruto. Noong napatalsik siya ni Naruto ay nakiusap si Haku na patayin siya, ngunit ito ay tinanggihan ni Naruto. Matindi din ang labanan ni Zabuza at ni Kakashi. Noong tinangkang tirahin ni Kakashi si Zabuza gamit ang Lightning Blade, humarang si Haku at siya ang tinamaan. Namatay si Haku.

Walang pakialam si Zabuza sa pagkamatay ni Haku. Ngunit noong kiniwento ni Naruto kay Zabuza kung paano siya naging espesyal sa buhay ni Haku ay naluha siya. Dumating din si Gatou kasama ang kanyang mga batalyon ng ninja. Nagbago ang pananaw ni Zabuza dahil kay Naruto. Sinugod ni Zabuza si Gatou at napatay niya ito, ngunit sa kanyang paglusob ay inatake din siya ng mga ninja ni Gatou.

Palusob na sana ang mga ninja ni Gatou ngunit dumating din ang mga tao sa buong nayon kasama si Inari. Hinimok ni Inari ang kanyang mga kapitbahay na lumaban laban kay Gatou. Natakot ang mga alagad ni Gatou, lalo na noong nag-Kagebunshin Technique si Naruto at si Kakashi, at tumakas na sila. Noong araw na iyon, namatay din si Zabuza dahil sa kagrabihan ng kanyang sugat na tinamo niya mula sa mga alagad ni Gatou, katabi si Haku (bilang pakiusap niya kay Kakashi).

Natapos din ang tulay. Dahil sa grupo ni Kakashi, at lalo na kay Naruto na nagpabago sa ugali ni Inari mula sa pagiging duwag at malungkutin tungo sa pagiging matapang at masayahing bata, pinagdesisyunan ng mga tao sa Lupain ng Alon na pangalananin ang tulay bilang "Ang Dakilang Tulay Naruto" (The Great Naruto Bridge). Ang tulay na ito ay naging simbolo sa pag-asa ng bayan.

Ang Pagsusulit na Chuunin sa Konoha

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dumating ang araw ng pagsusulit na Chuunin sa Konoha. Kasama ang mga estudyante ni Kakashi sa mga kasama dito, bilang kanyang rekomendasyon. Kasama din ang mga ilang Genin sa ibang nayon dito. Nakilala ng grupo ni Naruto si Kabuto, na tumutulong sa kanila upang makausad sa pagsusulit. Ang hindi nila alam ay si Kabuto ay isang espiya at alagad ni Orochimaru.

Ang Unang Pagsusulit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang pagsusulit ay pasulat, na pinangangasiwaan ni Ibiki. Ang tunay na layunin ng pagsusulit na ito ay mandaya ng hindi nahuhuli: samakatuwid, sinusubok ang galing sa pagkuha ng impormasyon ng hindi nahuhuli. Hindi ito alam ni Naruto hanggang sa matapos ang eksaminasyon. Ang ikasampung tanong ay ang pagsubok sa determinasyon upang ituloy ang pagsusulit na ito. Pumasa ang grupo ni Naruto sa pagsusulit na ito. Ang ikasampung tanong ay simple: kung itutuloy nila ang pagsusulit o hindi. Pumasa ang grupo ni Naruto dahil pinili ni Naruto na ituloy ang eksaminasyon.

Ang Pangalawang Pagsusulit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalawang eksaminasyon ay ang pagsusulit ng pamumuhay sa loob ng isang gubat, na pinangangasiwaan naman ni Anko. Mananatili ang mga sumusubok sa loob ng Gubat ng Kamatayan upang mamuhay. Kailangang maglakbay ang mga Genin patungo sa isang tore na matatagpuan sa gitna ng gubat sa loob ng limang araw. Ang bawat grupo ay binigyan ng isang scroll: ito ay maaaring scroll ng langit o scroll ng lupa. Sa loob ng pagsasanay ay nakasagupa ng grupo ni Naruto si Orochimaru. Natalo si Sasuke at si Naruto dito. Dito din binigyan ni Orochimaru ang sinumpaang selyo (o marka) kay Sasuke. Noong natutulog si Sasuke at si Naruto na binabantayan ni Sakura, dumating ang tatlong ninja galing sa Lupain ng Tunog. Matatalo na sana si Sakura ngunit dumating ang si Lee at maging ang grupo ni Shikamaru, Choji at si Ino at sinagupa sila.

Matapos na maka-recover si Naruto at si Sasuke, tinuloy nila ang paglalakbay patungo sa tore sa tulong ni Kabuto. Nakarating sila sa tore sa oras. Noong natapos na ang eksaminasyon ay pinagdesisyunan ng komite na magkaroon ng panimulang paglalaban dahil sa sobrang dami ng mga natira sa pagsusulit. Sa grupo ni Naruto, si Sakura lamang ang hindi nakapasa. (Draw ang laban nila laban kay Ino).

Ang mga labanan ay ang mga sumusunod:

  • Sasuke Uchiha vs Yoroi Akaido - panalo si Sasuke
  • Shino Aburame vs Zaku Abumi - panalo si Shino
  • Kankuro vs Misumi Tsurugi - panalo si Kankuro
  • Sakura Haruno vs Ino Yamanaka - doble knockout
  • Temari vs Tenten - panalo si Temari
  • Shikamaru Nara vs Kin Tsuchi - panalo si Shikamaru
  • Naruto Uzumaki vs Kiba Inuzuka - panalo si Naruto
  • Hinata Hyuuga vs Neji Hyuuga - panalo si Neji
  • Rock Lee vs Gaara - panalo si Gaara

Bago pa magsimula ang pasimulang paglalaban ay sumuko si Kabuto: ang kanyang dahilan ay naubos ang kanyang chakra sa naunang bahagi ng pangalawang pagsusulit. Lihim din niyang binigay ang mga impormasyong nakalap niya kay Orochimaru.

Ang Pangatlong Pagsusulit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binigyan ang mga walong manlalaro ng isang buwan para magsanay. Matapos na i-selyo ang marka ni Orochimaru, pinagpahinga ni Kakashi si Sasuke. Matapos na manumbalik ang lakas ni Sasuke tinuruan siya ni Kakashi na gamitin ang Chidori. Samantala, si Naruto ay binigyan ng tagapagsanay na si Ebisu (bilang pakiusap ni Kakashi) ngunit matapos ang isang araw si Jiraiya naman ang pumalit, matapos niyang matalo si Ebisu sa isang walang-kapagod-pagod na laban. Tinuruan ni Jiraiya si Naruto ng tamang pagkontrol ng chakra at kung paano palalabasin ang isang malaking palaka, si Gamabunta. Nagtagumpay si Naruto matapos ang isang buwan.

Dumating din ang araw ng pangatlong pagsusulit—ang pinal na labanan. Imbitado ang mga importanteng tao sa ibang lugar katulad ng mga warlord at feudal lord. Ang mga labanan ay ang mga sumusunod:

  • Naruto Uzumaki vs Neji Hyuuga - panalo si Naruto
  • Shino Aburame vs Kankuro - panalo si Shino noong umatras si Kankuro bago magsimula ang laban
  • Shikamaru Nara vs Temari - panalo si Temari noong sumuko si Shikamaru sa huling mga oras
  • Sasuke Uchiha vs Gaara - naantala ang kalagitnaan ng labanan nila noong sumalakay ang mga alagad ni Orochimaru sa Konoha

Dapat ang laban ni Sasuke at ni Gaara ang mauuna, ngunit nahuli ng pagdating si Sasuke noon ay inuna muna ang sumunod na laban sa kanila, ang laban ni Shikamaru at ni Temari. Pagkatapos ng laban nila ay binigyan na lang ng Pangatlong Hokage si Sasuke ng ilang minutong palugit bago pa siya ma-diskwalipika. Dumating si Sasuke sa huling segundo ng palugit kasama si Kakashi.

Labanan ni Orochimaru at Sarutobi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si Sarutobi dahil ginamit nya ang teknik na Death God at wala ng pag-asang mapunta sa langit ang kaluluwa ng 1st, 2nd at 3rd Hokage.

Ang Maitim na balak ni Orochimaru kay Sasuke

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa ginawa ni Sarutobi kay Orochimaru, hindi na kayang gamitin ni Orochimaru ang kanyang mga kamay. Balak ni Orochimaru na kunin si Sasuke at lumipat sa katawan nito. Nagagawa ni Orochimaru na magpalipat-lipat ng katawan gamit ang isang ispesyal na jutsu. Sa ganitong paraan, nagagawa na patuloy na mabuhay kahit na ilang taon pa ang lumipas. Minsan nang ikinonsidera si Kimimaro ng Sound 5 na maging bagong katawan ni Orochimaru ngunit hindi ito natupad dahil sa sakit ni Kimimaro.

Ang Pagtutuos nina Naruto at Sasuke

[baguhin | baguhin ang wikitext]

naglaban sina sasuke at naruto sa "valley of the end" kung saan naglaban din si madara at ang unang hokage.nag tagisan sila ng lakas hanggang sa mawalan ng silbi ang ginawa ni naruto na pag pigil kay sasuke dahil natalo sya nito gamit ang tinatawag na curse seal 2 at ang tinatawag na"black chidori. mark l. Evasco

Pagpapalabas sa bansang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang seryeng pantelebisyon na Naruto ay unang ipinalabas sa Japan noong 3 Oktubre 2002 sa TV Tokyo sa tulong ng Studio Pierrot. Ito ay nasa wikang Hapon. Mayroon nang higit sa 299 na kabanata ang naipalabas (220 para sa unang serye at 79 para sa ikalawang serye, ang Naruto: Shippuuden) na roon.

Pagpapalabas sa Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumunod naman ang Pilipinas sa pagpapalabas ng Naruto sa pamamagitan ng ABS-CBN. Ito naman ay nakasalin sa wikang Tagalog. 157 mula sa higit sa 170 na kabanata ang naipalabas dito. Ang programa ay unang lumabas sa ABS-CBN noong 1 Marso 2004 kapalit ng palabas na Yu-Gi-Oh! pero panandaliang pinalitan ng Tokyo Underground noong 21 Hunyo 2004 dahil sa ilang problema. Sinimulan uli ang palabas noong 7 Marso 2005 at tuloy-tuloy na ipinalabas.

Ang programa ay binigyan ng rating na PG (PARENTAL GUIDANCE o nangagailangan ng gabay ng magulang), isang karaniwang rating para sa mga anime na ipinapalabas sa Pilipinas, pero ito ay nagbibigay ng babala bago magsimula ang palabas na ang programa'y naglalaman ng ilang tema na hindi angkop para sa mga bata. Ito ay nakaskedyul na magpalabas mula Lunes hanggang Biyernes, 5:30 - 6:00 ng hapon (lokal na oras sa Maynila, GMT +8).

Natapos muli ang pag-eere ng Naruto sa ABS-CBN noong 21 Abril 2006, sa kalagitnaan ng paghuli ni Naruto at grupo ni Gai (Rock Lee, Neji, Tenten) kay Raiga. Pinalitan ito ng Yakitate!! Japan, isang anime tungkol sa tinapay.

Muling ibinalik ng ABS-CBN ang Naruto noong 5 Disyembre 2006. Ipinalabas nila mula kabanata 157 hanggang 208.

Ito ay pinapalabas na rin sa katangi-tanging Tagalog anime channel, ang Hero TV sa mga piling oras. Hindi sila sabay na nagpalabas ng parehong kabanata sa ABS-CBN. Sa ngayon ay 208 kabanata na rin ang naipalabas ng Hero TV. Kasalukuyang ipinapalabas muli ng Hero TV ang Naruto.

Simula noong Enero 7 hanggang 22 Enero 2008, ipinalabas ang nalalabing bahagi ng Naruto(kabanata 209-220), Pinalitan nito ang PBB Uber sa oras nito na 5:30 ng hapon.

At noong 28 Enero 2008, ipinalabas na ng ABS-CBN ang Naruto: Shippuuden, ang pinakabagong serye ng Naruto. Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa labas ng bansang Hapon na nagpalabas ng Naruto Shippuuden. Huminto ang ABS-CBN sa pag-ere ng Naruto Shippuuden sa ika-40 na kabanata ng anime. Sa kasalukuyan, ipinapalabas sa ABS-CBN ang mga lumang kabanata ng Naruto at binansagan nila itong "Naruto: The Greatest Battles" na palabas tuwing lunes hanggang biyernes ng 5:00 ng hapon.

Magsisimula nang ipalabas ng Hero TV ang Naruto Shippuuden sa 7 Mayo 2008. Idurugtong ito sa oras na matapos na ang lahat ng kabanata sa seryeng Naruto sa Hero TV na magtatapos sa 6 Mayo 2008.

Sa darating na 2009 magsisimula na ang karuktong na kabanata ng Naruto Shippuuden sa ABS-CBN.

Nung 11 Mayo 2009, nagsimula nang ipagpatuloy ng ABS-CBN ang pag-ere ng mga bagong kabanata ng Naruto Shippuuden at binansagan nila itong Naruto Shippuuden Season 2 na ipinapalabas sa telebisyon mula 4:45 ng hapon hanggang 5:15 ng hapon. Nagsimula sila sa kabanata 41 ng serye at pinaniniwalaang aabot ang season 2 ng hanggang sa kabanata 92 ng serye.

Pagpapalabas sa Amerika at Canada

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumunod rin ang Amerika sa pagpapalabas ng Naruto sa pamamagitan ng Toonami sa "timeslot" ng Cartoon Network simula noong 10 Setyembre 2005. Pagkalipas ng anim na araw, ipinalabas din ito sa bansang Canada sa pamamagitan ng Bionix na timeslot ng YTV. Ang parehong broadcast ay nakasalin sa wikang Ingles. Pareho rin silang may gradong PG (PARENTAL GUIDANCE), gaya nang sa Pilipinas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "After 15 years, 'Naruto' manga to end next month". ABS-CBN (sa wikang Ingles). 2014-10-07. Nakuha noong 2020-03-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 「NARUTO―ナルト―」作者・岸本斉史さん 新連載『サムライ8(エイト)八丸伝(ハチマルデン)』スタート 君も完璧じゃなくていい (sa wikang Hapones). Yomiuri Online. Mayo 3, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2019. Nakuha noong 2019-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]