Pumunta sa nilalaman

Mahatma Gandhi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mohandas Karamchand Gandhi)
Mohandas Karamchand Gandhi
Si Mahatma Gandhi noong 1942.
Kapanganakan2 Oktubre 1869
Kamatayan30 Enero 1948 (sa edad na 78)
DahilanAsasinasyon
NasyonalidadIndiano
Ibang pangalanMahatma Gandhi
EdukasyonPamantasang Kolehiyo ng London
AmoAbogado, Anti-Kolonyal na Nasyonalista, Pampulitika Etika
Kilala saKilusang Pangkasarinlan ng India
PartidoPambansang Kongreso ng India
AsawaKasturba Gandhi
AnakHarilal
Manilal
Ramdas
Devdas
MagulangPutlibai Gandhi (Nanay)
Karamchand Gandhi (Tatay)
Pirma

Si Mohandas Karamchand Gandhi[1] (Gujarati: મોહનદાસ કરમચંદ ગાંધી) (2 Oktubre 1869 – 30 Enero 1948) ay isang pangunahing politikal at espirituwal na pinuno sa Indiya, at ng kilusang pagpapalaya sa Indiya. Siya ang tagapanguna at tagapagpaganap ng Satyagraha — ang pagpipigil sa kalupitan sa pamamagitan ng malawakang sibil na hindi pagsunod na malakas na nakatatag sa ahimsa (ang kabuang kawalan ng karahasan), na nagdulot sa pagiging malaya ng Indiya, at nagbigay-diwa sa mga kilusan para sa mga karapatang sibil at kalayaan sa buong mundo. Kadalasang kilala si Gandhi at ginagalang sa Indiya at sa buong mundo bilang Mahatma Gandhi (mula sa Sanskrit, Mahatma, Dakilang Nilalang) at bilang Bapu (sa maraming mga wikang Indiyan Indian languages, Ama). Siya ay opisal na pinarangalan sa India bilang ang Ama ng Bansa; ang kanyang kapanakan ay Oktubre 2, ay itinalaga bilang Gandhi Jayanti, isang pambansang araw, at Ang araw ng kawalan ng karahasan sa buong mundo.

Si Gandhi ay unang nagtrabaho bilang promotor ng kawalan ng karahasan at pagtutol sa hindi makatarungang batas habang naglilingkod sa bayan bilang isang abogado sa Timog Aprika, habang ang komunidad ng Indiya ay lumalaban para sa kanilang karapatan. Pagkatapos ng kanyang pagbalik papunta s Indiya, siya ay nag-organisa ng mga protesta para s mga mamamayan ukol sa mataas na buwis at diskriminasyon. Pagkatapos maging lider ng "Indian National Congress" noong 1921, nagtatag siya ng mga kampanya para sa pantay-pantay na batas sa Indiya.

Unang bahagi ng búhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Mohandas Karamchand Gandhi ay isinilang noong 2 Oktubre 1869 sa isang pamilyang Hindu na ang Modh Baniya sa Porbandar (kilalá rin bílang Sudamapuri), isang bayan sa may baybayin ng Tangway ng Kathiawar na dáting bahagi ng maliit na princely state ng Porbandar sa Ahensiya ng Kathiawar ng Imperyong Indian. Ang ama niya, na si Karamchand Uttamchand Gandhi (1822–1885), ay nanilbihan bílang diwan (punong ministro) ng estado ng Porbandar. Ang pamilyang Gandhi ay nagmula sa nayon ng Kutiana sa dáting estado ng Junagadh.

Bagama't isa lang siyang elementarya at dati ay isang clerk sa pangangasiwa ng estado, pinatunayan ni Karamchand na may kakayahang maglingkod. Sa kanyang panunungkulan, apat na beses ikinasal si Karamchand. Namatay ang una niyang dalawang asawa, matapos isilang ang bawat isa sa isang anak na babae, at walang anak ang kanyang pangatlong asawa. Noong 1857, hinangad ni Karamchand ang pahintulot ng kanyang pangatlong asawa na mag-asawa; sa taong iyon, pinakasalan niya si Putlibai (1844–1891), na nagmula rin sa Junagadh, at mula sa isang pamilyang Pranami Vaishnava. Sina Karamchand at Putlibai ay may tatlong anak sa susunod na dekada: isang anak na lalaki, si Laxmidas (c. 1860–1914); isang anak na babae, si Raliatbehn (1862–1960); at isa pang anak na lalaki, si Karsandas (c. 1866–1913).

Aktibista para sa karapatang-sibil sa Timog Aprika (1893-1914)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Gandhi ay 24 nang nakarating siya sa Timog Aprika noong 1893 upang magtrabaho bílang representibo legal para sa Muslim Indian Traders na nakabase sa lungsod ng Pretoria. Nanatili siya nang 21 taon sa Timog Aprika, kung saan pinalago niya ang kaniyang political views, etika at political leadership skills.

Sa Timog Aprika, nakaranas si Gandhi ng diskriminasyon na dinirekta sa lahat ng mga táong may kulay. Tinapon siya palabas ng isang tren sa Pietermaritzburg matapos niyang tumanggi na umalis sa first-class. Nagprotesta siya at pinayagan sa first-class kinabukasan. Habang naglalakbay sa isang stagecoach, binugbog siya ng tsuper dahil ayaw niya (Gandhi) na magbigay-daan para sa isa pang Europeong pasahero.

  1. "Mohandas Karamchand Gandhi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.