Mondino de Luzzi
Mondino de Luzzi | |
---|---|
Kapanganakan | 1275
|
Kamatayan | 1326
|
Nagtapos | Unibersidad ng Bologna |
Trabaho | manggagamot, anatomista |
Si Mondino de Luzzi o Mondino de Liuzzi (c. 1275 - 1326) ay isang Italyanong anatomista, propesor sa larangan ng panggagamot at tagapanimula ng isinasagawang anatomiya.[1] Kilala rin siya bilang Mondino de’ Liuzzi da Bologna, katumbas ng Mondino de Luzzi ng Bologna.[2]
Tungkol sa apelyido
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binabaybay sa maraming kaparaanan ang apelyido ni de Luzzi. Kabilang sa mga pagbabaybay ang mga sumusunod: Liuzzi, Liucci, Luzzi, o Luzzo. Sa Latin, nagiging de Luciis, de Liuccis, o de Leuciis. Umiikli ang sangkap na dei na nagiging de’ o de.[2]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si de Luzzi ang unang tumaliwas sa mga diwang pangpanggagamot at pang-anatomiya ni Claudius Galen (naniniwala si Galen na naglalaman ang katawan ng mga espiritung dumadaloy sa mga arteryo, bena, at mga ugat na nerbyo) na namamayani at umiiral pa noong mga Gitnang Panahon. Sa halip na umasa sa mga katulong sa paghihiwa o diseksiyon ng walang buhay na katawan ng tao, siya mismo ang nagsagawa ng sarili niyang mga pag-aaral at paghihiwa. Siya ang sumulat ng Anathomia (kilala rin bilang De Anatome o Anathomia Mundini), ang unang aklat na nakalaan lamang para sa anatomiya, bagaman nanatili pa rin noong panahon niya ang makalumang gawi sa pag-aaral ng anatomiya. Nagkaroon lamang ng pagbabago noong kapanahunan na ni Andreas Vesalius.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Mondino de Luzzi, paliwanag at paglalarawang nasa ilalim ng seksiyon hinggil kay Andreas Vesalius, Who was the Greatest Early Anatomist?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 100. - ↑ 2.0 2.1 Mondino de’ Liuzzi da Bologna Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine., Biografia di Mondino de’ Liuzzi da Bologna (Talambuhay ni Mondino de Luzzi) (sa Italyano), mula sa websayt ng Pamantasan ng Bologna.