Monster Buster Club
Monster Buster Club | |
---|---|
Uri | Aksiyon, Komedya, Adventure, Animasyon |
Gumawa | Vincent Chalvon-Demersay David Michel |
Nagsaayos | Marathon Media Group Jetix Europe (co-produced) Mystery Animation |
Boses ni/nina | (English version) Sonja Ball Anna Cummer Ian Corlett Rick Jones Matt Hill Andrea Libman Tabitha St. Germain Sam Vincent Michael Yarmush |
Bansang pinagmulan | Pransiya, Canada |
Wika | Pranses, Ingles |
Bilang ng season | 2 panahon |
Bilang ng kabanata | 52 kabanata |
Paggawa | |
Oras ng pagpapalabas | Mga 22 minuto |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | TF1, Jetix |
Picture format | 720i (HDTV) and 480i |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 3 Mayo 2008 Marso 2009 | –
Website | |
Opisyal |
Ang Monster Buster Club ay isang pambatang CGI serye sa telebisyon na nilikha ng Marathon Production. Ang palabas ay ipinakita noong 2 Hunyo 2002 sa Jetix sa Europa, 9 Hunyo 2002 sa Estados Unidos at sa Asya noong 3 Mayo 2008. Ang seryeng ito ay tungkol sa tatlong 12-taong gulang na bata, sa tulong ng isang alien na si Cathy, na protektahan ang kanilang bayan, laban sa mga masasamang aliens. Kasama ang kanyang lolo, binuo nila ang sikretong organisasyon na itinatag pa ilang siglo ang nakakaraan na tinatawag na Monster Buster Club, o MBC. Ang pangunahing layunin ng MBC ay hanapin ang mga aliens na sumasakop sa Single Town, hulihin sila, at ipadala sa autoridad sa ibang galaxy.
Sinopsis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hi! Ako si Cathy. Galing kami ng lolo ko sa planetang Rhapsodia para sugpuin ang isang masamang 'secret society'. Kasama ang mga kaibigan ko, misyon naming talunin ang mga salbaheng aliens na makikita namin sa Single Town. Kami ang...Monster Buster Club!
Lugar na Pinangyayarihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lugar na pinangyayarihan ay sa isang maliit at tahimik na bayan na tinatawag na Single Town. Ang Single Town ay dalawang taong gulang at itinatag ni Addison Single. Ang hindi alam ng mga residente, ang Single Town ay isang taguan ng mga masasamang alien galing sa iba't-ibang galaxy.
Mga Pangunahing Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Cathy Smith (Cath) (Nagboses ay si Andrea Libman, Nagboses ay si Owen Caling sa Filipino dub[1]) - Si Cathy ay isang masayahing, optimismong, 12-taong gulang na babae sa Daigdig. Galing s'ya sa planetang Rhapsodia at s'ya ay 700-taong gulang sa taong Rhapsodian. Dumating s'ya sa Daigdig kasama ang kanyang lolo, para itaguyod ang panibagong Monster Buster Club. Mahilig s'yang magtuklas kung anong meron sa Daigdig. Marami s'yang mga kakaibang kakayahan, kagaya ng kakayahan na hatakin ang sarili, sobrang lakas, bilis at konting telekinesis. Ang kanyang MBC uniporme ay kulay pink. Sa kanyang anyong tao, meron s'yang olandes na buhok at kulay asul ng mga mata. Ang anyong Rhapsodian naman, s'ya ay isang kulay puting alien, na may galamay sa buhok, braso at binti. Kung ikukumpara sa mga tao, ang mga Rhapsodian ay matagal ang kanilang buhay.[2]
- Chris (Christopher[3]) (Nagboses ay si Sam Vincent) - Si Chris ay isang 12-taong gulang na mahilig sa teknolohiya. Meron s'yang kulay itim na buhok at kulay asul ng mga mata. Matalino s'ya at magaling sa paggamit ng mga gadgets. Madalas nasa clubhouse s'ya para hanapin ang mga impormasyon habang ang kanyang mga kasamahan ay nasa misyon. Ang kanyang uniporme ay kulay asul.
- Sam (Samantha) (Nagboses ay si Anna Cummer, Nagboses ay si Katherine Masilungan sa Filipino dub[4] ) - Si Sam ay isang Aprikana-Amerikanang babae na may matinong disposisyon at natural na kakayahan bilang isang pinuno. Meron s'yang kulay itim na buhok at kulay kastanyong mga mata. Kahit pinagbabawal sa MBC ang magkaroon ng pinuno, madalas s'ya ang gumagawa ng mga istratehiya at plano para sa grupo. Minsan, may pagka-suplada at pala-utos s'ya. Lagi n'yang inuuna ang misyon ang MBC bago ang kasiyahan. Ang kanyang uniporme ay kulay dilaw.
- Danny (Daniel Jackson[5]) (Nagboses ay si Matt Hill) - Si Danny ay isang 12-taong gulang na lalaki na may busilak na puso. Magaling s'ya sa isports at skateboarding. Minsan, may pagkamayabang at kampante. Meron s'yang sariling palayaw "Si Danny" at ginagamit n'ya iyon sa tuwing nakagawa s'ya ng misyon. Ayon sa kanya, madalas s'yang iniimbita sa mga parties. Crush n'ya ang kanyang kaklase na si Wendy. May magkapamatawa s'ya at mahilig magbiro kahit sa kalagitnaan ng misyon. Ang kanyang uniporme ay kulay pula.
Mga Ibang Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mr. Hugo Smith (Nagboses ay si Ian Corlett) - Si Mr. Smith ay ang lolo ni Cathy na sumama sa kanya sa mundo. Kagaya ng kanyang apo, s'ya ay isang Rhapsodian, pero bihira lang gumamit ng kanyang kapangyarihan. Ang kanyang anyong Rhapsodian ay kahawig ng mollusko.[6] S'ya ang unang taong hinihingan ng tulong mula sa MBC pagdating sa mga kakaibang sakit at gamot. Ang mga hilig ni Mr. Smith ay magtanim at maglaro ng mga baraha kasama ang kanyang mga halaman.
- John - Si John ay ang nakababatang kapatid ni Chris. Minsan, s'ya ang bahala sa clubhouse sa tuwing nasa misyon ang kanyang kapatid at mga kaibigan n'ya. Ang gusto ni John ay maging miyembro ng MBC pero hindi s'ya pinapayagan. Para ikumbinsi na s'ya ay sumama, minsan ay gumagawa s'ya ng mga imbensiyon na nakatutulong o nakakapahamak sa MBC.
- Galactic Commander Zeuban - Si Galactic Commander ay ang tagapagtanggol ng "Sector 9" sa ibang galaxy at tagapangasiwa ng MBC. Lumalabas s'ya sa superkompyuter bilang isang hologram para bigyan ng MBC ng ispesyal na misyon o babala na may paparating na kriminal sa Daigdig.
- Wendy (Nagboses ay si Tabitha St. Germain) - Si Wendy ay crush ni Danny sa eskwela. S'ya ay maarte at suplada. Madalas tinutukso n'ya si Danny at kanyang mga kaibigan na sina Sam, Chris at Cathy. Minsan, ginagamit n'ya si Danny para utusan na gawin ang ilang pabor, gaya ng pag-aalaga ng kanyang aso na si Matisse. Is s'yang miyembro ng journalism club at madalas naghahanap ng panibagong tsismis tungkol sa eskwela.
- Mark - Ang karibal ni Danny na madalas naghahamon sa kanya sa iba't-ibang gawain. Si Mark ay ang pinakamayamang bata sa bayan at ipinag-mamayabang iyon. Ginagamit ang kanyang yaman para ipahiya si Danny sa maraming mga kaklase o maging sikat sa eskwela. Crush din nya si Wendy.
- Jeremy - Ang isa pang kaklase ng MBC at kasama ni Chris sa computer club. May pagtingin sya kay Cathy, habang si Cathy ay itinuturin s'yang kaibigan lamang.
- Ralph - Ang kaibigan ni Mark na laging tumutulong para ipahiya si Danny. Ang itsura n'ya ay may pulang buhok, pandak at may bungi ang kanyang ngipin. Gaya ni Danny, si Ralph ay marunong mag-skateboarding.
- Roy - Ang isa pang kaibigan ni Mark at Ralph. Gaya ni Ralph, si Roy ay tumutulong kay Mark na apihin si Danny. Minsan, s'ya at si Ralph ay magkakasama na gumawa ng maliit na gulo sa eskwela o sa parke.
- Elton Smith - Ang pinsan ni Cathy at isa pang apo ni Mr. Smith. Ang kakayahan ni Elton ay ang pagbabasa ng isip. Nung dumating s'ya sa Daigdig para bumisita, s'ya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng away ang MBC dahil sa kanya-kanyang mga sikreto. Ang hindi alam ng MBC, si Elton ay ipinaghahanap ng mga Pincerbot. Nang nawala si Cathy sa mundo, si Elton ay pagsamantalang pumalit para kay Cathy. Ang kanyang uniporme ay kulay berde.
- Mr. Fusster - Ang guro sa Siyensiya ng MBC na ang kanyang paniniwala ay walang mga alien na nabubuhay. Ang paniniwalang iyon ang dahilan kung bakit si Cathy ay madalas napupunta sa detensiyon. Ang hindi alam ng MBC, lalo na si Cathy, ay alam ni Mr. Fusster na may mga alien at may alam s'ya tungkol doon.
- Principal Rollins - Ang principal sa Single Town Middle School na iniisip na ang mga estudyante ay ang mga sundalo. Minsan,s'ya ang dahilan kung bakit naiistorbo ang MBC na gawin ang kanilang misyon. May pagtingin s'ya kay Mr. Smith dahil nalaman n'yang dating sundalo si Mr. Smith.
- Mr. Bitty - Ang may-ari ng kanyang tindahan na tinatawag na "Happy Mart". Nagbebenta s'ya ng iba't-ibang gamit gaya ng aplayanses, pagkain, magasin at kung ano pa. May pagka-mainitin ang ulo n'ya sa mga batang naggugulo sa tindahan n'ya.
- Mr. Pillsbury - Ang coach, janitor at P.E. teacher ng Single Town Middle School.
- Gilbert - Isang alien na nag-disguise bilang nerd. Siya ang nagpa-hipnotismo sa mga bata sa Single Town, kasama si Sam para kolektahin ang kanyang mga komiks sa mundo. Nung nagsisi si Gilbert sa kanyang ginawa, bumalik s'ya sa Daigdig para magpasalamat sa MBC sa pamamagitan ng pagbibigay ng gadget. Ang hindi n'ya alam, ang ibibigay n'ya sanang gadget ay nagdadala ng problema sa bayan.
- Speedy - Si Speedy ay isang Speed Morpher na kayang tumakbo ng mabilis. Mabilis din s'yang magsalita pero wala s'yang kaalam-alam sa patakaran sa Daigdig. Dumating s'ya sa Single Town para nakawin ang mga makina sa paligid. Nahuli s'ya ng MBC pero binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Sinabi ni Speedy na ginawa n'ya iyon dahil legal ang pagnanakaw sa kanyang planeta. Bumalik s'ya para tulungan ang MBC na pigilin ang masamang balak ng kanyang kapatid.
- Doudo Hundletorph - Mas kilala s'ya sa tawag na Doudo. Inaakala n'ya na ang kanyang binabantayang emperador at reyna sa kaniyang planeta ay sina Chris at Sam.
- Mr. Bernie - Si Mr. Bernie ay tindero ng mga mamahaling kotse at tatay ni Ralph. May sarli s'yang palayaw na "Bargain Bernie" para akitin ang mga kustomer na bumili ng kanyang mga produkto. Ayon kay Chris, minana ni Ralph ang pagiging guwapo mula sa tatay n'ya.
Mga Kalaban
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang tatlong Octovore - Si Jenny ay isang kulay berdeng Octovore na nagbalatkayo bilang isang estudyante. Ang kanyang armas ay mga pompoms na gawa sa bakal. Ang lola ay isa ding Octovore at kulay lila ang katawan nila. Silang dalawa ang nagplano na kidnapin ang mga bata sa parti. Si lolo Octovore naman ay kulay mahogany. Iniligtas n'ya ang kanyang asawa at gustong gumanti sa MBC.
- Mga Pincerbot - Ang mga Pincerbot ay isang grupo ng mga alien. Ang kulay pulang Pincerbot ay ang pinuno nila. Nakatira sila sa lumang pabrika para mag-ipon ng lakas. Ang mga Pincerbot ay gustong kunin si Elton para gamitin ang kanyang kapangyarihan.
- Tortosensazors at Harefliersanzikes - Ang dalawang grupo na ito ay nag-aaway ng maraming siglo. Ang mga grupo na ito ay batay sa mga tauhan sa kuwento ni Aesop, Ang Pagong At Ang Kuneho.
- Gluten - Isa s'yang kulay asul na Sticky. Nagbalatkayo s'ya bilang isang guro bilang si Mr. Gluten. Ang tunay na Mr. Gluten ay madalas nasa bakasyon. Interesado si Gluten na huliin ang mga alien gaya ni Cathy para ibenta sila bilang alipin. Nang bumalik s'ya matapos ang pagkakahuli ng MBC, gumanti si Gluten sa pamamagitan ng paghahanap ni Cathy para sa zoo.
- Swampdweller - Bumalik s'ya sa Single Town para gumanti laban sa MBC matapos ang pagkatalo n'ya isang daang taon ang nakaraan. Meron s'yang bakal s kanang braso at kaliwang mata. Plano n'ya na palitan ang mga residente ng mga robot, gaya ni Matisse.
- Haring Petalia XIII
- Ang Flying Dutchmen
- Brian
- Wedge
- Ang Monster Beater Club
- Addison Single
- Morpher sa kanal
- Heneral Louse
- Glor Glenemore
- Ang Robot sa kabundukan
- Proskar
- Herptilius
- Outcracker
- Nossida Single
- S2 at D34
- Ang mga Gumblian
- Rocky Mountain
- Reptilian
- Pizmo the Plump
- Lolo Octovore
- Alcascythe
- Veedy
- Crunger
- Grevlack
- Ang mga Spoiler
- Mimi
- Nova
- Mr. Bigshnel
- Moochie
- Morag Gibble
- Thunderdunker
- Alien virus
Mga Episodyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinalabas sa Pilipinas[7] | Kabanata | Pamagat |
---|---|---|
13 Setyembre 2010 | 1 | Mindreader |
14 Setyembre 2010 | 2 | Popular Kids |
15 Setyembre 2010 | 3 | Wrong Number |
16 Setyembre 2010 | 4 | Snack Time |
17 Setyembre 2010 | 5 | The Trouble With Troublemaking |
20 Setyembre 2010 | 6 | Dog Daze |
21 Setyembre 2010 | 7 | Flower King |
22 Setyembre 2010 | 8 | Battle Of The Bands |
23 Setyembre 2010 | 9 | Acting Out |
24 Setyembre 2010 | 10 | World's Toughest Kid |
27 Setyembre 2010 | 11 | Secret Santa |
28 Setyembre 2010 | 12 | Comic Book Heroes |
29 Setyembre 2010 | 13 | Monster Beater |
30 Setyembre 2010 | 14 | Aliens On The Fast Track |
1 Oktubre 2010 | 15 | The Bugaboos |
4 Oktubre 2010 | 16 | Statue Of Limitation |
5 Oktubre 2010 | 17 | Pipe Dreams |
6 Oktubre 2010 | 18 | The-Forget-Me-Stone |
7 Oktubre 2010 | 19 | Trick Or Treat...Or Alien? |
8 Oktubre 2010 | 20 | Camping Out |
11 Oktubre 2010 | 21 | A Matter Of Principals |
12 Oktubre 2010 | 22 | Beware Of Frogs |
13 Oktubre 2010 | 23 | Outcracker's Badland Galaxy Tour |
14 Oktubre 2010 | 24 | The End Of Everything (Part One) |
15 Oktubre 2010 | 25 | The End Of Everything (Part Two) |
18 Oktubre 2010 | 26 | Bubbleheads |
19 Oktubre 2010 | 27 | It's Not Good To Be King |
20 Oktubre 2010 | 28 | The Whole Truth |
21 Oktubre 2010 | 29 | The New Recruits |
22 Oktubre 2010 | 30 | Sore Winner |
25 Oktubre 2010 | 31 | Me Krog, You Rollins! |
26 Oktubre 2010 | 32 | Cloudy With A Change Of Jellynerps |
27 Oktubre 2010 | 33 | The Destiny Puzzle |
28 Oktubre 2010 | 34 | Lizard Tails |
29 Oktubre 2010 | 35 | Fitness Freak |
1 Nobyembre 2010 | 36 | The Beast Within |
2 Nobyembre 2010 | 37 | Frogs In Space |
3 Nobyembre 2010 | 38 | Sticky Situation |
4 Nobyembre 2010 | 39 | Galaxy's Strangest Creatures |
5 Nobyembre 2010 | 40 | Disappearing Act |
8 Nobyembre 2010 | 41 | Keep Your Eye On The Nebulak |
9 Nobyembre 2010 | 42 | Famous Four (Part One) |
10 Nobyembre 2010 | 43 | Famous Four (Part Two) |
11 Nobyembre 2010 | 44 | Here Comes The Bride |
12 Nobyembre 2010 | 45 | Dancing In The Dark |
15 Nobyembre 2010 | 46 | Clean Sweep |
16 Nobyembre 2010 | 47 | Laugh Attack |
17 Nobyembre 2010 | 48 | Gotta Dance! |
18 Nobyembre 2010 | 49 | The Sound Of Moochie |
19 Nobyembre 2010 | 50 | Stupid Human Tricks[8] |
22 Nobyembre 2010 | 51 | Princess Sam |
23 Nobyembre 2010 | 52 | Goodbye Earth |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Anime News Network, Owen Caling: Non-anime roles. http://www.animenewsnetwork.com/encyclopedia/people.php?id=49529 (12 Disyembre 2010)
- ↑ Monster Buster Club, Ika-29 na kabanata, season 2, New Recruits (28 Pebrero 2009).
- ↑ Monster Buster Club, Ika-12 na kabanata, season 1, Aliens On The Fast Track (4 Agosto 2008)
- ↑ Anime News Network, Katherine Masilungan: Non-anime roles. http://www.animenewsnetwork.com/encyclopedia/people.php?id=38903 (16 Disyembre 2010)
- ↑ Monster Buster Club, Ika-21 na kabanata , season 1, A Matter Of Principals (20 Oktubre 2008)
- ↑ Monster Buster Club, Ika-19 na kabanata , season 1, Trick Or Treat...Or Alien? (13 Oktubre 2008)
- ↑ Ang Monster Buster Club ay ipinalabas sa Q Channell 11 tuwing 4:30 ng hapon (Lokal na oras sa Pilipinas, GMT +8). Ang dub ng palabas ay Tagalog.
- ↑ Ang pamagat na ito ay naka-base sa mga kabanata sa Estados Unidos. http://www.toonzone.net/schedule/displaySeries.php?seriesID=256&networkID=17 Naka-arkibo 2011-06-13 sa Wayback Machine.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na Websayt Naka-arkibo 2013-10-21 sa Wayback Machine.
- Marathon Brings Monster to MIPCOM from animationmagazine.net
- Opisyal na Websayt mula sa Disney XD
- Monster Buster Club sa Telebisyon.net Naka-arkibo 2011-03-17 sa Wayback Machine.
- Monster Buster Club sa IMDb
- Iskedyul ng mga kabanata sa Disney XD mula Toonzone.net[patay na link]