Pumunta sa nilalaman

Montauro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Montauro
Comune di Montauro
Lokasyon ng Montauro
Map
Montauro is located in Italy
Montauro
Montauro
Lokasyon ng Montauro sa Italya
Montauro is located in Calabria
Montauro
Montauro
Montauro (Calabria)
Mga koordinado: 38°45′N 16°31′E / 38.750°N 16.517°E / 38.750; 16.517
BansaItalya
RehiyonCalabria
LalawiganCatanzaro (CZ)
Mga frazioneMontauro Scalo
Pamahalaan
 • MayorGiancarlo Cerullo (IDEA Montauro)
Lawak
 • Kabuuan11.74 km2 (4.53 milya kuwadrado)
Taas
391 m (1,283 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan1,773
 • Kapal150/km2 (390/milya kuwadrado)
DemonymMontaurese
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
88060
Kodigo sa pagpihit0967
Santong PatronSan Pantaleone
Saint dayHulyo 27, Pebrero 5
WebsaytOpisyal na website

Ang Montauro (Calabres: Mentràvu) ay isang komuna at bayan sa lalawigan ng Catanzaro sa rehiyon ng Calabria ng Italya. Malapit ang mga munisipalidad ng Gasperina, Montepaone, Palermiti, Squillace, at Stalettì.

Agrikultural na sentro ng baybaying Honiko ng mga greenhouse, nasa mga paanan ito ng mga burol patungong Golpo ng Squillace, at nasa hilaga ng bukana ng ilog Soverato.

Itinayo bago ang taong 1000, ang nayon ay may pangalan mula sa bundok na kinatatayuan nito, na pinagminahan ng ginto. Noong 1101 si Konde Rogelio ay nagbigay ng lupain sa mga Cartujo ng Serra San Bruno. Malubhang napinsala ng lindol noong 1783, noong 1846 ito ay nagdusa pa ng iba pang pinsala dahil sa isang pambihirang pagbaha. Ang simbahan ng parokya ay mayroong mga labi ng mga kutang medieval kasama ang panlabas na estraktura; sa panloob, ay may kasalukuyang hitsura ito mula sa ik-17 siglo, may sahig at kisameng gawa sa kahoy at koro '600, masaganang dambanang polikromong marmol at tanso na mga eskultura (ng Manunubos at mga Apostol) at marmol (Saints Peter at Paul) mula 600-700. Malapit sa nayon ay ang mga labi ng monasteryo ng San Domenico na ngayon ay tinatawag na "La Grangia di Sant 'Anna", na may pundasyong Normando nawasak ng isang lindol noong 1783. Ang Montauro ay may kamangha-manghang mga portada mula sa nakaraan. Ito ay isang bayang medyebal na tinatanaw sa Dagat Honiko. Maraming iba't ibang mga samahan na nakarehistro sa Montauro tulad ng:

Proloco di Montauro, Fiaccola di Sant Pantaleone, Radice Sociale, Associazione Femminile, Associazione Pisani, MYMontauro Group, at Polisportiva Montauro.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)