Lalawigan ng Catanzaro
- Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Catanzaro.
Ang lalawigan ng Catanzaro (Italyano: provincia di Catanzaro; Catanzarese: pruvincia e Catanzaru) ay isang lalawigan ng rehiyon ng Calabria ng Italya. Ang lungsod ng Catanzaro ay parehong kabesera ng lalawigan at kabesera ng rehiyon ng Calabria. Ang lalawigan ay naglalaman ng kabuuang 80 munisipalidad (mga comune). Ang pangulong panlalawigan nito ay si Sergio Abramo.[2]
Naglalaman ito ng Istmo ng Catanzaro sa pagitan ng Sant'Eufemia at ng Gulpo ng Squillace. Ito ay nasa hangganan ng mga lalawigan ng Crotone (nabuo mula dito noong 1996), Cosenza, Reggio Calabria, at Vibo Valentia, at ito rin ay hangganan ng mga dagat Honiko at Tireno sa silangan at kanluran, ayon sa pagkakabanggit.[3]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng huling panahon ng yelo, nanirahan ang mga mangangaso ng panahon ng bato sa lugar na ito. Noong mga 3,500 BK sila ay bumaling sa pagsasaka at nagsimulang manirahan sa mga nayon. Noong ikasiyam at ikawalong siglo BK, sinimulan ng mga Griyego ang kolonisasyon sa mga baybaying rehiyon ng Calabria, na tinawag ang lugar na Magna Graecia. Dinala nila ang kanilang sibilisasyong Heleniko at ang mga olibo, igos, at baging na nililinang sa lalawigan ngayon.[4]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://demo.istat.it/app/?i=P02.
- ↑ "Provincia di Catanzaro". Tutt Italia. Nakuha noong 18 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Catanzaro". Italia.it. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Septiyembre 2015. Nakuha noong 18 August 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ Fabio, Michelle. "History of Calabria". Bleeding Espresso. Nakuha noong 27 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.