Pumunta sa nilalaman

More Than This (awitin ng One Direction)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
"More Than This"
Awitin ni One Direction
mula sa album na Up All Night
Nilabas25 Mayo 2012
Nai-rekord2011
TipoPop, Ballad
Haba3:48
TatakSyco
Manunulat ng awitJamie Scott
Prodyuser
  • Brian Rawling
  • Paul Meehan
Music video
"More Than This (Up All Night: The Live Tour)" sa YouTube

Ang More Than This ay ang ikaapat at huling single ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction mula sa kanilang paunang album, ang Up All Night (2011). Ipinrodyus ito nina Brian Rawling at Paul Meehan, at nilikha naman ang mga letra nito ni Jamie Scott. Pangunahing sinasamahan ng synthesizers, ang awitin ay isang akustikong pop ballad tungkol sa di-nasusukliang pag-ibig (unrequited love). Inilabas sa pormang digital ang "More Than This" ng Syco Music noong ika-25 ng Mayo 2012.

Nakakuha ng positibong puna sa pangkalahatan ang "More Than This" mula sa mga kritiko, na pumuri sa pormang ballad ng awit, subalit nagtala lamang ito ng puwesto mula sa listahang Australyano at Irlandes. Ang katuwang na bidyo-awit (music video) nito, na idinirehe ni Andy Saunders, ay naglalarawan sa grupo habang itinatanghal ang awit nang live bilang bahagi ng kanilang Up All Night Tour (2011-12). Itinanghal ng One Direction ang nasabing ballad sa kanilang dalawang malaking lakbay-konsiyerto (concert tour), ang Up All Night Tour at Take Me Home Tour (2013).


Musika Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.