Moundou

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Moundou

موندو
Gitnang Moundou
Gitnang Moundou
Moundou is located in Chad
Moundou
Moundou
Kinaroroonan sa Chad
Mga koordinado: 8°34′N 16°05′E / 8.567°N 16.083°E / 8.567; 16.083Mga koordinado: 8°34′N 16°05′E / 8.567°N 16.083°E / 8.567; 16.083
Bansa Chad
RehiyonRehiyon ng Logone Occidental
DepartmentoLac Wey
Sub-PrepekturaMoundou
Taas
413 m (1,355 ft)
Populasyon
 (2012)
 • Kabuuan137,929
Sona ng oras+1

Ang Moundou (Arabe: موندو‎) ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod ng bansang Chad sa Aprika at kabisera ng rehiyon ng Logone Occidental.

Matatagpuan ito sa Ilog Mbéré (isang sangay ng Kanlurang Logone) sa layong mga 475 kilometro timog ng kabisera na N'Djamena. Ito ang pangunahing lungsod ng lahing Ngambai. Lumaki ang Moundou at naging isang sentrong pang-industriya na tahanan ng Gala Brewery, na gumagawa ng pinakapatok na serbesa ng Chad, gayon din ng mga industriya ng bulak at petrolyo.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Itinatag ang lungsod noong ika-8 ng Nobyembre, 1923 ng sarhento at tagapangasiwang Pranses na si Joseph-François Reste, Tenyente-Heneral ng Chad mula 1923 hanggang 1926 at magiging Gobernador-Heneral ng French Equatorial Africa sa hinaharap.[1] Mula sa awaram (whaleboat) na ginamit niya sa paglalayag, natanaw niya ang sityo at natagpuan niya itong kaakit-akit.[2] Pagsapit ng taong 1916, natapos na ang militar na paglupig ng Chad, bagamat naganap ang mga kilusang paglaban sa rehimeng kolonyal, lalo na sa timog-kanluran kung saang nagpatuloy ang mga pakikipaglaban hanggang sa mga taong 1930.[3][4] Natukoy niya ang Moundou bilang sentro ng sonang panghihimagsik.[5] Hindi lubusang nagbago ang kalagayang panghihimagsik sa pagdating ni Tenyente Robert Reverdy. Puno ng distrito ng Gitnang Logone noong 1925, natapos ni Reverdy (na naging tagapamahala noong 1927) ang hindi naaabalang pamamalagi ng limang taon at walong buwan. Nilipat niya ang punong bayan ng distrito sa Moundou noong 1927, at sinakop niya ang pagbubuo ng matatag na mga pinuno, una para sa nayon at sumunod para sa bayan.

Noong ika-20 ng Abril, 1930, nilagda ni Gobernador Georges Prouteaux ng Oubangi-Chari (nakasama ang distrito sa Oubangui-Chari noong 1926) ng isang katatagán na nagbubuong muli ng "katutubo ng Gitnang Logone" sa pamamagitan ng pagtatatag ng 40 canton (katumbas ng mga lalawigan), na nahahati sa limang paghahati. Itinalaga ni Reverdy bilang pinuno ng township o bayan ng Moundou ang kaniyang kanang-kamay, pinunong pampook na si Hassan Moundou o Hassan Baguirmi ng Baguirmian o sa halip, may pinagmulang Baguirmianisadong Dekakire Arabe.[6][3][4] Hindi lahat ng mga pinuno ay may tradisyonal na pinagmulan. Sa bansang animista, kinilala lamang ng nakagawian ang mga pinuno ng angkan o mga puno ng digmaan o pagpapasimula, na nagdalubhasà at pansanantala. Ngunit tinanggap ng mamamayan ng bayan ang sistema, at nanatili sa puwesto ang ilang mga pinuno ng higit sa ikaapat na bahagi ng dantaon. Nakatira pa rin sa lungsod ang kanilang mga apu-apuhan.[6]

Isinalunsod ni Reverdy[5] (tinawag na Baoguel, ang "Nakakaliwang-Kamay", sa wikang Ngambay)[2] ang poste ng Moundou na itinatag niya. Nagtanim siya ng mga bulaklak (mula Pebrero hanggang Mayo) na naglilinya sa mga daan ng Moundou, na naging pinagmulan ng palayaw ng lungsod noong panahong kolonyal: "Moundou-la-Rouge".[2]

Noong 1926 nagtatag ang Cotton Company of the Congo ng isang pabrika sa Moundou na nagtatanggal ng mga buto mula sa bulak. Paglaon, ang kompanya ng bulak ay naging Cotonfran noong 1928 at CotonTchad noong 1972.[7][8]

Ang unang pangkadastrong mapa ng bayan ay ginawa noong ika-2 ng Pebrero, 1926. Sapagkat sa mga panahong iyon walang maraming mga kagamitan para sa malakihang topograpikong agrimensura, ang tubo ng daluyan ng bayan ay nakaharap sa ilog sa paniniwalang papunta sa ilog ang likas na dalisdis, bagamat sa katotohanan mas-mataas sa lebel ng lungsod ang lebel ng ilog. Noong 2012, winika ng Alkalde ng Moundou na si Laoukein Kourayo Médard, na "tuwing may baha, lahat ng mga tubig ng Logone ay lumalabas papuntang Lawa ng Wey (sa kanluran), na siya namang binubuhos ang tubig nito sa lungsod, at ganap na bumabaha ang Moundou."[9]

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Klima[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Moundou ay may klimang tropiko na sabana (Köppen climate classification Aw).

Malak ng kapanahunan sa Moundou (1961–1990)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taunan
Balasaking taas °S (°P) 34.1
(93.4)
36.7
(98.1)
38.6
(101.5)
38.0
(100.4)
35.7
(96.3)
32.3
(90.1)
30.2
(86.4)
29.8
(85.6)
30.7
(87.3)
33.1
(91.6)
35.1
(95.2)
34.2
(93.6)
34.0
(93.2)
Balasaking baba °S (°P) 15.1
(59.2)
18.3
(64.9)
22.5
(72.5)
24.2
(75.6)
23.5
(74.3)
22.1
(71.8)
21.2
(70.2)
21.0
(69.8)
20.8
(69.4)
21.0
(69.8)
17.4
(63.3)
14.6
(58.3)
20.1
(68.2)
Balasaking kadanligan mm (dali) 0.0
(0)
0.2
(0.008)
4.6
(0.181)
39.2
(1.543)
89.8
(3.535)
147.7
(5.815)
257.8
(10.15)
284.8
(11.213)
200.1
(7.878)
57.1
(2.248)
1.5
(0.059)
0.0
(0)
1,082.8
(42.63)
Araw ng balasaking kadanligan (≥ 0.1 mm) 0 1 2 5 9 12 15 19 13 7 2 0 85
Balasaking halumigmig na matungay (%) 36 28 31 50 63 73 80 81 78 73 56 45 58
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 279.0 249.2 248.0 234.0 241.8 210.0 182.9 170.5 186.0 235.6 282.0 291.4 2,810.4
Arawang tamtaman ng sikat ng araw 9.0 8.9 8.0 7.8 7.8 7.0 5.9 5.5 6.2 7.6 9.4 9.4 7.7
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[10]
Sanggunian #2: NOAA (sun and humidity)[11]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Historical population
TaonPop.±%
1993 99,530—    
2008 142,462+43.1%
1993 at 2008: [12]

Ekonomiya at imprastraktura[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang lungsod ay may industriya ng pagtatanggal ng mga buto mula sa bulak (ginning) at pagpoproseso ng bulak (langis at sabon) sa ilalim ng kompanyang CotonTchad. Ginawa ang pagluluwas ng bulak bago ang pagtuklas ng petrolyo na kasalukuyang pangunahing pinagmumulan ng kita ng Chad. Pinopondohan ang pagsasaka ng bulak ng mga sapiang Pranses (sa pamamagitan ng CCCE, ngayon ay AFD,[13] at ang pampublikong kompanya na Dagris, ngayon ay Geocoton) at ng European Development Fund[14][15] ng Unyong Europeo.

Mayroon ding makasaysayang industriya ng serbesa ang lungsod sa pamamagitan ng Brasseries du Logone at ang tatak na Gala[16][17] na magkasingkahulugan sa marangyang serbesa sa Chad at sa Cameroon.

Ginagawa ng kompanyang Manufacture des Cigarettes du Tchad (MCT) ang mga sigarilyong buhat sa lungsod.[18]

Transportasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Matatagpuan ang Moundou sa isa sa mga pangunahing lansangan sa katimugang Chad. Dumadaan ito mula Léré sa hangganang Chad-Cameroon, patungong Pala, Kélo, Moundou, Doba, Koumra at Sarh.[19][20]

Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Moundou (IATA: MQQICAO: FTTD), na may maayos na patakbuhan.

Mga kambal at kapatid na lungsod[baguhin | baguhin ang batayan]

Magkakambal ang Moundou sa:

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Le gouverneur Général François Reste de Roca". lalbere.net. Hinango noong 2016-12-11.
  2. 2.0 2.1 2.2 Auzias, Dominique; Labourdette, Jean-Paul (2010-10-01). Tchad (sa French). Petit Futé. p. 170. ISBN 2746929430.
  3. 3.0 3.1 Magnant, Jean-Pierre (1992-01-01). L'Islam au Tchad: actes du colloque organisé au Centre d'étude d'Afrique noire de l'Institut d'études politiques de Bordeaux, 1990 ; sous la direction de Jean-Pierre Magnant (sa French). CEAN. p. 115. ISBN 9782908065121.
  4. 4.0 4.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF).
  5. 5.0 5.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF). p. 429.
  6. 6.0 6.1 "Résistances et mouvements anticoloniaux au Tchad (1914-1940)" (PDF). p. 430.
  7. Nojibaye, Daniel (1976). Étude des mécanismes de croissance urbaine du Tchad, l'exemple de Moundou et Sahr (ex Fort Archambault). Lille: Université Lille 2.
  8. Inc, IBP (2008-03-03). Chad Mining Laws and Regulations Handbook Volume 1 Strategic Information and Basic Law (sa English). Lulu.com. p. 158. ISBN 9781433077159.
  9. "Urbanisme :". Centerblog. 2012-05-15. Hinango noong 2016-12-09.
  10. "World Weather Information Service–Moundou". World Meteorological Organization. Hinango noong June 24, 2015.
  11. "Moundou Climate Normals 1961–1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Hinango noong June 24, 2015.
  12. World Gazetteer: Chad
  13. "LA FILIERE COTONNIERE DU TCHAD Historique, Evolution et Perspectives" (PDF). 2016. p. 7.
  14. ""10eme fed" - mai 2008 - Europa" (PDF). May 2008.
  15. Magrin, Géraud (2001-01-01). Le sud du Tchad en mutation: Des champs de coton aux sirènes de l'or noir (sa French). Editions Quae. p. 125. ISBN 9782876144620.
  16. "Histoire des Brasseries du Tchad". bdt-td.com. Hinango noong 2016-12-10.
  17. Magrin, Géraud (2001-01-01). Le sud du Tchad en mutation: Des champs de coton aux sirènes de l'or noir (sa French). Editions Quae. p. 178. ISBN 9782876144620.
  18. "MANUFACTURE DES CIGARETTES DU TCHAD (MCT) - Petit Futé".
  19. "Google Maps". Google Maps. Hinango noong 2016-12-11.
  20. "RÉSUMÉ DE L'ÉTUDE D'IMPACT ENVIRONNEMENTAL ET SOCIAL DU TRONÇON ROUTIER DOBA - SARH" (PDF). Fonds Africain de Développement. December 2008.
  21. "Wikiwix's cache". archive.wikiwix.com. Archived from the original on 2010-11-25. Hinango noong 2016-12-09. Cite uses deprecated parameter |deadurl= (tulong)CS1 maint: BOT: original-url status unknown (link)
  22. Communication, Ville de Poitiers - Service. "Villes jumelles > Moundou - Ville de Poitiers". www.poitiers.fr. Hinango noong 2016-12-09.