Pumunta sa nilalaman

Mustasa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mustard)
Dahon ng mustasa

Ang mustasa (Ingles: mustard o mustard greens[1]; Kastila: mostaza) ay isang uri ng gulay.[2] Katangian nito ang pagkakaroon ng mga malalapad at madililim na dahon at mga mapanglaw ngunit lunti ring mga sanga.[1] Karaniwan din itong ginagawang dilawin na panimplang sarsa para sa mga hotdog.

Pangunahing pinanggagalingan ang mga buto ng ilang mga uri ng mustasa ng langis o mantika at mga sarsa. Partikular na nagmumula ang ganitong mga buto sa mga matataas na mga halamang mustasang may mabubuhok na mga dahon, maiikling mga likbit (sisidlan ng mga buto), at dilaw na mga bulaklak.[3]

Nagbubuhat naman sa ilang mga uri ng mustasang may mga dahong kamukha ng repolyo ang mga pagkaing lunting gulay.[3]

Kabilang ang mustasa sa pangkat na kinasasamahan ng puting singkamas, repolyo, kaliplawer. Dating katutubo ang mga mustasa sa Matandang Mundo ngunit isa nang pangkaraniwang halamang pinararami at inaalagahan sa lahat ng bahagi ng mundo.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Mustasa". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. 3.0 3.1 3.2 "Mustard". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng M, pahina 617.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.