Pumunta sa nilalaman

Repolyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumuturo papunta rito ang Brassica oleracea. Para sa ibang gamit, tingnan ang Brassica oleracea (paglilinaw).
Cabbage
A white cabbage, whole and in longitudinal section
EspesyeBrassica oleracea
Pangkat ng kultibarCapitata Group
PinagmulanEurope, prior to 1000 BC
Mga kasapi ng pangkat ng kultibar

Ang repolyo o Brassica oleracea Linne (pangkat Capitata) (Ingles: cabbage, Kastila: repollo) ay isang uri ng gulay[1] na may maikling tangkay at mga dahong bumubuo ng isang bilog na ulo.[2] Bilang isang halamang inaalagaan na mula pa noong mga 400 BK sa Kanluraning Mundo, itinuturing itong isang mahalagang halamang-gamot. Mula pa noong kapanahunan ni Dioscorides, ginagamit na ito bilang isang panlunas sa suliranin sa dihestiyon o panunaw, bilang toniko para sa mga kasu-kasuan, bilang gamot para sa mga sakit sa balat, at panlaban sa mga lagnat. Kinakain ng sinaunang mga Romano ang hilaw na repolyo upang maiwasan ang pagkalasing. Lagi rin itong nakahanda upang magamit para sa anumang karamdamang nararanasan ng mag-anak.[3]

Nagagamit ang mga dahon ng repolyo bilang panggamot sa mga sugat, mga ulser (partikular na ang nasa loob ng tiyan), mga pamamaga, mga pananakit ng kasu-kasuan o rayuma, at akne. Bilang nakaugaliang gamot, kinakain ito o iniinom ang katas para sa mga sakit sa dihestiyon, karamdaman sa baga, matinding pananakit ng ulo, pananatili ng pluido sa loob ng katawan, at iba pang mga kahapdian sa katawan.[3]

Noong 1967, tinawag itong "ang gamot ng mga mahihirap" ni Dr. Jean Valnet.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "Cabbage". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 42.
  3. 3.0 3.1 3.2 Ody, Penelope (1993). "Cabbage". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 42.

HalamanPagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.