Pumunta sa nilalaman

Lingguwistikang sinkroniko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Naglalarawang lingguwistika)

Sa larangan ng lingguwistika, ang sinkronikong analisis na tinatawag ding sinkronikong lingguwistika ay isang pag-aaral na tumatanaw sa kababalaghang lingguwistika sa iisang tuldok lamang ng panahon, karaniwan na ang nasa kasalukuyan, bagaman maaari rin ang isang pagsusuring sinkroniko ng isang porma o anyo ng wikang makasaysayan. Maaari itong ipagkaiba mula sa diyakronika, na sumasaalang-alang sa isang penomena ayon sa mga pag-unlad sa paglipas ng panahon. Ang analisis na diyakroniko ay ang pangunahing pinagtutuonan ng lingguwistikang pangkasaysayan; ang karamihan ng ibang mga sangay ng lingguwistika ay nakatuon sa ilang porma o anyo ng sinkronikong analisis.

Ang mga pagharap na sinkroniko at diyakroniko ay maaaring magkamit ng talagang magkakaibang mga konklusyon o paglalagom. Bilang halimbawa, ang isang malakas na pang-uring Hermaniko na katulad ng salitang Ingles ma sing - sang - sung ("umawit - umawit na - nakaawit na") ay iregular (hindi regular) kapag tinanaw na pangsinkroniko; pinupruseso ng utak ng isang katutubong tagapagsalita ang mga ito bilang mga anyo o pormang natutunan, samantalang ang hinangong mga anyo o porma ng pang-uring regular ay may talagang kaibahan sa pagpuproseso, sa pamamagitan ng paglalapat ng mga patakarang pamproduksiyon o produktibo (halimbawa na ang pagdaragdag ng -ed sa saligang porma ng isang pang-uri, na katulad ng walk - walked, na may kahulugang lakad - naglakad). Ito ang pagkakaunawa sa larangan ng sikolingguwistika, na may kaugnayan din para sa didaktika ng wika, na kapwa mga disiplinang sinkroniko. Subalit ang isang analisis na diyakroniko ay magpapakita ang isang malakas na pang-uri ay isang natira o labi ng isang talagang regular na sistema ng mga pagbabago sa panloob na patinig; madalang gamitin ng mga lingguwistikong pangkasaysayan ang kategorya na "pang-uring iregular".

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Wika Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.