Nancy Carlos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Nancy Carlos ay isang mestisang Bisaya na kilala bilang kontrabida subalit di nito naabot ang tugatog na katanyagan na naabot ng kapareho niyang mga nasa Sampaguita na sina Bella Flores at Zeny Zabala.

Isinilang noong 1938, Una siyang nasilayan bilang kontabida sa buhay ni Amalia Fuentes ang Inang Mahal.

Siya rin ang pilit na iwaksi si Rita Gomez sa isipin ni Ric Rodrigo sa pelikulang Diyosa noong 1957.

Siya naman ang pilit umaagaw kay Romeo Vasquez sa buhay ni Susan Roces ang Prinsesang Gusgusin at pilit nirarahuyo ang guwapong si Juancho Gutierrez kay Amalia sa pelikulang Musikal na Pakiusap.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.