Nanyang Technological University
Ang Nanyang Technological University (Akronim: NTU) ay isang pampubliko at may-awtonomiyang unibersidad sa lungsod-estado ng Singapore. Ang NTU ay palaging nahahanay sa mga tanyag na pamantasan sa mundo ayon sa iba't ibang pagraranggo ng mga kolehiyo at unibersidad at kinikilala bilang isa sa pinakamahuhusay sa Asya.[1][2] Sa 2016 QS World University Rankings, ika-13 ang unibersidad sa buong mundo at ika-2 sa Asya.[3] Ayon naman sa 2016 Asia University Rankings ng Times Higher Education, ika-2 ang NTU sa Asya.
Ang NTU ay komprehensibo at intensibo sa larangan ng pananaliksik, na may higit sa 33,000 mga undergraduate at postgradweyt na mag-aaral.[4][5] Organisado ang unibersidad sa walong mga kolehiyo at paaralan. Ang mga ito ay ang College of Engineering, College of Science, College of Humanities, Arts and Social Sciences, Nanyang Business School, Lee Kong Chian School of Medicine - na binuo kasama ang Imperial College London. Ang NTU din ay tahanan ng ilan sa mga may-awtonomiyang institusyon kabilang na ang National Institute of Education, S. Rajaratnam School of International Studies, Interdisciplinary Graduate School, Earth Observatory of Singapore, Singapore Centre on Environmental Life Sciences Engineering, Institute on Asian Consumer Insight, at College of Professional and Continuing Education.
Ang pangunahing kampus ng unibersidad ay sumasaklaw sa 200-ektaryang lupain, kaya ito tinuturing na pinakamalaking kampus sa buong Singapore.[6] Ang mga pangunahing lote ng kampus ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Singapore, sa 50 Nanyang Avenue. Bukod sa Main Campus, ang NTU ay meron ding dalawang sangay na kampus, isa sa Novena at isa pa sa One-North.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Nanyang Technological University. "NTU Rankings and Ratings". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-13. Nakuha noong 2015-12-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2015-11-13 sa Wayback Machine. - ↑ "The 7 fastest-rising young universities in the world". 2015-03-27. Nakuha noong 2016-06-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Quacquarelli Symonds. "QS World University Rankings 2015". Nakuha noong 2015-09-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nanyang Technological University. "Undergraduate Student Enrolment". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-03. Nakuha noong 2015-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2018-10-03 sa Wayback Machine. - ↑ Nanyang Technological University. "Graduate Student Enrolment". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-04. Nakuha noong 2015-11-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2019-04-04 sa Wayback Machine. - ↑ "Check In to Check Out". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-07. Nakuha noong 2016-06-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-07-07 sa Wayback Machine.