Ibong Adarna: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
No edit summary
Reverted 2 edits by 180.194.30.31 (talk): Test edits. (TW)
Linya 1: Linya 1:
{{Infobox Philippine mythology
{{Infobox Philippine mythology
| image = [[Image:Ibong Adarna.GIF|160px]]
| image = [[Image:Ibong Adarna.jpg|160px]]
| title = Ibong Adarna
| title = Ibong Adarna
| description = Ang Makapangyarihang Ibon ng Piedras Platas
| description = Ang Makapangyarihang Ibon ng Piedras Platas
Linya 25: Linya 25:


Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si [[Huseng Sisiw|José de la Cruz]] (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni [[Francisco Balagtas|Francisco "Balagtas" Baltazar]] noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna <ref>[http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=PLA000000001 Pala-palagay kay Huseng Sisiw bilang awtor ng Ibong Adarna]</ref>. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.
Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si [[Huseng Sisiw|José de la Cruz]] (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni [[Francisco Balagtas|Francisco "Balagtas" Baltazar]] noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna <ref>[http://www.filipiniana.net/ArtifactView.do?artifactID=PLA000000001 Pala-palagay kay Huseng Sisiw bilang awtor ng Ibong Adarna]</ref>. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

'''Makapal na panitik'''
== Buod ==


Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan nila ''Haring Fernando'' at ''Reyna'' ''Valeriana'' kasama ng kanilang tatlong anak na sina Pedro, ang panganay, Diego, ang pangalawa at Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian <ref name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=9">{{harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=9}}</ref>.
Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan nila ''Haring Fernando'' at ''Reyna'' ''Valeriana'' kasama ng kanilang tatlong anak na sina Pedro, ang panganay, Diego, ang pangalawa at Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian <ref name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=9">{{harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=9}}</ref>.

Pagbabago noong 04:32, 12 Marso 2012

Ibong Adarna
PamagatIbong Adarna
PaglalarawanAng Makapangyarihang Ibon ng Piedras Platas
RehiyonPilipinas
KatumbasPeniks (Mitolohiya)

Ang Ibong Adarna ay isang koridong isinulat ni Jose dela Cruz (na kinilala sa taguring Huseng Sisiw) noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino [1]. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania [2]. May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora [3]. May ilang mga kritiko[sino?] ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw.[kailangan ng sanggunian]

Kasaysayan ng Ibong Adarna

Bagaman ang Ibong Adarna ay isa na ngayon sa mga kinikilalang bahagi ng Panitikang Pilipino, ang akdang ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas name="harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=1">Tomas C. Ongoco, pp. 1</ref>. Ito'y tulad din ng Bernardo Carpio na nagmula sa alinmang bansa sa Europa [1]. Sa pananakop ng mga Kastila, ang Ibong Adarna ay nakarating sa Mehiko at di nagkalaon ay nakaabot sa Pilipinas. Kung titingnan,ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito [4]. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:[4]

  • Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag,
  • Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito'y di isinama sa pagpapalathala,
  • Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila at,
  • Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.

Nagsimulang maging popular ang Ibong Adarna sa Pilipinas nang ito'y isalin sa katutubong wika. Ang bawat kopya ng akdang ito ay ipinagbibili sa mga perya na karaniwang nagpapalipat-lipat sa mga bayang nagdiriwang ng pista. Marami ang hindi marunong bumasa kaya't iilan lamang ang mga kopyang napalimbag. Sa kabutihang-palad, di nagtagal ay itinanghal na ito sa mga entablado tulad ng komedya o moro-moro [4].

Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949 [1].

Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si José de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna [5]. At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.

Buod

Noo'y may isang kahariang tinatawag na Berbanya. Ito'y pinamumunuan nila Haring Fernando at Reyna Valeriana kasama ng kanilang tatlong anak na sina Pedro, ang panganay, Diego, ang pangalawa at Juan, ang bunso na pawang mga prinsipe ng nasabing kaharian [6].

Isang gabi'y nanaginip si Haring Fernando. Napanaginipan niyang may nagtapon daw kay Don Juan sa isang malalim na balon. Nang magising ang hari, siya'y nagsimulang magkasakit. Ipinayo ng mga manggagamot na ang tanging kanta lamang ng Ibong Adarna na matatagpuan sa Bundok Tabor ang siyang makapagpapagaling sa sakit ng hari [6].

Unang nagtangka si Don Pedro ngunit siya'y nabigo. Nang marating niya ang Piedras Platas, ang punong tinitirhan ng Ibong Adarna, ay nahimbing siya sa awitin ng naturang ibon. Di sinasadyang naiputan siya ng ibon at nanigas at naging bato. Sunod na nagtangka si Don Diego ngunit sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro. Noon na tumulak sa paglalakbay si Don Juan na siya na lamang tanging pag-asa ng Kahariang Berbanya,bago umalis si Don Juan ay humingi muna siya ng basbas sa hari [6].

Sinapit ni Don Juan ang landas patungong Bundok Tabor. Nasalubong niya sa daan ang isang Matandang Leproso na nagpayo sa kanya na mag-ingat sa nakakahalinang ganda ng punong Piedras Platas. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay niya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan siya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Iniwasan nga niya ang pagtigil sa nasabing puno at natanaw niya ang isang bahay kung saan may matandang Ermitanyong nakatira. Ito ang tumulong sa kanya upang makuha ang Ibong Adarna at mapabalik sa dati mula sa pagiging bato sina Don Pedro at Don Diego [6].

Kapwa tinahak ng tatlong prinsipe ang daan pabalik ngunit gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Silang dalawa'y kapwa bumalik sa Kahariang Berbanya at iniwan si Don Juan na nakalupasay sa gitna ng daan bunga ng tinamong bugbog. May naparaang isang Matandang Ermitanyo. Samantalang sa Kahariang Berbanya ay hindi napaawit nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Siya namang pagdating ni Don Juan na noo'y nanumbalik na ang dating lakas. Noon umawit ang Ibong Adarna at isinalaysay ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan. Nawala ang sakit ni Haring Fernando at iniutos na parusahan and dalawang nagkasala. Sa pakiusap naman ni Don Juan ay pinatawad ng hari ang dalawa [6].

Ang Ibong Adarna ay inalagaan sa loob ng palasyo ng tatlong magkakapatid ngunit muling gumawa ng lalang sina Don Pedro at Don Diego. Pinakawalan nila ang ibon sa hawla nito nang minsang mahimbing si Don Juan na noo'y siyang nakatoka sa kasi pagbabantay bunga ng pagkakapuyat niya noong mga nakaraang gabi. Nang maratnan ni Don Juan na wala na ang Ibong Adarna, naglayas siya sa kaharian upang hanapin ang ibon. Nalaman ni Haring Fernando ang nangyari at iniutos kina Don Pedro at Don Diego na hanapin si Don Juan. Natagpuan nga ng dalawa si Don Juan at sumumpa ang tatlo na sila'y maglalagalag na lamang sa kagubatan ng Armenia [7].

Sa kanilang paglalagalag ay nakatuklas sila ng balon na kung saan sa ilalim nito ay may kaharian. Tanging si Don Juan ang nakapasok sa kaharian sa balon samantalang matiyaga namang naghintay sa taas sina Don Pedro at Don Diego. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan para sila ay mabigyan ng posisyon sa kaharian. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi siya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid.

Natagpuan ni Don Juan si Donya Juana na noo'y bihag ng isang higante. Nang mailigtas si Donya Juana buhat sa kuko ng higante ay iniligtas naman ni Don Juan si Donya Leonora, ang kapatid nito na bihag ng isang serpyenteng may pitong ulo. Nagawa ni Don Juan na matalo ang serpyente at silang dalawa ni Donya Leonora ay naging magkasintahan [7].

Muling umakyat si Don Juan kasama na ang dalawang donya palabas ng balon. Ngunit may naiwanang singsing si Donya Leonora na pinamana sa kanya ng kanyang mga magulang kaya't kinailangan muli ni Don Juan na bumalik pababa. Nang siya'y malapit ng makaahon ay gumawa na naman ng lalang sina Don Pedro at Don Diego na may sampung dipang lalim ang balon. Kanilang pinutol ang lubid na siyang kinakapitan ni Don Juan. Bumagsak si Don Juan at siya'y nagtamo ng matinding sugat samantalang sapilitan namang isinama ng dalawang prinsipe and dalawang donya patungong Berbanya. Ikinasal sina Don Diego at Donya Juana ngunit nanaghoy si Donya Leonora sa pagkakahiwalay nila ni Don Juan [7].

Samantalang isang lobo na alaga ni Donya Leonora ang gumamot kay Don Juan. Tinulungan siya nitong makaahon sa balon. Noon muli niyang nakita ang Ibong Adarna na nagpayo sa kanya na limutin na si Donya Leonora sapagkat makakakilala siya ng bagong mamahalin sa Kahariang tinatawag na Reino Delos Cristales. Kapagkadaka'y nalimot nga niya si Donya Leonora ngunit patuloy niyang hinanap ang berbanya niyang mahal. Tinulungan siya ng tatlong ermitanyong nasalubong niya ang isa ay 100 taong gulang na at hindi siya ito natulungan ngunit nagpayo na pumunta sa kanyang kapatid na 500 taon gulang na ngunit sa tanda niyang iyon, hindi niya malaman kung saan ang Reyno Delos crystales kaya't pinapunta niya ito sa kanyang kapatid na 800 taong gulang na at siya'y pinasakay sa isang malaking agila patungong Reino Delos Cristales at sinabi na sa kahariang iyon, may makikilala siyang dilag na laging naliligo tuwing 4 ng madaling araw, kung kaya't kailangan niyang magmadali doon niya makikita sa kaharian ang daan patungong Berbanya. [7]. Nakikilala niya si Donya Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Hiningi ni Don Juan kay Haring Salermo ang kamay ni Donya Maria Blanca na noo'y naging magkasintahan na subalit kung magagawa nito ang mga pagsubok na iaatas sa kanya ng hari [8].

Pitong pagsubok ang pinagdaanan ni Don Juan at ito'y pawang matagumpay sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca. Subalit napag-alaman ni Donya Maria Blanca na ibig ipakasal sa isang tiya sa Inglatera ng kanyang ama si Don Juan. Nagkaroon ng labu-labo at nagtanan ang dalawang magkasintahan subalit isinumpa ni Haring Salermo na malilimot ni Don Juan si Donya Maria Blanca kapag may ibang babae ang unang tumingin sa mata ni Don Juan. [9].

Nangyari nga ang sumpa ni Haring Salermo kaya't si Don Juan ay itinakdang ipakasal kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at sa araw ng kasalan ay dumating itong bihis ang isang magandang kasuotan at sakay sa magarang karosa. Sa pamamagitan ng mahika ni Donya Maria Blanca ay naalala ni Don Juan kung sino ang tunay niyang iniibig at hiniling na niyang silang dalawa ni Maria Blanca ay ipakasal. Mariing tumutol si Donya Leonora at nagkaroon ng ilang pagpapaliwanag at pagtatalo. Isinangguni sa arsobispo ng Berbanya ang naturang usapin at iminungkahi nitong dapat pakasal si Don Juan kay Donya Leonora. Nagalit si Donya Maria Blanca at pinabaha ang buong palasyo sa tulong ng kanyang mahika. Si Don Juan na ang nagpasiya. Ibig niyang makasal sila ni Donya Maria Blanca at sina Donya Leonora at Don Pedro naman. Natuloy nga ang kasalan at hinirang ni Haring Fernando na bagong hari at reyna ng Kahariang Berbanya sina Don Juan at Donya Maria Blanca. Tumutol ang huli sapagkat babalik daw sila sa Kahariang Reyno Delos Crystales kaya't nauwi ang trono kina Don Pedro at Donya Leonora. Sina Don Juan at Donya Maria Blanca ay bumalik nga sa Kahariang Reyno Delos Crystales at silang dalawa ang namuno roon.

Tingnan din

Mga talababa

  1. 1.0 1.1 1.2 Tomas C. Ongoco, pp. 2
  2. Ang Pamagat ng Ibong Adarna noong Panahon ng mga Espanyol
  3. Ang Tema ng Ibong Adarna at Pakikipagsapalaran ni Don Juan
  4. 4.0 4.1 4.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang harvnb|Tomas C. Ongoco |pp=1); $2
  5. Pala-palagay kay Huseng Sisiw bilang awtor ng Ibong Adarna
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Tomas C. Ongoco, pp. 9
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 Tomas C. Ongoco, pp. 10
  8. Tomas C. Ongoco, pp. 11
  9. Tomas C. Ongoco, pp. 12

Mga sanggunian

  • Tomas C. Ongoco (2005), Ibong Adarna, Academe Publishing House, Inc., pp. 1, 2, 9, 10, 11, 12, ISBN 0330480685

Panlabas na Kawing