Ebanghelyo ni Marcos: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
Linya 51: Linya 51:
[[arc:ܟܪܘܙܘܬܐ ܕܡܪܩܘܣ]]
[[arc:ܟܪܘܙܘܬܐ ܕܡܪܩܘܣ]]
[[bar:Evangelium noch Markus]]
[[bar:Evangelium noch Markus]]
[[be:Евангелле паводле Марка]]
[[bg:Евангелие от Марко]]
[[bg:Евангелие от Марко]]
[[bo:༄༅།། མར་ཀུས་བྲིས་པའི་འཕྲིན་བཟང་བཞུགས་སོ།།]]
[[bo:༄༅།། མར་ཀུས་བྲིས་པའི་འཕྲིན་བཟང་བཞུགས་སོ།།]]

Pagbabago noong 07:06, 14 Mayo 2012

Bagong Tipan ng Bibliya

Ang Ebanghelyo ni Marcos o Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos[1] ang ikalawang ebanghelyo sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon sa tradisyonal na paniniwala, ito ay isinulat ni Juan Marcos na kasama ni Apostol Pedro. Ayon naman sa karamihan ng mga skolar ng Bibliya, ang may-akda nito ay isang hindi alam na Kristiyano at ang ebanghelyong ito ang pinakauna sa tatlong pang mga ebanghelyo sa kanon ng Bagong Tipan(Mateo, Marcos, Lucas at Juan). Ang aklat na ito ay isinulat noong mga 70 CE sa Syria at pinagbasehan ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ang karamihan sa mga iskolar ng Bibliya ay naniniwala na dinagdag lamang ang Marcos 16:9-20 sa mga kalaunang manuskrito ng aklat na ito dahil wala ito sa mga sinaunang manuskrito nito. Sa ibang bersyon nilagyan ito ng titulong "Ang Mahabang Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos." Ngunit ibinibigay din ang maiksing bahagi bilang Ang Maikling Pagwawakas ng Magandang Balita Ayon kay Marcos.

Komposisyon

Ang may-akda ng Ebanghelyo ni Marcos ay hindi nagbigay ng pangalan ng may-akda nito.[2] Ang isang ikalawang siglong(2nd century) CE na tradisyon ay nagtalaga sa may-akda nito bilang si Marcos na Ebanghelista(o John Mark) na kasama ni Apostol Pedro. [3][4][5][6] Ang paggamit ng may-akda nito ng iba't ibang mga pinagkukunan ay sumasalungat sa tradisyonal na pananaw na si Markos na Ebanghelista ang sumulat ng aklat na ito. Ayon sa karamihan ng mga skolar ng Bibliya, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi alam. [7][8] Ang ebanghelyong ito ay isinulat sa Griyego sa sandaling pagkatapos ng pagkakawasak ng Ikalawang Templo sa Jerusalem noong 70 CE at posibleng isinulat ito sa Syria. [9]

May-akda at mga pinagkunan

Mantegna's St. Mark.

Ayon kay Irenaeus, si Papias of Hierapolis, na sumulat noong simula ng ikalawang siglo(2nd century) CE ay nag-ulat na ang ebanghelyong ito ay isinulat ni Juan Marcos na kasama ni Apostol Pedro sa Roma na ang "isang layuning lamang - na walang alisin sa kanyang narinig at hindi gumawa ng maling pangungusap tungkol dito."[10] Ang karamihan sa mga skolar ng Bibliya ay naniniwalang ang ebanghelyong ito ay isinulat sa Syria ng isang hindi kilalang Kristiyano noong mga 70 CE gamit ang iba't ibang mga pinagkunan kabilang ang isang salaysay ng pasyon, mga kalipunan ng mga kwento ng pagmimilagro, mga tradisyong apokaliptiko at mga disputasyon at mga kasabihang didaktiko. [9] Ang may-akda nito ay pangunahing sumulat sa mga mambabasang hentil na mamamayang nagsasalita ng Griyego sa Imperyo Romano. Ang mga tradisyong Hudyo ay ipinaliwanag na maliwanag para sa kapakinabangan ng mga hindi-Hudyong mambabasa nito. Halimbawa, sa Mark 7:1–4; 14:12; 15:42), ang mga salita at pariralang Aramaiko ay pinalawig at pinaliwanag ng may-akda nito gaya ταλιθα κουμ (talitha koum, Mark 5:41); κορβαν (Corban, Mark 7:11); αββα (abba, Mark 14:36). Nang sumipi(quoted) sa Lumang Tipan ang may-akda nito, ito ay humango sa saling Griyego ng Hebreong Lumang Tipan na tinatawag na Septuagint gaya ng makikita sa Mark 1:2; 2:23–28; 10:48b; 12:18–27, 2:10 sa Daniel 7:13–14. Ang saling Griyegong Septuagint ng Tanakh(Lumang Tipan) ay hindi tinatanggap ng mga Hudyo sa kasalukuyang panahon dahil sa sinasabing korupsiyon nito ng Hebreo.[11]

Genre

Itinuring ni Franz Overbeck na ang mga ebanghelyo bilang mga tanging bagong genre ng panitikang Kristiyano samantalang ang ibang mga aklat sa Bagong Tipan ay minodelo sa mga tradisyonal na uri ng mga pantikang relihiyoso. Ang impluwensiyal na disiplinang tinatawag na kritisismo ng anyo(form criticism) ang nagpalaganap ng pananaw na ito at naglarawan sa genre na ito bilang "mabuting balita" na nakasentro sa buhay, kamatayan at resureksiyon ni Hesus na may pagsasamo ng pagsisisi at pananampalataya bilang pangunahing layunin. [12]

Gayunpaman, ang mga pagiging katulad(parallels) sa mga pantikang Greco-Romano ay umiiral. Halimbawa, ang didaktikong mga biograpiya ng buhay ni Moises ni Philo ng Alexandria. Sa karagdagan, ang may-akda ng Marcos ay hindi interesado sa pinagmulan, edukasyon, at mga panloob na pag-unlad ni Hesus ngunit nagsasalaysay ito ng kasaysayan ng katuparan ng mga pangakong pang-diyos mula sa perspektibo ng may-akdang ito. Sa pokus na ito, ang aklat ni Marcos ay katulad ng sa historikal na biograpiyang tulad ng "Mga Buhay ng mga Caesar" ni Sueton. [13]

Sa kalimitan, sa mga sinaunang(ancient) panitikan, ang mga pangyayaring pangkasaysayan ay inuugnay sa kapangyarihan ng diyos sa pamamagitan ng mga direktang pakikipag-ugnayan nito. Halimbawa, ang paghahati ng mga langit sa Marcos 1:10 o ang ulap sa Marcos 9:7. Gayunpaman, ang nangingibabaw na stratehiya ng aklat ng Marcos ay upang ilarawan ang mga tao na umaasal sa sarili nito ngunit sa kontekto ng plano ng diyos. Kaya pinapakita nito ang pagkakaiba ng Iliad ni Homer sa isang dako at ng kay Herodotus at Deutorononomista sa kabilang dako. Ang historiagrapiya sa sinaunang panahon ay nangingibabaw na hindi interesado sa mga katotohanan gaya ng sa modernong positibismo ngunit sa Mimesis(representasyonj) at pagpaliwanag. Sa layuning ito, ang mga pagmimilagro ay isinama ni Herodotus sa etnograpiya. Sa Lumang Tipan, sina Moises, Samuel o Elias ay lumilitaw na tagapamagitan sa pagitan ng diyos at ng bayan nito. [14]

Isinama ng skolar na si Adela Yarbro Collins ang mga obserbasyong ito sa paglalarawan sa aklat ni Marcos bilang "eskatolohikal na pang-kasaysayan monograpo" na isang uri ng pagsulat na naka-ugat sa tradisyonal at kontemporaryong panitikan. [15]

Pinagbasehan ng Aklat ni Mateo at Lucas

Isang halimbawa ng magkatulad na talata(kulay pula) sa parehong Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas na kinopya sa Ebanghelyo ni Marcos o sa Dokumentong Q.
Unang pahina ng Aklat ni Marcos sa Minuscule 544

Ang karamihan sa mga skolar ay naniniwalang ang Ebanghelyo ni Markos ang unang isinulat sa apat na kanonikal na ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo, Ebanghelyo ni Marcos, Ebanghelyo ni Lucas at Ebanghelyo ni Juan. Ang Ebanghelyo ni Marcos ay umiiral na bago pa man isulat ang iba pang tatlong mga ebanghelyo. [16]. Ayon sa karamihan ng mga skolar ng Bibliya, ang Ebanghelyo ni Marcos at ang Dokumentong Q ang pinagbatayan(o pinagkopyahan) ng mga may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas[17][18]. Ang tawag sa nangingibabaw na pananaw na ito ng mga skolar ng Bibliya ang hipotesis ng dalawang-pinagkunan(two-source hypothesis).[19][20][21][22][23] Ang Ebanghelyo ni Marcos ay isang maikling salaysay na isinulat sa Griyegong Koine at pinagbasehan ng dalawa pang sinoptikong mga ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo at Ebanghelyo ni Lucas. Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang kronolohiya mula sa bautismo ni Hesus hanggang sa walang laman na libingan nito. [23]

Paglalarawan

Sinulat ni Juan Marcos ang ebanghelyong ito noong mga taong 54 hanggang 61 bilang pagtugon sa mga kahilingan ng mga Romano. Nakabatay ito sa mga pangaral ni San Pedro at may layuning patotohanan ang pagiging Manunubos at Diyos ni Hesukristo. Isang pag-uulit ng mga pagtuturo ni San Pedro ang mga unang talata sa ebanghelyong ito, at sariling mga sulat naman ni Juan Marcos ang mga huling talataan.[1]

Mga bahagi

Binubuo ng tatlong bahagi ang Ebanghelyo ni Juan Marcos:[1]

  • Pangangaral ni Hesus sa Galilea (1-10)
  • Pangangaral ni Hesus sa Herusalem (11-13)
  • Paghihirap at muling pagkabuhay ni Hesukristo (14-16)

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Ang Ebanghelyo ayon kay Marcos". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., kasama ang talababa 35 na nasa pahina 1486.
  2. Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985.
  3. Bernd Kollmann, Joseph Barnabas (Liturgical Press, 2004), page 30.
  4. Brown, Raymond E. (1997). Introduction to the New Testament. New York: Anchor Bible. p. 164. ISBN 0-385-24767-2.
  5. Kirby, Peter. "Gospel of Mark" earlychristianwritings.com Retrieved January 30, 2010.
  6. Darrell L. Bock (9 October 2007). "The Missing Gospels: Unearthing the Truth Behind Alternative Christianities". Thomas Nelson Inc. ISBN 9780785289067. Nakuha noong 16 October 2010 {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong); Unknown parameter |unused_data= ignored (tulong)CS1 maint: postscript (link); Black, David Allen, “Why Four Gospels?” 2001, Kregel Publications. ISBN 0-8254-2070-9. Blomberg, Craig, “Jesus and the Gospels”. 2009, B&H Publishing. P 138-140. ISBN 978-0-8054-4482-7. Edwards, James. “The Gospel According to Mark”. 2002 Eerdmans Publishing Co. LaVerdiere, Eugene. “The Beginning of the Gospel”. 1991, The Liturgical Press. ISBN 0-8146-2478-2. (p15)
  7. "Above all the heterogeneous source material which the evangelist has worked over tells against [the traditional] account... [t]he author of Mark is a collector, in so far as he demonstrably takes up written and oral material from the tradition which varies in both form and theology." Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). p. 26-27
  8. biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved November 19, 2010, from Encyclopædia Britannica Online: [1]
  9. 9.0 9.1 Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). p. 24-27.
  10. Papias, quoted in Eusebius History of the Church, trans. G.A. Williamson (London: Penguin Books Ltd., 1965). 3.39.15 / pp. 103–4. Also available online
  11. http://www.outreachjudaism.org/articles/septuagint.html
  12. Adela Yarbro Collins: Mark: a commentary. Minneapolis, Fortress Press, 2007, p. 19-22. ISBN 978-0-8006-6078-9.
  13. Adela Yarbro Collins: Mark: a commentary, p. 21-33.
  14. Adela Yarbro Collins: Mark: a commentary, p. 33-42.
  15. Adela Yarbro Collins: Mark: a commentary, p. 42f.
  16. Theissen, Gerd and Annette Merz. The historical Jesus: a comprehensive guide. Fortress Press. 1998. translated from German (1996 edition). Chapter 2. Christian sources about Jesus.
  17. Peter, Kirby (2001–2007). "Early Christian Writings: Gospel of Mark". Nakuha noong 2008-01-15.{{cite web}}: CS1 maint: date format (link)
  18. Achtemeier, Paul J. (1991–). "The Gospel of Mark". The Anchor Bible Dictonary. Bol. 4. New York, New York: Doubleday. p. 545. ISBN 0385193629. {{cite ensiklopedya}}: Check date values in: |year= (tulong); Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)
  19. M.G. Easton, Easton's Bible Dictionary (Oak Harbor, WA: Logos Research Systems, Inc., 1996, c1897), "Luke, Gospel According To"
  20. Meier, John P. (1991). A Marginal Jew. Bol. 2. New York, New York: Doubleday. pp. 955–6. ISBN 0385469934. {{cite book}}: Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)
  21. Helms, Randel (1997). Who Wrote the Gospels?. Altadena, California: Millennium Press. p. 8. ISBN 0965504727. {{cite book}}: Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)
  22. Marcus, Joel (2004). The Way of the Lord: Christological Exegesis of the Old Testament in the Gospel of Mark. Continuum International Publishing Group. p. 115. ISBN 978-0567082660. {{cite book}}: Check |isbn= value: checksum (tulong); Cite has empty unknown parameter: |coauthors= (tulong)
  23. 23.0 23.1 Funk, Robert W. and the Jesus Seminar. The acts of Jesus: the search for the authentic deeds of Jesus. HarperSanFrancisco. 1998. "Luke," p. 267-364

Mga panlabas na kawing

Padron:Link GA