Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Papa Pablo III"

Jump to navigation Jump to search
walang buod ng pagbabago
m (Inilipat ni Atn20112222 ang pahinang Pablo III papunta sa Papa Pablo III)
}}
Si '''Papa Pablo III''' (29 Pebrero 1468 – 10 Nobyembre 1549) na ipinanganak na '''Alessandro Farnese''' ang [[Papa ng Simbahang Katoliko Romano]] mula 1534 hanggang sa kanyang kamatayan noong 1549. Siya ay ay naluklok sa trono ng papa sa panahon kasunod ng [[Pagsalakay sa Roma (1527)|pagsalakay sa Roma noong 1527]] at laganap na mga hindi katiyakan sa [[Simbahang Katoliko Romano]] kasunod ng [[Repormasyong Protestante]]. Sa kanyang pagkapapa at sa espirito ng [[Kontra-Repormasyon]], ang bagong mga orden na Katoliko gaya ng mga [[Hesuita]], [[Theatine]], [[Barnabita]] at [[Kongregasyon ng Oratoryo]] ay nakaakit ng mga tagasunod. Kanyang tinipon ang [[Konseho ng Trent]] noong 1545. Siya ay isang mahalagang patron ng mga sinig at nagsanay ng [[nepotismo]] upang isulong ang kapangyarihan at mga kayamanan ng kanyang pamilya. Kay Papa Pablo III na inalay ni [[Nicolas Copernicus]] ang kanyang akdang ''[[De revolutionibus orbium coelestium]]'' (''Tungkol sa mga Pag-ikot ng Mga Sperong Pangkalawakan'').
==Talambuhay==
Si Pablo III ay ipinanganak noong 1468 sa Canino, Latium(na bahagi sa panahong ito ng mga Estado ng Papa). Siya ang pinakamatandang anak ni Pier Luigi I Farnese, Signore di Montalto (1435–1487) at kanyang asawang si Giovanna Caetani na isang kasapi ng pamilyang Caetani na pinagmulan din ni [[Papa Bonifacio VIII]]. Ang pamilyang Farnese ay sumagana sa loob ng mga siglo ngunit sa pagluklok sa pagkapapa ni Alessandro o Pablo III at kanyang dedikasyon sa pagpapadami ng mga interes ng kanyang pamilya ang nakakita ng malawak na pagtaas ng kapangyarihan at kayaman ng kanyang pamilya. Ang kanyang edukasyong humanista ay sa Unibersidad ng Pisa at sa koret ni [[Lorenzo de' Medici]]. Sa simula ay sinanay siya bilang isang notaryong apostoliko. Kanyang sinalihan ang [[Kuriang Romano]] noong 1491 at noong 1493, siya ay hinirang na Kardinal-Deakono ni [[Papa Alejandro VI]] ng Santi Cosma e Damiano. Ang kerida o kabit ni Papa Alejandro VI na Giulia Farnese ang kanyang kapatid na babae. Siya ay minsang pangungutyang tinatawag na "Borgia bayaw" kung paanong si Giulia ay kinutya na "Asawa ni Kristo" . Sa ilalim ni [[Papa Clemente VII]], siya ay naging Kardinal Obispo ng Ostia at dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal. Sa kamatayan ni Papa Clemente VII noong 1534, siya ay hinalal na Papa Pablo III.
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
11,766

edits

Menu ng paglilibot