El filibusterismo: Pagkakaiba sa mga binago

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Content deleted Content added
m robot binago: en:El Filibusterismo
No edit summary
Linya 17: Linya 17:
[[Image:B168.jpg|thumb|right|Ang sulat-kamay na kopyang ''facsimile'' ng unang pahina ng ''El filibusterimo'']]
[[Image:B168.jpg|thumb|right|Ang sulat-kamay na kopyang ''facsimile'' ng unang pahina ng ''El filibusterimo'']]


Ang '''''El filibusterismo''''' ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng [[Pilipinas]] na si [[Jose Rizal]], na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na [[Gomburza]] o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa ''[[Noli Me Tangere]]'' at tulad sa ''Noli'', nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa [[Wikang Kastila|Kastila]]. Sinimulan niya ang akda noong Oktober ng [[1887]] habang nagpapraktis ng medisina sa [[Calamba]].
Ang '''''El filibusterismo''''' ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng [[Pilipinas]] na si [[Jose Rizal]], na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na [[Gomburza]] o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa ''[[Noli Me Tangere]]'' at tulad sa ''Noli'', nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa [[Wikang Kastila|Kastila]]. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng [[1887]] habang nagpapraktis ng medisina sa [[Calamba]].


Sa [[Greater London|London]], noong [[1888]], gumawa siya ng maraming pagbabago sa ''plot'' at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa [[Lungsod ng Paris|Paris]], [[Lungsod ng Madrid|Madrid]], at [[Lungsod ng Brussel|Brussel]], at nakompleto niya ito noong [[Marso 29]], [[1891]], sa [[Lungsod ng Biarritz|Biarritz]]. Inilathala ito sa taon ring iyon sa [[Lungsod ng Gent|Gent]]. Isang nagngangalang [[Valentin Ventura]] na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng [[pera]] sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong [[Setyembre 22]], 1891.
Sa [[Greater London|London]], noong [[1888]], gumawa siya ng maraming pagbabago sa ''plot'' at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa [[Lungsod ng Paris|Paris]], [[Lungsod ng Madrid|Madrid]], at [[Lungsod ng Brussel|Brussel]], at nakompleto niya ito noong [[Marso 29]], [[1891]], sa [[Lungsod ng Biarritz|Biarritz]]. Inilathala ito sa taon ring iyon sa [[Lungsod ng Gent|Gent]]. Isang nagngangalang [[Valentin Ventura]] na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng [[pera]] sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong [[Setyembre 22]], 1891.

Pagbabago noong 01:51, 20 Hunyo 2008

El filibusterismo
May-akdaJose Rizal
BansaPilipinas
WikaKastila (orihinal)
DyanraKathang-isip
Ang sulat-kamay na kopyang facsimile ng unang pahina ng El filibusterimo

Ang El filibusterismo ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba.

Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891.

Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

Mga tauhan

  • Simoun: ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay, siya rin si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
  • Isagani: ang makatang kasintahan ni Paulita.
  • Basilio: ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Julia.
  • Kabesang Tales: ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
  • Tandang Selo: ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo.
  • Ginoong Pasta: Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
  • Ben-zayb: ang mamamahayag sa pahayagan.
  • Placido Penitente: ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan.
  • Padre Camorra: ang mukhang artilyerong pari.
  • Padre Fernandez: ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
  • Padre Florentino: ang amain ni Isagani
  • Don Custodio: ang kilala sa tawag na Buena Tinta
  • Padre Irene: ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
  • Juanito Pelaez: ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • Makaraig: ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan.
  • Sandoval: ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
  • Donya Victorina: ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita.
  • Paulita Gomez: kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.
  • Quiroga: isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
  • Juli: anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
  • Hermana Bali: naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra.
  • Hermana Penchang: ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli.
  • Ginoong Leeds: ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya.
  • Imuthis: ang mahiwagang ulo sa palabas ni Ginoong Leeds